<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Sunday, March 25, 2007

"Kasama ko ang aking buong pamilya nang may nasulyapan akong isang lalake na paparating. Itim ang kanyang suot at siya ay maputi. Hindi makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng isang hinahangin na tarpoline. Nang lalo siyang lumapit, biglang tumalon ang aking puso ng pagkabilis bilis. Imbes na lub dup ang tunog... naging boing boing boing na ito. At ayun... siya na nga aking nakita. Isang mestiso, matangkad at gwapong lalake na kulay brown ang buhok. papalapit na siya ng papalapit at hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin. Sa kanya bang mata o sa kanyang mukha... kaya napagdesisyunan ko na sa ibang direksiyon na lang ako titingin.. [ang labo]... dumaan na siya sa harap ko... at eto ako... nakatatak nanaman ang kanyang mukha sa isip ko..."




Siguro naman... nababasa niyo ang aking emosyon sa nangyaring pagkikita namin ni R... Hnidi naman ako inlove sa kanya. Kinikilig lang talaga ko pag nakikita ko siya. Ewan ko ba. Alam naman siguro ng mga kaibigan ko na nakakabasa nito na yung mga ganun ang tipo ko. Tall and Mysterious. Haha. Napag isip isip ko lang nitong mga nakaraang araw na dapat na akong lumingon sa aking paligid. Ayan tuloy, napansin ko NANAMAN siya. Ibig sabihin, matagal ko na siyang napapansin. Isa na lang ang gusto ko ngayon. Ang makausap siya. Mataas itong pangarap kaya medyo ibababa ko... Picture niya na lang... Dahil sa hindi ako makatulog sa init at dahil sa boring ngayon, nag isip ako ng paraan kung paano ko makukuha ang picture nia... eto oh..

1. Magpapanggap ako na isang tao na hobby ang pagkuha ng mga picture ng mga tao sa kanyang paligid [yun nga lang... kailangan ko ng mga proof... tsk tsk... tsaka maniniwala ba siya?]

2. Sasabihin na isa akong photographer/journalist at gumagawa ako ng isang write up tungkol sa mga [insert kung ano man ang maisip na bagay na topic.. la pa ko maisip e...]

3. Picturan siya bigla.. tapos pag nagkita kami ulit sasabihin ko na psychotic twin ko yun at pagpasensyahan niya na lang dahil bigla itong nakawala sa bahay... [asa na maniniwala siya... asa talaga...]

4. Magpapicture kasama siya... pag nakuha na ang picture... at nagtanong siya kung bakit.. sabihin na "akala ko artista ka! sorry ha..." tapos kunwari buburahin.. pero hindi... [paano ang pride ko... huhu...]

5. Wala... wala... wala... hintayin na lamang ang tamang pagkakataon.. dadating din yan... magtiis na lamang sa ilusyon... haha...

** wag na kayong umangal... crush ko toh e... minsan lang.. haha..**

Labels: , ,