<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Wednesday, August 15, 2007

Gaahhhhdddd.... Tumodo ung typhoon kanina. Sa 4 years ko ng pag aaral sa Mandsci masasabi ko talaga na first time ko na makita na lubog yung court. Todo talaga e. Nagwa-wonder lang ako kung bakit enjoy na enjoy yung mga estudyante sa kabilang school *Hulo Elementary na matatagpuan sa tapat ng Mandsci* sa pag langoy at pagtatampisaw sa baha. Una, MADUMI yun at pangalawa, hindi siya SWIMMING POOL at lalong hindi doon nagheheld ng isang SWIMMING PARTY.
Classes were suspended around 9 am but I got home around 2. Ang HIRAP umuwi. First reason was malakas talaga yung ulan. Mga 11:30 tumigil siya and medyo lumiwanag so everyone got the chance na to go home and I was among those people na hapit na talaga umuwi dahil sino ba namang gustong mag stay sa school na mainit, baha ang quad at walang kuryente? Minsan lang yata ang opportunity para makatulog dahil aminin natin, masarap matulog pag umuulan.
Second reason was baha sa mga dadaanan. Nung umuulan pa, lumapit sakin yung mga kakilala ko and yung ibang kalapit bahay ko lang. Sinabihan ako na hanggang waist na daw ung baha sa Kalentong *yung dadaanan ko pauwi*. Siyempre namroblema na ko dahil wla na talagang susundo sakin. Nagalala na din ako sa kapatid ko dahil taga DBS Manila siya at Kalentong din ang main road nia. Buti sana kung naka service siya kaso gusto niya kasi na magcommute na lang. So ayun, nakaisip na ko ng way kung paano ko uuwi ang problema naman, baha na din daw sa Boni na dadaanan ko din at sa Mandaluyong Municipal Hall na dapat kong alternative na dadaanan. So naiinis na ko pero no choice talaga kundi maghintay.
Third reason. Wala ng ulan. Medyo ok na daw yung baha dahil bumababa na pero WALANG MASAKYAN!. We even went to the nearest mcdo branch para sana kumain pero sobrang puno niya na. Naisipan din naming mag abang dun ng sasakyan pero WALA talaga.
Luckily, napadaan yung daddy ni Jhemmy and hinatid niya kami hanggang sa mga pinaka malapit na sakayan. Ayun ayos, sabi ko sa sarili ko. Siguro mababa na yung baha sa Kalentong, sa wakas makakauwi na ko. Pero mali ako e. Oo di mataas yung baha pero BAHA pa rin. Para kong nakikipag patintero sa daanan. Baha sa left side, tatawid sa right. Baha sa right tawid sa left. Baha sa pareho pupunta sa pinaka may mababaw na baha at may nakahandang kahoy dun na tatawiran mo. Gosh talaga. Pagtawid ko naman para makapunta na ko sa sakayan. Baha din yung daanan. Nakakainis. Kailangan mong dumaan sa pinakagilid na daan na tipong isang file lang dapat kayo na dadaan. Nakakaasar pero ayos na rin. Di naman ako masyado nabasa. After nun, natapos na din ang adventure ko. haha.
Ang nakakatawa lang dun e tipong haggard ka na at lahat sa pagtawid at pagiwas sa baha, biglang may lalapit sayo para magtanong ng pangalan mo. Nakkainis sila kaya naglakad na lang ako palayo. Wala akong oras sa kanila dahil mas mabuti pang matulog kesa makipag usap sa mga katulad nila.
Ayun. Sige. Pahinga tayo! La psok bukas! haha.

Labels: ,