Friday, November 16, 2007
Alone. Left out. Loner. Out of place.
Me.
All of those words describe what I am feeling right now.
I feel like there’s nobody who even cares for me except of course for my family.
I feel like I don’t have anyone to talk to. I cannot let my bottled feelings flow freely because there is no one out there who even cares, who is willing to listen.
I have online friends, I have classroom friends, but they all leave me once I went out of the school, out of my house, out of my comfort zone.
That’s life. It is not meant to be fair. But why am I always the victim? No erase that word. I am not a victim. Maybe I’m really just a loner. Maybe I really just pity myself. I always wondered when would I find true happiness. When would I find all those things that are currently missing in my life? When. When. When.
Something happened today, that’s why I am writing this very emotional entry. Anne is the only person who knows about it. Well, at least, there is someone who is willing to listen. Haha. thanks anne!
Labels: don't-mind-me, dramas, errr, Irish Stuffs
Friday, September 7, 2007
Nag usap kami kanina ng isa sa pinaka mabuti at masasabi ko na pinaka mapapagkatiwalaan ko na yatang tao sa buong mundo (bakit may yata?). Napag usapan namin yung mga nangyayari sa amin. Mga problema ko, problema niya, mga sama ng loob sa iba at kung ano ano pa. Ang tagal pala naming hindi nakapag usap ng ganun kalalim. Grabe. Madrama siguro para sa iba pero mahalaga para sa akin. Hindi ko naman kasi nalalabas yung problema ko. Laging nakatago. Natatakot kasi ko magtiwala.
Laging nakikita ng iba na ako yung nakakatakot. Iba daw kasi yung mata ko. May “something” daw dito na kinakatakot ng karamihan. Pag tumitingin ako sa salamin, hindi ko yun makita. Isang napakaka lungkot na mata lang ang nakikita ko na nakatingin sa akin. Sabi ng iba kong kaibigan dahil lang daw siguro sa kulay ng contact lense ko yun, tumatawa ko pag sinasabi nila yun pero sa loob loob ko alam kong malungkot lang talaga ko. Hanggang ngayon ganun pa rin yung pakiramdam ko. Ewan ko. Hindi talaga ko masaya. Nakakainis. Napakalungkot ko at hindi ko alam kung paano ko sasaya. Ngayon ko lang toh naramdaman e.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako ngayon. Lagi na lang malungkot yung nakasulat sa blog ko. Sana pagpasensyahan niyo. Pag nasa school lagi akong mukhang masaya. Tawa ng tawa. Nakangiti lagi. Pero ngayon alam na siguro ng iba. Yung mga taong takot sa akin, magiiba siguro yung pananaw pag nabasa toh.
Labels: don't-mind-me, dramas
Friday, August 17, 2007
The feeling of loneliness…
The feeling that you are being left out…
The feeling that you are nothing and there is nobody who cares…
I HATE THAT FEELING.
Alam naman siguro ng lahat na puro kami babae sa grupo namin. Siyempre pag ganun hindi naiiwasan ang comparison. Sa totoo lang ayoko na nacocompare sa iba dahil hindi naman ako sila at hindi sila ako. Pero siyempre, kahit isarado ko ang sarili ko sa mga comparisons, naaapektuhan rin ako. Siguro iniisip ng iba na napaka insecure ko naman, kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun kabilis mainsecure. Kuntento ako sa kung anong meron ako at sa kung ano ako pero minsan di maiiwasan na maaapektuhan din ng mga nasa paligid natin yung sarili nating paniniwala. Dumadating ako minsan sa point na iniisip ko na siguro ako na yung pinaka PANGET at pinaka USELESS sa aming magkakaibigan. Ewan ko ba. Ganun lang talaga yung pakiramdam ko. Kung nasa kalagayan kita at kaibigan mo ang isang grupo ng magaganda, talented at matatalino na babae, hindi mo maiiwasan na maging katulad ko.
Sa totoo lang, kahit na napakadami kong kaibigan at kahit lagi niyo kong nakikita na madaming kasama, hindi ako ganun kasaya. Sa totoo lang, malungkot ako. Kailan ko lang tinanggap toh. Kasi kung pwede talaga pinipilit ko na makibagay sa lahat. Kaso hindi eh. Pag sama sama kaming magkakaibigan, nagkakaroon ng grupo grupo. Hiwalay sila ganyan kila ganito. Hiwalay ng lakad sila ganyan kila ganito. Hiwalang ng topic sila ganyan kila ganito. Yung mga super close magsasama sama. Pagkatapos nun, maiiwan ako sa gitna. Hindi ko alam kung saan ako sasama. Hindi ko alam kung sinong lalapitan. Siguro nga ako lang yung may problema. Bakit naman silang lahat maayos? Oo. Ako nga lang yung may problema.
Hindi ko na alam minsan kung saan ko ilulugar yung sarili ko. Yung inaasahan kong mga tao na susuportahan ako in case na bumigay na ko eh mukhang nawala na rin. Ayoko naman na pinapamukha yung ginawa ko dating magagandang bagay sa iba kaya hindi talaga ko lumalapit sa iba pag sobrang bigat ng problema ko. Nag eexpect siguro ako masyado na mafifeel nila na may problema ako. MALI nanaman ako e. Hindi pala dapat nageexpect.
Minsan lang ako magpost ng ganito. Di ko kasi matiis. Pag may problema ako di ko alam kung saan pupunta. Pag masaya ako hindi ko alam kung kanino lalapit. Pag kailangan ko ng advice parang walang gustong tumulong. Siguro nga malungkot lang akong tao…Kaya nga s blog n lang ako nag gaganito. Baka may umintindi pa.Labels: don't-mind-me, dramas, errr, opinions
Wednesday, April 18, 2007
Each friend represents a world in us, a world possibly not born until they arrive, and it is only by this meeting that a new world is born.Ang bilis talaga ng panahon. Kada taon, may umaalis na lang. May pumupunta sa ibang bansa, may panandaliang umaalis at meron ding pang habang buhay na. Masakit mawalan ng isang kaibigan na pinagkatiwalaan mo at naging importanteng parte ng buhay mo. Pinipigilan mo na umalis sila pero time na mismo ang nagsasabi na dapat na silang umalis.
May mga piling tao akong nakilala na nagpabago ng buhay ko. Sila yung mga taong sandali ko lang nakilala pero napakalaki naman ng epekto sa buhay ko. Hindi siguro nila alam toh dahil hindi ko naman kayang sabihin. Siguro nga duwag ako pagdating sa pag amin ng totoo kong nararamdaman. Ayoko lang siguro kasi na makasira nanaman ng isang maayos na relasyon. Baka magkamali nanaman ako. Baka may mawala nanaman. Tama na siguro yung mawalan ang isang tao ng isang importanteng importanteng parte ng buhay niya. Ika nga ni Joyce Carol Oates na isang writer…“I used to think getting old was about vanity—but actually it's about losing people you love.”
Ganyan din yung paniniwala ko dati. Napaka babaw ko kasi. Akala ko madali lang ang ikot ng buhay. Pero sa tingin ko, noong mga panahong iyon ganun talaga yung takbo ng isip natin. Bata pa tayo nun. Hindi lang tayo bata pagdating sa age, pero pati sa experience. Parang yun yung first time natin na sumabak sa isang giyera na wala tayong armas. Ni hindi natin alam kung sino yung kakampi natin. Siguro dahil sa mga paniniwala ko noon kaya nangyari yung mga di ko inaasahang bagay. Dahil takot akong masaktan dati, ginagawa ko yung alam kong tama. Yun nga lang, sa isang iglap, mawawala ang isang importanteng bagay. Parang paggising mo na lang. Wala na pala yung dahilan ng lahat. Nakakalungkot isipin pero totoong nangyayari yan. Akala ko dati, sa mga teleserye lang yan. Hindi pala. Siguro kung may hihilingin man ako ngayon sa buhay ko, yun yung pag ayos ng lahat. Lahat ng nawala kahit maayos lang, kahit hindi na bumalik…Labels: dramas
I sought them far and found them,The sure, the straight, the brave,The hearts I lost my own to,The souls I could not saveThey braced their belts about them,They crossed in ships the sea,They sought and found six feet of ground,And there they died for me.
Guy Friends...
Dalawang taon na pala ang lumilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Kanina, kausap ko si Paul at napag usapan naming dalawa yung mga nangyari sa nakaraang dalawang taon sa buhay namin. Sabi niya, yung kanya daw medyo boring. Nung turn ko na para magkwento, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gusto ko sana na isa-isahin sa kanya yung lahat ng napagdaanan ko nung umalis siya, yun nga lang… hindi ko alam kung saan. Nahihirapan ako mag kwento sa dahilan na hindi ko alam. Siguro hindi ako ganun kagaling mag express ng feelings ko. Minsan nga hinihiling ko na sana, isang phone call lang ang layo ni Paul sakin. Para at least, nakakausap ko siya. Sa totoo lang, dalawa lang naman kasi silang lalake na talagang alam yung lahat ng nangyayari sakin. Si joseph at siya. Sila yung mga taong nalalapitan ko pag alam ko na kahit mga closest friends ko na puro babae e hindi ako maiintindihan. Sila lang yung nagtitiyaga sa mga drama ko sa buhay. Kanina napag usapan din namin ni Paul yung isa niyang kaibigan na babae. Niloloko ko kasi sa kanya yung babae kaya medyo napag usapan namin. Sabi ko pa nga sa kanya eh nagseselos ako. Pero siyempre, hindi naman talaga. Alam kong alam niya yun. Gusto ko nga na maging masaya siya with another girl e. Yung tipong hindi lang sila friends. Ang saya siguro pag ganun. Si joseph naman, nagka crush sa kung kani-kaninong babae. Actually pili lang talaga sila dahil alam niyo naman siguro yun, medyo pihikan sa babae. Kada sinasabi niya yung mga gusto niya, talaga naming nagrereact ako. Binibigay ko yung opinion ko sa babae. Grabe no. Daig ko pa magulang niya, e crush pa lang naman yun. Siguro, ugali ko lang talaga na magpaka sigurado pagdating sa mga bagay na may koneksyon sa puso. Ayoko lang siguro na maramdaman nila yung naramdaman ko. Wala akong kaibigan na gusto kong maramdaman yun. Alam ko na darating lahat sa puntong yun pero sana wag naman agad.
I thank the Lord for friends. They can see you and your life so clear 'cause it's not their hearts all tangled up in it.Labels: blah blahs, dramas
Friday, March 16, 2007
It's over!!! yay!
our last [yep... LAST] examination week for our 3rd year in CMSHS is finally over...
No more sleepless nights for us!
Vacation is near and it's back to being idle all day long... haayy..
I'll surely miss my friends, cooler than cool classmates, TEACHERS! and of course... my 3rd year life...
Our last year in Mandsci will be starting next school year...
I don't know what to expect... but WE will surely make our final year an unforgettable one...
We will be welcoming our senior life with open arms, but... college life is nearing and I don't want to leave my childhood days behind... [soo serious huh?]
Let's not talk about that stuffs...
Too dramatic...
Our last two weeks in Mandsci is about to start and we are sooo ready for it...
haha...
Goodluck everyone...
hugs and kisses...
ta ta for now...
Labels: blah blahs, dramas, School
Thursday, March 8, 2007
What if there is this person who loves you...
He's so kind to you that there are times when you feel like you don't deserve the kind of treatment that he's giving you...
He's always thinking of you...
Pero hindi mo siya ganun na bigla na lang naiisip...
You're always testing him...
Pinipikon siya and tinetest yung patience nia...
Hindi siya napipikon... and lagi niyang sinasabi sayo na he's willing to do everything/anything for you...
He loves you unconditionally...
And you don't feel the same way [YET...?]
He is so sure on what he feels...you are so sure that you are confused...
Do You Deserve A Guy As Good As Him?
Do I Deserve This Guy?...
Can I Take The Risk And Try To Love Him?
Should I Open My Heart?
"Be careful with his heart. It's more fragile than you think."
Labels: dramas, Irish Stuffs
Tuesday, March 6, 2007
Haha... this will be my 64th post for this blog...
I can't believe na nakaya kong tumagal ng ganito sa world of blogging...
dati kasi... gumagawa ako ng blog.. then... pag tinamad.. hindi ko na ina-update...
pero tignan mo naman tong blog na toh..
updated talaga... haha
Dami na rin naming napagdaanan ng blog ko na toh...
May mga readers na rin na nabanas, naasar, natawa, natuwa at nabored sa mga posts ko.. but still.. nagagawa pa rin nilang magbasa...
haha...
Pag may prob ako.. ano ba namang tinatakbuhan ko di ba? siyempre tong blog ko...
tulad ngayon... problemado ko sa project namin sa pre calculus/trigonometry... haha.. at anong ginagawa ko ngayon? eto nagba-blog... haha
Malapit na nanaman tayong lahat na mga students sa finish line ng race natin for this school year... malapit na yung March and it will be bye bye junior life na... hayy.. dami nang napagdaanan... pero eto pa rin... masaya pa rin...
ayun muna... kailangan ko muna ayusin ang napaka gulo kong buhay.. catch you guys later!
Labels: blah blahs, dramas, School
Thursday, February 8, 2007
You are a liar...You're always pretending to love me... to like me... to need me...But truth be known... it's just a tall tale...I HATED you because you're like that...I HATED myself because I believed in your lies...I HATED others coz they made me believe that all your fibs are true...You destroyed everything...You left me when I needed you...Where were you when I need a shoulder to cry on?Where were you when almost everyone was against me?Where were you when I almost died because of loneliness?YOU WERE NOWHERE TO BE FOUND...Now here I am...and I finally moved on...past is past...and sad to say... I will never be yours again...Never ever...*from someone who once loved a fool...Labels: dramas, errr, mushiness
Friday, February 2, 2007
Evil...yeah... evil ako...haha... tanggap ko yun...I hurt others... physically and emotionally... [minsan...]bakit ko yun ginagawa?...kasi sinaktan nila ko...sinaktan nila yung mga taong ayokong nasasaktan...Revenge lang naman yung tawag ko diyan eh...Masama ako?...Sino bang hindi?Lahat tayo masama...Baka mas masama pa yung iba sa akin...Wala akong pake sa iniisip ng iba...ako toh eh...nu magagawa nila?tanggapin nila ko...kasi tinatanggap ko sila kung ano man sila...Ayaw niyo sa akin?Gusto ko ba kayo?Tinitignan niyo ko ng tingin na may kung anong ibig sabihin?Titignan ko din kayo...Ibabalik ko yung lahat ng bagay na ginawa niyo sa akin...I AM a good girl... but I'm better as an evil girl...Keep that in your mind f*ckin b*st*rds...REVENGE IS SWEET...Labels: dramas