<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Monday, April 23, 2007

Random na ang pagaayos ng mga section sa mandsci.
Siguro ay mabuti din ito dahil at least, makakapag bond yung mga taong hindi close sa isa’t isa.
Nagkaroon kasi ng lamat dahil sa pag rarank. Naranasan namin yung pagiisip ng ibang nasa lower sections na mayayabang at snob ang nasa higher sections. Meron ding nasa higher sections na hindi naiintindihan ang ugali ng nasa lower sections.
Pero yun nga lang, may problema.
Merong iba na ayaw tanggapin na hindi na naka rank at random na ang pagsesection. Sabi nila, sayang daw yung pinaghirapan nila. No offense mga pare, pero yung pinaghirapan naman natin last school year ay hindi para sa pagsesection. Para yun sa college natin. Ano bang napakalaking effect ng section natin sa pagkatao natin? Wala naman di ba? Nasa pagiisip yan. Kung insecure ka at di mo matanggap na mapupunta ka sa ayaw mo na section dahil sa RANDOM na pagpili, well, walang may kasalanan niyan. Kaya nga random di ba. Besides, ano naman ba ang isang school year? Para namang papatayin ka ng magiging kaklase mo di ba. Just look at the bright side of it… at least magkakaroon tayo ng time na bigyan ng chance yung mga taong hindi natin masyadong napapansin and nakakasundo noong nakaraang 3 taon. Sa totoo lang, medyo naiinis ako dun sa mga masyadong paranoid diyan sa decision na ginawa ng school. Last year mo na toh, sisirain mo pa ba dahil lang sa ayaw mong isipin ng mga tao sa labas ng school na kaya ka napunta sa current section mo e dahil hindi ka nag aral ng mabuti? Du’uh pare.. what the hell.. shut up na pwede. Masyang reklamador. Buti nga nasa mandsci ka pa e. Buti nga last year na natin toh. Magreklamo ka kung first year ka pa lang dahil 4 na taon mong kakargahin yang random na pagsesection na yan.

Tanggapin na natin. Kung ano yung atin, yun yung atin. Yun na! Later! ;)

Labels: ,