<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d747318792821398024\x26blogName\x3dMy+world+is+for+real...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://zengkay.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://zengkay.blogspot.com/\x26vt\x3d-3019729775444858567', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Friday, August 17, 2007

The feeling of loneliness…
The feeling that you are being left out…
The feeling that you are nothing and there is nobody who cares…
I HATE THAT FEELING.

Alam naman siguro ng lahat na puro kami babae sa grupo namin. Siyempre pag ganun hindi naiiwasan ang comparison. Sa totoo lang ayoko na nacocompare sa iba dahil hindi naman ako sila at hindi sila ako. Pero siyempre, kahit isarado ko ang sarili ko sa mga comparisons, naaapektuhan rin ako. Siguro iniisip ng iba na napaka insecure ko naman, kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun kabilis mainsecure. Kuntento ako sa kung anong meron ako at sa kung ano ako pero minsan di maiiwasan na maaapektuhan din ng mga nasa paligid natin yung sarili nating paniniwala. Dumadating ako minsan sa point na iniisip ko na siguro ako na yung pinaka PANGET at pinaka USELESS sa aming magkakaibigan. Ewan ko ba. Ganun lang talaga yung pakiramdam ko. Kung nasa kalagayan kita at kaibigan mo ang isang grupo ng magaganda, talented at matatalino na babae, hindi mo maiiwasan na maging katulad ko.

Sa totoo lang, kahit na napakadami kong kaibigan at kahit lagi niyo kong nakikita na madaming kasama, hindi ako ganun kasaya. Sa totoo lang, malungkot ako. Kailan ko lang tinanggap toh. Kasi kung pwede talaga pinipilit ko na makibagay sa lahat. Kaso hindi eh. Pag sama sama kaming magkakaibigan, nagkakaroon ng grupo grupo. Hiwalay sila ganyan kila ganito. Hiwalay ng lakad sila ganyan kila ganito. Hiwalang ng topic sila ganyan kila ganito. Yung mga super close magsasama sama. Pagkatapos nun, maiiwan ako sa gitna. Hindi ko alam kung saan ako sasama. Hindi ko alam kung sinong lalapitan. Siguro nga ako lang yung may problema. Bakit naman silang lahat maayos? Oo. Ako nga lang yung may problema.

Hindi ko na alam minsan kung saan ko ilulugar yung sarili ko. Yung inaasahan kong mga tao na susuportahan ako in case na bumigay na ko eh mukhang nawala na rin. Ayoko naman na pinapamukha yung ginawa ko dating magagandang bagay sa iba kaya hindi talaga ko lumalapit sa iba pag sobrang bigat ng problema ko. Nag eexpect siguro ako masyado na mafifeel nila na may problema ako. MALI nanaman ako e. Hindi pala dapat nageexpect.

Minsan lang ako magpost ng ganito. Di ko kasi matiis. Pag may problema ako di ko alam kung saan pupunta. Pag masaya ako hindi ko alam kung kanino lalapit. Pag kailangan ko ng advice parang walang gustong tumulong. Siguro nga malungkot lang akong tao…


Kaya nga s blog n lang ako nag gaganito. Baka may umintindi pa.

Labels: , , ,

Wednesday, August 15, 2007

Gaahhhhdddd.... Tumodo ung typhoon kanina. Sa 4 years ko ng pag aaral sa Mandsci masasabi ko talaga na first time ko na makita na lubog yung court. Todo talaga e. Nagwa-wonder lang ako kung bakit enjoy na enjoy yung mga estudyante sa kabilang school *Hulo Elementary na matatagpuan sa tapat ng Mandsci* sa pag langoy at pagtatampisaw sa baha. Una, MADUMI yun at pangalawa, hindi siya SWIMMING POOL at lalong hindi doon nagheheld ng isang SWIMMING PARTY.
Classes were suspended around 9 am but I got home around 2. Ang HIRAP umuwi. First reason was malakas talaga yung ulan. Mga 11:30 tumigil siya and medyo lumiwanag so everyone got the chance na to go home and I was among those people na hapit na talaga umuwi dahil sino ba namang gustong mag stay sa school na mainit, baha ang quad at walang kuryente? Minsan lang yata ang opportunity para makatulog dahil aminin natin, masarap matulog pag umuulan.
Second reason was baha sa mga dadaanan. Nung umuulan pa, lumapit sakin yung mga kakilala ko and yung ibang kalapit bahay ko lang. Sinabihan ako na hanggang waist na daw ung baha sa Kalentong *yung dadaanan ko pauwi*. Siyempre namroblema na ko dahil wla na talagang susundo sakin. Nagalala na din ako sa kapatid ko dahil taga DBS Manila siya at Kalentong din ang main road nia. Buti sana kung naka service siya kaso gusto niya kasi na magcommute na lang. So ayun, nakaisip na ko ng way kung paano ko uuwi ang problema naman, baha na din daw sa Boni na dadaanan ko din at sa Mandaluyong Municipal Hall na dapat kong alternative na dadaanan. So naiinis na ko pero no choice talaga kundi maghintay.
Third reason. Wala ng ulan. Medyo ok na daw yung baha dahil bumababa na pero WALANG MASAKYAN!. We even went to the nearest mcdo branch para sana kumain pero sobrang puno niya na. Naisipan din naming mag abang dun ng sasakyan pero WALA talaga.
Luckily, napadaan yung daddy ni Jhemmy and hinatid niya kami hanggang sa mga pinaka malapit na sakayan. Ayun ayos, sabi ko sa sarili ko. Siguro mababa na yung baha sa Kalentong, sa wakas makakauwi na ko. Pero mali ako e. Oo di mataas yung baha pero BAHA pa rin. Para kong nakikipag patintero sa daanan. Baha sa left side, tatawid sa right. Baha sa right tawid sa left. Baha sa pareho pupunta sa pinaka may mababaw na baha at may nakahandang kahoy dun na tatawiran mo. Gosh talaga. Pagtawid ko naman para makapunta na ko sa sakayan. Baha din yung daanan. Nakakainis. Kailangan mong dumaan sa pinakagilid na daan na tipong isang file lang dapat kayo na dadaan. Nakakaasar pero ayos na rin. Di naman ako masyado nabasa. After nun, natapos na din ang adventure ko. haha.
Ang nakakatawa lang dun e tipong haggard ka na at lahat sa pagtawid at pagiwas sa baha, biglang may lalapit sayo para magtanong ng pangalan mo. Nakkainis sila kaya naglakad na lang ako palayo. Wala akong oras sa kanila dahil mas mabuti pang matulog kesa makipag usap sa mga katulad nila.
Ayun. Sige. Pahinga tayo! La psok bukas! haha.

Labels: ,

Friday, August 10, 2007

I just changed my layout and if you will notice it is not one those typical layout that I always prefer to use.
I just had a long talk with my best bud and we got into this heated argument about being just.
I got a little pissed off because of his way of showing that he is right and almost everybody, including him, knows that I am a determined arguer. Winning is what I want. But because he is better than me there is nothing that I can do but be sarcastic. Don't you hate it when you lose and you don't have any choice but to accept it? Don't get me wrong. I DO accept my defeats but sometimes I DO find it hard to move on. Know the idiomatic expression "crying over a glass of spilled milk"? Well, that is one of my worst attitude. I always tell myself that if I did this or did that I won't be in this situation right now.
Pero wala namang tayong choice kundi tanggapin yun di ba. Alam mo ba yung destiny?
What is meant to be is meant to be. *tama ba?*

Labels: ,

Thursday, August 9, 2007

Periodical test is here.
Two consecutive storms hit our country so school was out and the test was moved. *hooray*
Two days of doing stuffs that we can't do when we have classes. Sleeping... watching tv... reading books.. listening to this mushy songs *while raining!* thinking of dramatic things that occured in our life. Tell me you don't do such things. haha.

We-ell. School is back tomorrow and I didn't even skim a page in my book.
I even went out with some friends today. We ate and just chilled out. There's this group of *pacute* guys and ugghh, ang FEELING! I really hate those type of guys. They feel like they own the world. They even had the GUTS to approach us and ask for our digits. Gosh. haha. We just ignored them and continued with our own agendas. Haha to them.

There's this two separate group of senior citizens and they were conversing in CHINESE. Gosh. Nosebleed. We're like in a different world out there. But it was funny because the first group was composed of male and the other was of female. Is that a group date or what? *Naalala ko tuloy si jigglypuff. Nakipag date kaya yun dati?*

What else... Yun lang yata nagawa kong maayos. I really just slept, ate, rest, went online, chat, bla bla bla. Test bukas. Di ako nag aral. Sabi nga naman ni Sir Anatalio nung 1st day of test at nagka cram kami sa pag aaral --

"Aral aral pa kayo jan. Kung bagsak bagsak. Yun na yun!"

ayos. yun yun e. go sir!

Labels: ,

Saturday, August 4, 2007

Woke up around 4 am...
Ate heavy breakfast...
Took a looonnnggg bath...
Dressed for a couple of minutes...
Waited for my dad...
then ZOOM we're off to u.p. diliman...
Honestly...
mahirap yung test.
siguro kung english and filipino lang yung titignan, may malaking chance na papasa ko. Kaso kailangan yung Math and Science.. and dun ako hirap.. kainis.
Waaa.. goodbye up...

Labels: ,

Wednesday, August 1, 2007

v.v. exhausted...
upcat review, ncae review, requirements needed before the periodical exam, THE PERIODICAL EXAM, the UPCAT, our mapeh program *which is to be held today.* and the other bla blas.
guess what. it's already 2:30 am and i am up, alive, kicking, online, blogging and completing some unfinished work. I slept for 4 hours then woke up at 2. i don't have any plans to sleep na so here i am. i'll just wait for quarter to 5, eat a heavy breakfast *it's necessary today*, take a bath, dress then go to school. let's all start an uber busy day with a bang. haha. i don't even know how i can manage to go to school today because i have TONS of things to bring. From the usual bag and file case to shades and high heels. Come on people. This is CRAMMING to the nth level.
BTW it's august 1 na pala. Time really flies noh?. We-ell. Kim will be leaving the Philippines on Friday and she will be saying her hi's on Buenos Aires, Argentina.
Well... just take care you guys. cramming is here. we can do this. haha.

Labels: , , ,