Nung January, pumunta ang aking tito/pinsan [kasi asawa siya ng pinsan ko talaga]/friend/ewan.. blablah... sa Australia...
Dapat talaga ay pupunta sila dun ng pinsan ko [na asawa niya] kasama ang anak nila. Pero dahil sa unting problema, hindi nakasama ang pinsan ko at pamangkin ko.
Napag kwentuhan kanina ng aming "angkan" sa father's side ang pag alis ng asawa ng pinsan ko. Sa totoo lang, kung ako yung tatanungin, hindi muna ko babalik sa pinas. Biruin mo, weekly ang sweldo mo... at pag kinonvert daw ang sahod niya, aabot ng *drumroll muna* 150,000 a month yung sweldo niya. Alam kong di yun biro, sa isang ordinaryong Pilipino, sweldo niya na yun sa buong taon.. o kaya naman.. hindi man lamang umaabot ang sweldo ng isang Pinoy taunan sa halagang iyon. Eto pa... manager ang pinsan ko ng Jollibbee... kaya isipin mo... naguumapaw ang pera nila. Kahit bigyan ng pinsan ko ang angkan namin ng tig 5,ooo., wala lang yun sa kanya dahil bawing bawi naman. Isa lang ang anak nila at sa January 2008, susunod na ang pinsan ko at pamangkin ko.
Kung iisipin natin, ang sarap ng buhay nila. Ako nga rin nabigla nang malaman ko yun. Hindi na rin kailangan gumastos ng todo ng asawa ng pinsan ko dun sa Australia dahil lahat ay sagot ng kumpanya niya kasama na ang *show money* na dahilan kadalasan ng di pag alis ng isang Pinoy. Wala na rin siyang problema sa pagkuha sa pamilya niya dahil sagot ito ng kumpanya. Ayos na sana ang lahat, yun nga lang, todo pala ang discrimination sa Australia.
Hindi naman sa masama ang tingin ko o mababa ang tingin ko sa mga taga doon. Sinasabi ko lamang ang isang katotohanan. Hindi naman siguro lahat ng "aussie" ay ganun, pero sabi ng asawa ng pinsan ko, karamihan daw ang ganoon. Sa mag aapat na buwan na pamamalagi niya sa bansang iyon, naranasan niya na daw na kumain sa labas... hindi yung iniisip mo na sa restaurant.. labas na literal ang ibig sabihin ko... eto pa... silang mga pinoy daw ay kumain sa labas... sa tabi ng kanal ba yun o ilog... parang napakasama naman yata nun dahil tao naman tayong lahat di ba... pag pumupunta ba sila dito ginaganun natin sila? hindi naman... yan kasi ang problema sa atin... winewelcome natin sila [dahil siyempre... mahirap lang ang bansa natin... pera ang dala nila] tapos yung mga pinoy na tumutulong sa pag asenso ng bansa nila.. binabastos nila...
Nakakainis talaga yun... hindi ko tuloy alam kung ano ang itatrato nila sa pamangkin ko... nasabi ko naman siguro o nabasa niyo naman siguro sa profile ko dito na napapagkamalan akong Indian minsan dahil sa kulay ko.. at oo.. nasa lahi namin yun... yun nga lang yung pamangkin ko... ehem.. medyo mas malala.. ehem ehem.. kulay african lang naman siya... o sige.. masyado naman yun... kulay uling na lang.. naku masama din.. basta isipin mo... MAITIM.. pero hindi siya kulay tsokolate... napag isip isip tuloy namin na gawan ng paraan ang pagka itim nia... [sa totoo lang... 2 years old pa lang siya] eto ang mga tips ng aming angkan...
1. Magpa Belo siya dahil mayaman naman siya... yun nga lang.. may kutob kami na hindi yun eepekto... kung eepekto man.. siguro for 24 hours lang...
2. Magpakuskos siya ng balat 24/7.. yun nga lang.. kawawa naman ang eskobang gagamitin pati na rin ang sangkatutak na sabon...
3. Galing toh sa daddy ko... Ibabad daw sa flour.. hindi lang ibabad.. pagulung gulungin pa.. pero siyempre.. mahirap... pano pag naligo siya... tsaka mamaya maiprito siya.. kawawa naman...
4. Buhusan ng pintura... yan talaga ang matindi.. medyo kakapit ang kulay.. yun nga lang.. medyo magastos..
5. Hayaan na siya.. sus... pag dating niya dun mamumula naman siya... sabihin niya na lang na nasobraan siya sa "tan", baka sumikat pa siya dun.
Ayan... babalitaan ko kayo kung aalis na sila.. haha!
Labels: opinions