Nabuhay ako dati sa isang praktikal na mundo. Lumaki ako na nahihirapan makipag kaibigan sa iba. Hindi kasi ako sigurado kung totoo ba sila sa akin. Ayoko kasi na masaktan at maiwanan.
Noong pumasok ako sa isang bagong parte ng aking buhay, iniwan ko ang mga di magagandang karanasan sa aking nakaraan. Inakala ko na magiging maayos ang lahat. Pero, mali NANAMAN pala ako. Dahil sa ngayon ay hindi lamang ito naging maayos… naging perpekto pa ito sa paningin ko….
Madami akong binago. Ang dating ako na mas gustong tumahimik sa isang tabi ay naging “vocal” at nagpakatotoo. Mas nagtiwala ako sa sarili ko at sa kapwa ko. Akala ko ay handa na ko sa pagharap sa bago kong buhay… pero.. mali ako dahil may nakaligtaan akong bantayan… ang puso ko.
Ika nga nila “Love comes unexpectedly”. Oo na, tama na yan. Hindi ko yun inaasahan. Bigla siyang dumating. Binago niya ko. Napakalaki ng impluwensiya niya sa buhay ko. Hindi niya ito alam at wala din naman akong balak na sabihin pa yun sa kanya. Mas mabuti pa siguro na dalhin ko na lang yung hanggang sa hukay ko. Bakit?. Ano pa bang magiging epekto sa buhay niya ng pag amin ko? Sasaya ba siya dun? Hindi naman eh. Baka nga layuan niya pa ko lalo pag nalaman niya. Alam ko naman kasi ngayon na may nagpapasaya at kumukumpleto ng buhay niya. Sa totoo lang, masaya talaga ko para sa kanya. Kasi hindi niya naranasan yung naranasan ko. Hindi ko alam kung ok pa rin sila ng gusto niya pero umaasa ako na maayos pa sila.
Alam kong wala akong maipagmamalaki masyado dahil bukod sa isa akong hindi “maputi” na babae ay panget pa ako. Minsan tuloy ay naitatanong ko sa sarili ko kung ako ang nawawalang anak o kamag anak ni aling bakekang or bakeks for short. Ahihi. Ayos na sana post ko e. Ginulo pa sa dulo. Wahihi. Salamat sa pagbabasa!

Labels: mushiness