Here's the 411:
Write about how much addicted you are towards something.
1. Don't forget to include the percentage of 'addictedness' towards that thing.
2. All with one condition, the total of percentage much reach 100%.
3. You MUST tag others and continue tagging but please don't forget to explain the rules and please notify that person so that they know that they had been tagged.
[60% addicted to books…]
Books books books… this summer wala na siguro akong inatupag kundi ang pagbabasa ng libro at pagba blog. Kahit children’s book pinapatulan ko makapagbasa lang. Sa sobrang hilig ko nga sa pagbabasa eh lumabo na rin yung mata ko. Sa totoo lang, wala naman akong pinagsisisihan kasi it’s worth it naman. Hindi ko nga maintindihan yung iba kung bakit ayaw nilang magbasa. Hindi nila alam na ang dami nilang namimiss sa buhay nila.
[20% addicted to chocolates without the nuts]
Yum yum. Naniniwala talaga ko na nakakapagpasaya ang chocolates. Kapag malungkot kasi ko ngunguya lang ako ng chocolates na gusto ko tapos voila! Wala na yung lungkot. Kaya ko din umubos ng isang malaking bag ng kisses or mnm’s. Hindi naman siya nakakataba eh. Yung may nuts lang siguro.
[10% addicted to Koreanovelas]
Simple but touching story. Ewan ko ba pero mahilig talaga ko ngayon sa mga koreanovela. Siguro isang reason eh dahil ang cute ng mga actors and actresses nila. Alam niyo ba yung bagong koreanovela ng abscbn? Yung which star are you from? Ayoko ispill yung story basta yung makikilala nung lalakeng bida na kamukha ng namatay niyang ex eh may kuneksyon dun sa ex ng lalake. Hindi reincarnation, hindi rin totoo yung hindi naman daw namatay. Basta may kuneksyon sila. Mahabang storya pero kung iisipin mo naman ng mabuti madali lang malaman kung ano yung konek nila. Aww whatever..
[10% addicted to blogging]
Wala nang explanation. Yun na. Alam niyo na yun.
I'm tagging Venus... aun.. hehe..
Labels: something ng mga bloggers