<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttp://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Sunday, January 28, 2007

Suicide...
Bakit may mga tao na pag problemado laging iniisip magpakamatay?
Hindi ba nila mahal yung buhay nila?...
Borrowed na nga lang tong buhay na toh... sisirain pa nila...
Tsaka... kelan pa ba naging option ang suicide para masolve ang isang problema?...
Sa totoo lang... naiinis ako sa mga taong naglalaslas tapos hindi naman natutuluyan...
I mean... yung mga taong naglaslas para lang masabi na "woah! nag suicide ako!"
Du'uh! Kung maglalaslas ka... ituloy mo... laliman mo... hindi yung sugat lang...
obvious naman kasi masyado na hindi mo kaya...
nagmumukha kasing loser pag ganun... gumamit ng blade para lang sugatan ang sarili... haha...
at dahil pa yun sa bf/gf nia... c'mons!
Marami pang isda sa dagat! hindi lang isa...

So... para sa mga taong masyadong dinadamdam ang mga nangyayari sa kanilang buhay... just keep on believing na matatapos din yan... and puhlease... don't kill yourself noh... don't be a d*mn loser... wag gagaya sa IBA diyan na naglaslas para lang sugatan ang sarili... napaka weirdo...

No offense sa mga taong ganyan... this is MY opinion... back off ok?...

Labels:


Isa nanamang topic na wala lang...
hayy...

Sa mundong ito, tanggap naman siguro natin na hindi lahat ng tao ay kaya nating maimpress...
ako mismo... mahirap akong ma-impress... pero... pag nagbigay naman ako ng compliment sa isang tao... iexpect mo na totoo yun at sincere ako dun...

Ayun...
Dahil sa walang kwenta yung profile ko dito... ako na mismo ang magpapakilala sa sarili ko...
alam ko na late na tong pagpapakilala pero gagawin ko pa rin kasi maxado na yung mga taong nanghuhusga agad sakin... di naman nila ko kilala...

Una... my name is Irish... pronounced as... aey-reesh or ay-reesh... ayan.. pati pronounciation sinasabi ko na... hindi rin mabilis bigkasin ung pangalan ko... as you see... two syllables xa...

Second... 14 pa LANG talaga ako... I'm turning 15 this june... so to those people na akala eh joke lang yun at akala ay 15 or 16 na ako... I'm sorry! 14 pa lang talaga ako and you can check my birth certificate... oo na... i'm tall for my age... it's not my fault naman di ba...

Third... I am a student of Mandaluyong Science High School... hindi porke taga science ako.. nerd na ko... as if noh... we're normal students din.. mas advanced nga lang yung pinagaaralan pero normal naman...

Fourth... taga San Juan ako... hindi po Mandaluyong...

Fifth... NBSB ako... [no boyfriend since birth...] maniwala kayo sa hindi... totoo yun... hmpphh...

Sixth... I am 1oo% sure na 1oo% filipina ako... I am not an Indian... So please noh...

Seventh... my real eye color is black... to those asking if I am spanish or indian just because hazel yung mata ko... ayan... contact lenses lang yun... ok?

Eighth.. 4 kami sa family... mom,dad,me and my little brother...

Ninth... I am single.. dunno if I am looking but I am CERTAINLY waiting for mr. right... hindi naman yan minamadali...

Tenth... Hindi ako yung tipo ng babae na mabilis maloko ng lalake... Akala siguro nung ibang lalake diyan... hindi ko alam yung mga ginagawa nila... oo... nagpe-pretend ako na wala akong alam sa mga ginagawa nila... yun nga lang... alam ko na yung mga strategy nila noh... asa pa sila...

Haayyy ang dami pa...

11... I adore weird stuffs... I love to stand out...

Disclaimer... the next number is exclusively dedicated sa mga tao/taong ayaw sa akin... matamaan na ang matamaan... hell... i don't care...

12... Napapagkamalan ako lagi na maldita at warfreak... du'uh people!... tinignan ka lang.. nang aaway na ba yun?.. tsaka dun sa mga tao na nagsasabi na ayaw daw nila sakin.. well.. may good news ako sa inyo or sayo... I DON'T LIKE YOU DIN... Pwede ba... I don't like comparing myself to girls as low class as you... you're so fatuous... you b*tches should really stick together noh... you deserved each other e...

13. Minsan lang ako maging emotional na tao... mababaw yung luha ko pero mas gusto ko na ako lang yung makakakita ng true feelings ko... 3 or 4 na tao lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sakin... my secrets... my opinions tungkol sa mga tao at sa mga bagay sa paligid ko... mas gusto ko kasi na unti lang yung nakakaalam ng totoo kong nararamdaman…

14. My family and my friends are my treasures… ayoko na nasasaktan sila… I FIGHT for them…

Ayun muna… dadagdagan ko na lang sa susunod… hehe…
Ayon nga kay Gossip Girl…

You Know You Love Me,
- irish

Labels:

Friday, January 26, 2007

After ng buhay natin ano na kaya yung susunod?
pag namatay tayo.. ano bang naghihintay sa atin?
may reincarnation ba?...
sa langit ba tayo pupunta? makikita ba natin dun yung mga namatay nating kamag anak at kaibigan?..

Yan ang mga tanong na umiikot ngayon sa aking magulong pag iisip... haha...
wala lang... nakaka curious kasi eh...
kayo kaya... hehe...

Labels:


Gusto ko talaga humingi ng dispensa sa aking pinakamamahal na blog...
hindi kita nauupdate maxado...
alam mo naman siguro na napaka hectic ng sched ko...
kakatapos lang ng test at eto na ang huling leg ng school year na ito...
malapit na akong maging senior...
bukod sa pag-aaral [naks noh]... marami din akong pinagkakaabalahan...
eto ang ilan sa mga yun... :

1. ang aking social life...
Mahirap mag mukhang loner noh... may kaibigan din naman ako kahit papaano at kailangan ko din sila bigyan ng time...

2. ang aking family
Siyempre kailangan yan noh... ano ba...

3. ang aking personal life...
Huwag nang magtanong... single ako... hmm.. intriga ka pa...

4. ang pag ym...
Chat chat with friends! [sa ibang bansa... pati na rin ung sa pinas]

5. at siyempre ang aking ultimate hobby... ang pagbabasa at pagkolekta ng libro...

Siguro magugulat kayo pag sinabi ko na mahilig ako magbasa...
Nakakagulat kasi...
Wala naman kasi sa mukha ko noh...
pero seryoso...
kaya malabo ang aking mata at ang main reason sa pagsusuot ko ng contace lense ay dahil sa aking hobby...
basa dito basa doon.. ayan tuloy...
hehe...
para maiba... naisip ko na ilagay ang mga librong binabasa at kakabasa ko pa lang...
para kunwari... intellectual na paguusap ang nagaganap sa blog na ito...



Photobucket - Video and Image Hosting

Kala nio kung anong libro noh...
maganda naman yan.. try it!
hehe... wala lang.. la ako maisip e...

Labels: ,

Monday, January 22, 2007

Isa itong post na kung babasahin niyo ay puno ng tanong na naguumpisa sa "paano pag"... mga tanong na gumugulo sa aking malikot na isipan... haha... mga tanong na paikot ikot at pabalik pabalik sa aking buhay... mga tanong na baka maapply niyo din sa inyong everyday life...

1. Paano pag nakita niyo ang inyong gf na nilalandi ni Eddie Gil?
2. Paano pag nakita mo ang bf mo na kinakalantari ni Madam Auring?
3. Paano pag may tumawag sayo ng "puknat"?

Eto pa... tungkol naman sa love... seryoso na ha...
1. Paano pag may gusto ka na isang tao... tapos... yung taong yun... hindi mo man lang alam yung pangalan... once a week mo lang siya nakikita at wala kang makitang chance para makapag usap kayo... para maging close kayo... ano nang gagawin mo?... mukha namang gusto ka rin niya makilala eh... so.. pano na?...
2. Paano pag may manliligaw ka na nahuli mong niloloko ka?... pinaglaban ka ng mga kaibigan mo at sinabi mo sa kanila na magpapaligaw ka uli dun sa lalake na yun dahil gusto mong gumanti.. tapos na-fall ka... oh.. pano na?

Masyado bang seryoso.. lipat tayo... mga kung ano ano na uli...
1. Paano pag sinabi sayo ng nanay mo na anak ka sa labas?
2. Paano pag ampon ka?
3. Paano pag isa ka palang clone...
4. Paano pag anak ka pala ni Bill Gates?
5. Paano pag gusto ni Brad Pitt makipag textmate?...

Ayoko na! baliw na ko!
kuro kuro muna tau... tag tag ha... paki sagot naman yung sa love no. 1... k8lngan lang.. salamat!!! haha... pati yung iba na din...

Labels: , ,

Sunday, January 21, 2007

We saw Christian Bautista with his family yesterday...
wahaha... he is SO handsome!
woopee!...
Nasa Greenhills sila... naglalaro sa may Timezone dun sa Promenade...
Gwapo din pala yung mas bata niyang mga kapatid... grabe...
tumodo na talaga kami...
nagtatago pa si Christian... magsuot ba naman daw ng shades sa timezone...
in fairness... ang galing nia sa tennis...

Kala ko nung una kung sinong gwapo lang...
bago kami lumabas ni Alilia sa Timezone...
sabi ko sa kanya... "wait... may gwapo..." then I pointed this guy na nakasuot ng shades...
then Merryle approached us... "Si Christian Baustista yan di ba?" tinuturo din yung naka shades... then... waaa... things got a little out of control... haha...
then.. ayun..nabangga niya ko ng dalawang beses... wahoo!... (masaya na ko nito...)
naggawa pa namin mag powder and mag retouch dun sa photo booth sa may timezone na katabi lang nung tennis game na nilalaro ni Christian at ng kanyang cute brother...
well...
minsan lang ako magwapuhan sa isang lalake...
minsan din lang ako mag compliment ng todo...
I am known as a person na laging may masasabi sa mga bagay bagay sa mundo...
but... nasira lahat yan...
ng makita ko si Christian.. wahaha... ang corny pakinggan...
pero siya lang yata yung singer sa Philippines na talagang crush ko.. ewan ko ba...
haayyy...

ang saya... ta ta for now...

tons of love...
irish xoxoxoxoxoxo

Labels: , ,

Saturday, January 20, 2007

I'm back! yipee!
Kktpos lang ng test... ayun...
hibernation stage is finally over! wahoo!
ayun lang...
ta ta for now...

Labels:

Wednesday, January 17, 2007


Be back on or before Saturday... [january 21, 2007]
It's examination week... I really need to study...
See you guys soon... :D

Tons of love,

irish =p

Labels:

Saturday, January 13, 2007

Isang malamig at nakakaantok na gabi sa inyong lahat!
Galing ako ngayon sa Greenhills...
Pumunta kami sa bahay ng kaklase ko malapit dito sa amin...
eh ayun... dahil malapit lang ako... nagyaya ako papuntang greenhills... [dahil malapit din yun...]
magulo ba?...
basta ayun... pumunta kami...
at marami din akong napansin pagpunta namin dun... [sa Promenade talaga kami pumunta...]

1. Ang daming naka short shorts...
- yung uso ngayon... as in ang DAMI talaga... halos 1/2 yata ng population ng girls sa may Promenade ganyan yung suot... hindi pa kasama dun yung mga babaeng nasa labas ng Promenade... bakit kaya uso yung ngayon?

2. Halos lahat ng lalake... tayo tayo yung buhok... basta... lam niyo na yun...
- halos lahat talaga! mabibilang lang ung hindi ganun yung hairstyle... nakakatawa nga eh.. magkakamukha na sila...

3. Nagkalat ang mga couples...
- kahit saan ka pumunta... kahit saan ka lumingon.. puro couples... grabe... malapit na kasi yung Valentine's Day eh... tama ba?

4. Mahirap pumunta sa Promenade lalo na pag unti lang ang dala mong pera...
- unti lang yung dala naming pera kaya hindi talaga kami nakagastos... dahil naman busog kami... wala sa isip namin ang pagkain.. [2 beses kaming kumain sa Mcdo]... naisipan namin maglaro yun nga lang... 2 timezone card lang ang nabili namin... [nagkuripot kami eh...], tapos... pumunta kami sa Full Booked... wala naman bumili... basa basa lang... aun na... haha

5. Sound of Music yung palabas kanina sa Promenade...
- Alam niyo ba yung parang foodcourt sa Prom, pero malayong malayo ang itsura sa foodcourt na makikita sa SM?... Wala kasi dun ang jollibbee, mcdo, kfc at kung ano ano pa... ang makikita mo dun... mga tv na nakasabit [ flatscreen pa ata... hindi ko na tinignan], mga kainan tulad ng Gonuts Donuts, Coffee Bean, Starbucks at kung ano ano pa na hindi cguro alam ng iba... [nakalimutan ko na din yung iba... ang dami eh...] ayun nga, Sound of Music yung palabas... wala lang... nanood kami sandali... wahahaha...

*May mga nagkalat din na *jerks* dun sa g'hills, pero... ok na rin... wag na lang pansinin... yung mga nakapwesto sa bandang stairs... fimfum kayo...* [parang mababasa nila noh]

Ayun na lang muna... la talaga akong maisip na topic... grr...

Labels:

Friday, January 12, 2007

Corny jokes...
yun daw ang mga klase ng joke na hindi na dapat pinapakinggan...
mga joke na sobrang... sobrang... corny...
haha... example...

Ano ang tenacious...?
Sagot : Sapatos pang tennis... (tennis shoes...)

wahehe... cornee yan... pero sabihin mo... kahit papano... muntik ka nang ngumiti... o kaya.. natawa tawa ka pa jan...

May mga tao na naiirita sa corny jokes... ok lang naman yun eh...
wala lang... sinabi ko lang... nyahehe...
pero... isipin mo... ano ang mas ok?...
corny joke... o sarcastic na joke?...

narinig ko minsan na mas ok na daw ang isang corny joke... kesa sa isang sarcastic joke na pwede pang ikasakit ng feelings ng iba...
totoo naman di ba?...
kaya ngayon...
ipalaganap niyo na ang corny na joke... wahahaha... MABUHAY ANG MGA MAIS!!! wahoo...!


*Wala tong kwenta... sana hindi niyo na lang binasa noh?... haha*

Labels: ,


Isa itong post na punung puno ng tanong...
may ibang mga tanong na kung titignan ay simple lang... pero hindi natin maisplika... [tama ba ang tagalog?...]
umpisahan na natin...

1. Bakit kaya "fad" ngayon ang mga reality show?...
2. Bakit mas uso na ang koreanovela kesa sa mga telenovela na tulad nung kay "marimar" dati... wahehe
3. Bakit kada may drama na ipinapalabas ang mga pinoy... hindi pwedeng walang isusugod na character sa hospital...
4. Paano kaya manalo sa deal or no deal...
5. Bakit mas kinikilig ang nakakaraming pinoy sa mga korenovela kesa sa mga telenovela natin dito sa 'pinas...
6. Bakit pag magaling daw sa english... mahina sa math... and vice versa... [yung iba naman magaling sa pareho]
7. Bakit naghihirap ang Pilipinas?... [uyy... seryoso...]
8. Saan nga ba yung lugar na kung saan legal ang lahat... sa "a" un naguumpisa... nalimutan ko... shux... totoo bang legal talaga ang lahat dun? amsterdam ata un...
9. Bakit bumabalik yung klase ng fashion dati...?
1o. Bakit uso ang cellphone na may camera?...
11. Bakit madami bang sumusunod sa uso?
12. Bakit uso din ang "emo"?
13. Bakit may mga taong mayayabang?...
14. Quote toh sa cellphone ah... kung naeexplain ng science ang lahat ng bagay... bakit hindi kaya ng gravity na ma-fall ang isang tao sa taong nagmamahal sa kanya? [c'mons... seryoso uli..]
15. Kaya mo bang iexplain ang sagot sa iba jan...?

Kung oo... TAG na!... wahoo!

Labels: , ,

Wednesday, January 10, 2007

Sino ba talaga ang totoong vain?...
Lalake o Babae?
Sino ba ang may karapatan maging vain?...
Napansin ko lang kasi na sa aming classroom... nagpapasahan lagi kapag tinatanong kung sino ang vain...
Yung iba... sasabihin... BOYS!!!... at siyempre... ang mga boys... sasagot ng GIRLS!!!
weird pero totoo...
naisip niyo na ba kung sino talaga ang dapat tawaging totoong vain?...
kung oo... mag Tag ka na! kasama ang rason kung bakit... wahahah

Labels:

Monday, January 8, 2007

ako?
oo! buhay pa!
ano bang pinagkakaabalahan ko bukod sa pagba-blog...
eto... nakikipag chat sa aking mga kaibigan sa ym...
naalala ko tuloy ung dati...
well... tigilan na ang pag rereminisce... past is past na noh...
asa pa ako...
binisita ko lamang ang aking blog kaya maikling post lang ito...
paalam... at maging maganda sana ang inyong pahinga...
ako kasi wala...

Labels: ,


Isang madilim at malamig [yata] na gabi sa inyong lahat na nagbabasa at nagtitiyaga sa aking mumunting blog...!!! [palakpak naman]
Tanong para sa aking pansariling kasiyahan... [tama ba?... parang ang sagwa...]

Bakit may mga tao na kahit ANONG gawin mo... naghahanap at naghahanap pa rin ng butas para ikaw ay maapi, maalipusta, malait at masaktan?!? [exaggerated lang...]
Kunwari... nilalabanan mo sila... tapos... lalaban din sila... mananahimik ka... tapos... aawayin ka pa rin nila... du'h! immature naman! parang dumaan na ang lahat ng unos at bagyo... ayaw ka pa rin nila tigilan... hindi mo alam kung gusto ka nilang patayin... ipa-assassinate [parang patayin din un eh...]... ipahiya... o kung ano ano pa... hindi mo alam kung ano ung gusto nila sayo... ang iyo bang super duper ultra wonderful beauty?... o ang iyong over sa super oozing sex appeal... o ang iyong wala-nang-tatalo-pa-sa-greatness na utak... o ang iyong curvacious [may gnian ba?... imbento lang] body curves... wahehe... baliw ba?... wala lang...

mga asaness talaga yung mga taong mahilig mang-away.. nagmumukhang cheap.. hindi cla mukhang matapang... tapos mang aaway nga... sa ym naman... o kaia sa cellphone.. o kaia through vandalism... HOW LAME NOH!.. harap-harapan kaya... bleh!

wala lang... sana naenjoy nio ang aking napaka walang kwentang post... ayun lang.. magandang gabi!

Labels: ,


Sinong hindi nakakakilala kay Yeng?!? Itaas ang kaliwang paa!
Siguro yung mga certified "kapuso" hindi siya kilala...
pero aminin niyo... nagagandahan kayo sa meaning ng Hawak Kamay...

In my opinion... may ugaling "yeng" ang lahat ng tao...
weird... wild... rebellous... lahat na...
pero... lahat ng ganung klase ng tao... may chance na makapag bago...
seryoso tong post noh!
narinig ko kasi yung hawak kamay sa tapat ng bahay namin...
kaya eto.. medyo nilagay ko na yung opinyon ko about the song...

pero honestly... maganda talaga yung meaning ng song...
pwede siyang idedicate sa kahit kanino...
family member, friend, classmate, special someone, pet [hayaan mo na!], kay God... at sa kung kani-kanino pa...

ito yung favorite line ko bukod siyempre sa chorus... [share lang toh... wag kang kumontra]
"Wag mong sabihing nagiisa ka... Laging isiping may makakasama... narito ako... narito ako..."
No man is an island right?... kahit na sabihin pa nila na ikaw ang pinakamasamang tao sa mundo... na walang tutulong sayo... hindi yun totoo dahil...
walang masamang tao sa mundo...
kasi... ang masamang tao... yun yung tao na pag namatay... walang iiyak...
pag ang isang killer... namatay... iiyak kahit papaano ang parents niya... and I think... hindi naman sila iiyak kung puro sama ng loob at kasamaan lang ang nahatid ng killer di ba?

see! ang broad ng topic! haha... nahihilo ako...
hindi ako sanay sa ganitong post...
magbabalik loob na ko sa mga nonsense posts... haha...
pero sana may naintindihan kayo sa post ko.. ako kasi wala... nyahehe...

Labels:


Huhu... anong oras na!
gising na gising pa ang kaluluwa ko...
hindi dahil sa inlove ako at hindi ako makatulog...
hindi din dahil sa insomniac na ako...
hindi din dahil sa wala lang...
dahil ito sa isang eskwelahang tinatawag na City of Mandaluyong Science High School!
[shadang!]

ang dami kasing gagawin eh...
grabe talaga...
kung kayo ay nasa kalagayan ko...
iwiwis niyo na sana... sana... sana...
hindi na kau nakatuntong ng 3rd year...
sana 4th year agad...
o kaia sana... sumama na lang kayo sa bagahe ng mga kaibigan niyo na nakatuntong na sa ibang bansa... mga nakaramdam na ng snow na pinapangarap ng lahat ng inosenteng PInoy...
haayyy.. sarap mangarap!

kahit madaming gagawin... heto ako...
dinadamitan ang aking blog dahil kawawa naman siya at unti lang ang suot niya...

oh ano...
kaya pa ba?...
matutulog kaya ako?...

mukhang hindi...
ang sakit na ng aking carpals, metacarpals at phalanges... wahoo!
application na zoology...
pag nasurpass ko na ang 3rd year pwede na ko mag college... nyahehe...
biruin mo yun!
nangarap nanaman ng mataas!
sumusobra na noh!


sige... ituloy niyo na ang paglarga...
maraming salamat po... paalam! [gayahin ang tunog ng audible sa ym...]

Labels:

Saturday, January 6, 2007

OOPPPS!!! bago hampasin... basahin ito...

ang ewan ng bg music noh...
nakakatamad palitan eh...

ang daming sikat ngayon
tulad ni Betsy, Bakekang, Gian at Janelle, Pareng Budong, Eli at Jacky... kamusta naman yun di ba... pati c DJ Mo na nakuha na ng twister ang career dati ay nag zoom bigla at sikat na!
Sobra sa sikat!
Matindi pa sa sikat ng araw!

nung namatay si Betsy...
ang daming nanood... [namatay ba talaga xa?]
nang magkita ang pamilya ni Bakekang... lahat nakatutok!
nang magpakasal sina Gian lahat natulala...
nang labanan ni Pareng Budong ang kasamaan... lahit naki sali...
nang mainlove na uli si Jacky kay Eli... lahat kinilig...
at eto pa! si Dj Mo! sumikat sa pang ookray!
ayos noh!

napaisip tuloy ako...
pano kaya ako sisikat?...
magpapa panget? [naman noh]
makikipag divorce sa asawa? [wala naman akong asawa eh]
magpakasal sa prinsipe? [asa naman ako kay prince william at prince harry noh.. sila lang kilala kong prinsipe]
labanan ang supremo ng mga aswang? [hindi naman ako superhero]
magkaroon ng amnesia para maging exciting ang buhay? [kahit iuntog ko pa araw araw tong ulo ko... magba-bounce lang... nyahaha]

sa kakaisip ko.. biglang... TENG!!!!!! [shadang!]


yaan mo na... ayoko sumikat...
papanget ako... sisirain ang love life ko... magpapakasal sa prinsipe [mahirap yun!]... lalaban sa mga aswang [asa talaga] at magkakaroon ng amnesia para sumikat?!?... wag na...

masaya na pala ako...
kuntento na...
hindi naman kailangan maging sikat para maging masaya...

mangookray na lang ako... mas madali pa... nyahaha... jox lang...


aun... walang kwnta... hampasin niyo na pc nio...

Labels: ,


Emo daw...
pero tawa ng tawa...
alam ko pag emo ung prang... bsta... emotional dapat di ba... haha
eh bakit merong parang kinikiliti lagi ang ano...
ung ano...
ung...





maduming utak!






ung paa!



nyahaha...

Labels: ,


do you need to tell me that I am pretty when I was young?...
du'h! as if!...

do you need to tell me na kung ganun ako kagnda ngayon maraming magmamahal sakin?
weeellll... wrong-o!
I'm not born in this world to be a tatty pretty dancing doll that you want me to be...
love me... hate me... i'm just being me!

hindi ako katulad ng IBANG gals jan na sobrang arte noh...
hindi ako naghi-hysterical pag may ipis
hindi ako nabubuhay para lang magkaroon ng bf...
hindi ako nabuhay para magpa impress sa mga lalake...
I'm different!

haha... parang galit ba?... asa naman...
confident ako at contented ako sa kung ano ako ngayon...
YOU can't change me
I'm not pretty? so what?... asa ka...

Don't you DARE na diktahan ako sa buhay ko...
guluhin mo buhay mo...

hindi ako nabuhay para punuin ang mundong ito ng love noh...
i'm not cupid!

and... nasa mukha ba ang love?... sa iba oo...
ibahin mo mga tao sa paligid ko...
they're different...



Labels:


stop that stupid phrase "you complete me"
it is SO not true kaya...
how can you say that eh nakaya mo ngang mabuhay ng wala yung bf/gf mo eh...
bakit? bago ba maging kayo patay ka?...
du'h... what a fib!

don't respond violently in this post ha!
this is my opinion...
so back off...!

Labels:

Friday, January 5, 2007

hindi ba kayo naririndi sa bg music q?...
ako kc oo...
nakakarindi! ggrrr...
ndi ko nman mapalitan...

bakit ba ang tamad ko...
kamag anak ko ba si juan?...
hmm...
sana hindi...
ayoko ng bayabas... [waa? cornee]... cge...
gutom na ko...

HAPPY 15th Anniversary mom and dad!
[15 years nang nag-uutuan... waha... just kidding]

Labels: ,


isang busy na tatlong araw nanaman ang dumaan...
eto nanaman kami at nagka-cram...
matatapos pa ba toh?

3 araw akong kulang sa tulog dahil sa pagkakabisado ng lahat ng buto sa katawan...
sumasakit na ang bandang cranium ko...
nakakainis naman kasi...
haayyy...
kung ipaalis ko kaya ang floating ribs ko?... ok kaia?
waa... eto ang baliw! woohoo!

ginagawa pa rin namin ung term paper namin na sobrang haba...
kaya toh! go!
todo tong fighting spirit namin ha

so... anu pa ba...
ahhmmm...
New Year's Resolution!?!...
meron ba...?...
ah oo meron... at isa na dun ang...

>pag nakita ko ung mga nakaaway ko sa shang... wala... ndi ako magsosorry... bleh! asa pa!

details about the fight to be post na lang cguro tomorrow or later... hehe...

Labels: ,