<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttp://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Thursday, September 13, 2007

Naiinis ako! Madami akong kinaiinisan ngayon. Alam mo yung feeling na parang lahat ng bagay eh nangyayari against your will? Lahat na lang ng nangyayari parang mali. Ika nga ni roseann dati “Is the world conspiring to irritate me again?”. Sabi naman ni Mrs. Tirones (one the best teachers in the entire world), hindi naman daw totoo yang conspiracy na yan. Nasa takbo lang daw yan ng isip ng tao. At oo, tama siya. Pero hindi naman maiiwasan minsan yung maapektuhan ka din ng nasa paligid mo.

Ang dami daming nangyayari ngayon na sobrang nakakainis na. Puro away. Puro gulo. Pwede bang mag bakasyon muna kahit sandali lang? Ang sakit na kasi sa ulo. Kahit hindi ako yung mismong involve sa mga nangyayari, hindi maiiwasan na hindi ako maapektuhan. Hindi lang ako. Pati yung mga kaklase ko. Problema sa pagitan ng dalawang tao, nagiging problema na rin ng mga hindi naman kasali. Yun yung nakakainis di ba? Yung alam mo na dalawa lang kayo na dapat mag ayos ng problema niyo, tapos biglang may sisingit. Kung ano ano sasabihin eh in the first place, they don’t even know the whole happenings. They don’t even know the other side of the story. And THAT really sucks. They’re judging others based on what THEIR friend/s had told them. Kahit na hindi mo kilala ang isang tao, hindi mo siya pwedeng husgahan dahil HINDI MO NGA SIYA KILALA DI BA? How absurd. Alam ko na hindi dapat ako nagpapaapekto pero ang nakakainis dito are the ff :

1. The conflict that is happening right now is open EXCLUSIVELY to ONLY and I mean ONLY the members of our class including our teachers. The problem? Madaming sumasali.


2. Hindi alam ng iba yung totoo. So why make “pakialam”?

3. Oo nagkaka insultuhan nga pero kung may nangyaring ganun, pwede bang hayaan niyo na yung mga may problema lang ang mag usap? Kung kaibigan niyo yung nasaktan, oo naiintindihan ko kayo pero sana di ba. Malaki na yang kaibigan niyo and I THINK na kaya niya nang harapin yung mga problema niya.

4. PLEASE LEARN TO ACCEPT YOUR MISTAKES. Ikaw ang gumawa niyan so pangatawanan mo. Every action has its own consequences.

5. This is not the end of the world. Kung ano man ang nangyayari, isa yang lesson na dapat tandaan hindi lang ng mga taong involved kundi ng lahat.

Yun lang. Nilabas lang ang inis.

P.S. This is MY blog and this is my OPINION. Sa tagalog : Blog ko ito at opinyon ko ito. Wala kang pakialam sa kung ano mang ilalagay ko.

Para sa mga makakabasa nito na bloggers na friends ko din, huwag niyo na lang sabihin na may ganito akong post sa ibang tao dahil gusto ko sana na private toh. Para lang sa atin toh. Hayaan natin na yung mga involved ang mismong mkkpunta dito. Thanks! :)

Labels: