Dahil malapit na ang pasukan at marami nanamang bagong estudyanteng papasok sa mga eskwelahan, naisipan kong itala ang mga mapapansin mo para masabi kung bago pa lang o luma na ang estudyante sa aming paaralan.
a.
Bago siya pag:
Super kabado at super excited siya sa pasukan.
Luma siya pag:
2nd year: excited makita ang super friends niya
3rd year: kabado at excited dahil bago na ang teacher at yun ang pinakamahirap na year
4th year: mga tinatamad na at wala nang pakialam. Papasok kung papasok. Habol lang minsan ang baon lalo na kung wala namang ginagawa sa school.
b.
Bago siya pag:
Kadalasan ko tong napapansin eh. Pag kasama pa ang super parents ng estudyante at super talk din ang mga parents tungkol sa kung ano anong pagsubok ng buhay.
Luma siya pag:
2nd year: unting parents na lang ang sumasama. Minsan wala na.
3rd year: Independent na. Masaya na basta kasama ang super friends.
4th year: Independent na din. Yung iba diyan medyo male-late pa. Mga sigaw ng sigaw.
c.
Bago siya pag:
Hindi siya pumapalakpak masyado pag sinabi na ng president ng school na: Let’s start our traditional handshake.
Luna siya pag:
2nd year: Humihiyaw dahil excited maranasan yung handshake na yun [ganun kami dati eh]
3rd year: Medyo excited. Patawa tawa na lang.
4th year: wala lang. Go lang sa panonood.
d.
Bago siya pag:
Shock pa siya dahil ikaw mismo ang kukuha ng sarili mong juice sa canteen. [ewan ko kung ganun yung ginawa nung entrance exam. Di ako sure jan]
Luma siya pag:
Sanay na.
e.
Bago siya pag:
Di niya alam na may iba’t ibang grupo sa school. [i.e. Bolz, Manai Bogz, grupo ng mga magiging 3rd year ngayon, grupo ng magiging 2nd year]
Luma siya pag:
May kilala siya na isa o mas marami pa na grupo.
f.
Bago siya pag:
Pusturang pustura. Gusto yatang gumawa ng magandang impression. Yung iba nagpapacute pa.
Luma siya pag:
Alam niya na tanggap siya sa mandsci at wala namang pake ang iba sa itsura nia kaya medyo di na siya nagaayos. Hindi na rin nagpapacute yung matatatagal na. Lalo na yata yung batch namin dahil wala naman kaming ineexpect. Haha.
Dagdag pa kayo… haha. comment comment.