<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Saturday, April 14, 2007

Hey hey hey mga pips…
Eto na ang hinihintay ng iba…
Ang aking mahiwagang pang-100 na post!
Matagal na rin pala ang pagbablog ko…
Dati rati kasi… ilang araw o linggo lang, di ko na tinutuloy.
Ngayon.. eto na..
Ang mga tanong niyo sa akin na alam kong bumabagabag sa inyo…
So.. eto na..

Bakit ka corny?
napaka in demand ng tanong na yan. Hindi lang yan ngayon natanong, madaming beses na rin. Nung isang araw nga ay tinawagan pa ko ni dakilang joseph para I-explain sa kanya ang isang joke na galing sa akin na hindi niya gets. At eto na ang sagot ko.
Mahilig ako sa joke tulad ng pagkakahilig niyo sa chocolate, pagba blog, paggamit ng ym at pakikinig ng musika. Kung isusuma total, parang ito ang nagpapasaya at nagpapaikot ng aking korny na mundo. Masaya ko sa pag imbento at paghahanap ng jokes. Naniniwala kasi ako na yun na lang ang mapagmamalaki ko kung saan nagagamit ko sa tama ang utak ko. Hindi naman ako katalinuhan kaya yun na lamang siguro. At least, lamang ako sa iba. Napaka korni ng sagot ko. Tignan mo naman di ba. Kahit sagot ko korni. Ganoon yun. Isa pa pala, mahilig akong kumain ng mais, tignan niyo ang epekto di ba. Malupit. Oo nga pala.. mas mabuti na ang corny na joke kesa sa sarcastic na joke… tama ba?

Bakit Zengkay?
Bilib it ur nat mga pips dahil yan sa aking lihim na pagkabata. Oh, anong iniisip niyo. Hmm.. talaga naman.. ibig sabihin ko kasi ganito. Nung bata ako, kahit na korni aaminin ko na naging fan ako nung pesteng hit na hit na anime na zenki. Putek, kabisado ko pa yung mga technique technique dun. Nakakahiya mang aminin, ganun talaga ko dati. Kaya nga nung lumaki ako at nireplay ang zenki, hindi na ko nanood uli dahil tiyak na kahihiyan lang ang katapat ko. Dahil nga sa pagiging fan ko nung bata pa ko, tinawag ako ng loka loka kong tita ng seng seng, yun nga lang ang bigkas niya eh “zeng” dahil nga daw siya ay “sleng”[slang]. Nakakainis talaga, dumikit na yung tawag sakin hanggang sa minanipulate ito ng pinsan kong lalake at ginawang zengkay. Ngayon tuloy, kahit na mag pipiptin na ko, zeng zeng pa rin tawag sa akin. Huhu. Nakakahiya pero ayos lang. Tanda daw yun ng pagmamahal.

Irish ngayong pilay at nilalagnat si nikko, kung saka sakali na nasa tabi ka niya, ano ang gagawin mo?
Huwaw! Ang tindi ng tanong! Malamang e maraming curious sa isasagot ko. Siyempre tatagalan ko ang pagsagot para mabitin kayo. Haha. Sige na nga, korni na eh. Siyempre, dahil mabuti akong kaibigan at dahil naging mabuting kaibigan din si nikko. Susuportahan ko siya sa hinaharap niyang pagsubok. Kung sakaling ako man ang nasa tabi niya, hindi na niya aalalahanin ang pilay niya dahil sisiguraduhin ko na wala na yung pilay agad. Wow. Ang tindi ng pagmamahal ko di ba? Pano ko yun sisiguraduhin? Aba.. siyempre.. puputulin ko na ang kung ano mang parte ng katawan niya na may pilay. Tignan natin kung mapilay pa siya uli. Wahahahaha. Tapos may lagnat siya? Hindi na siya lalagnatin uli dahil ipapalaklak ko sa kanya araw araw ang 50 biogesic at 50 alaxan. Kung kulang pa, 20 bote ng tempra syrup ang iinumin niya. Hindi na siya magkakasakit dahil addict na siya. Wahaha. Peace tayong lahat. Haha. Joke lang yun. Naman… hehe

Magkwento ka naman tungkol sa love life mo? Sino ba ang 1st love mo? 1st crush mo? Ano ang katangiang hinahanap mo sa lalake?
Wow… may isang uto uto na nagpauto. Ang tindi ng tanong mo neng. Pang miss universe yan ah. Pwede bang pass ang sagot? Mukhang mababatak ang tinatago kong reasoning skill jan ah. Hmmm.. teka.. sino ba ang 1st love ko? Siyempre si God.. huwaw! Showbiz ang sagot di ba. Oh siya sige na nga. Ang first love ko eh si… halata naman na di ba. Nakakaloko yata toh eh. Tsk.. nahihiya na ko.. hihi.. shy type? Next kuwestiyon, 1st crush? Haha.. nung kinder yata ako nun. Hindi ko alam na crush tawag dun. Binata na rin yung lalake. Ariel yung first name. Hayoop… haha… Katangiang hinahanap sa lalake? Wow naman, bakit interesado sa lablyf ko? Basta dapat kamukha ni brad pitt, Johnny depp, tom cruise, chad murray o james lafferty. Yun na yun! Pasado na! Haha…

Single ka?

Aba… hindi! Double ako! Tsskkk… Ano ba iyan…

Cell no. mo?

Pare… siguro naman may sarili kang no. di ba? Bakit kailangang hanapin mo yung akin? Tsk tsk.. kawawa ka naman…

Bakit laging dark yung layout ng blog mo?

Ewan ko… enjoy eh.. tsaka dun lang bumabagay yung mga font color ng mga post ko.. nakakatamad naman mag edit di ba.. mukha ba kong masipag? Tsk..

Miss… what’s your name?

Eto na yata ang pinaka mind twisting question na natanggap ko. Napakahirap sagutin kaya hindi ko sasagutin.

Naniniwala ka ba sa serendipity?… eh sa love at first sight?…

Naku mukhang pinapraktis ako sa pagsagot ng matino ah.. tsk.. ano ba.. serendipity… Aktuwali, nag reserts pa ko sa Microsoft Encarta dictionary para sa meaning niyan. Kasi ang alam nating lahat, yun yung sitwasyon kung saan kahit anong iwas mo, nangyayari o nakikita mo ang isang tao o isang bagay.. Ika nga ng iba, destiny daw. Soulmate daw. Kismet daw. Pero, kung iisipin natin at kung icocontradict natin, may possibility na ang serendipity ay isang good luck lang. Maaaring aksidente lang. Pero di ba, pag sinabing aksidente, minsan lang mangyayari. Pero ang serendipity, paulit ulit daw. Sa tingin ko… hmmm… may part ng sarili ko na naniniwala dito. Bakit hindi? Lahat ng tao may soulmate. Nanood ba kayo ng MMK? Tungkol yun dun. Nanood talaga ko nun kasi nacurious ako, sabi dun, hindi naman porke soulmate kayo e kayo na. Teka nga, lumalayo tayo. Siguro, medyo naniniwala ako dun. Pero hindi naman pwede na iasa na natin sa serendipity ang lahat, tayo pa rin naman kasi yung gumagawa ng sarili nating kapalaran and hindi ako masyadong naniniwala na hintayin lang dapat natin yung para sa atin. Isipin mo, pano kung siya din naghihintay? Naghihintayan lang kayo… hindi kayo magkikita… hehehe

Love at first sight? HINDI YAN TOTOO…
Hindi mo pwedeng sabihin na porke nakita mo na ang isang tao at nakapalagayang loob mo na siya agad e mahal mo na siya. Aminin niyo na dumarating tayo sa point kung saan kahit na matagal na nating kilala ang isang tao eh hindi natin alam kung mahal natin siya. Paano pa kaya kung kakakilala pa lang natin di ba? Nakapa kumplikado ng love… bakit yan ang tinanong niyo.. huhu… *wink*

First love never dies sabi nila, totoo ba yan para sayo? and, what's more special for u, frst love or last love??

First love dies… mahirap nga lang kalimutan.. huwaw! Ang tino! Haha.. pero sa tingin ko… namamatay din naman si first love… [si?.. tao? Haha]… ung memories lang naman kasi yung laging mahirap kalimutan kaya nagmumukhang mahal mo pa ang isang tao kahit na hindi na… next.. mas special.. hmm.. cguro… pareho silang special pero magkaiba lang ng level… kasi sa first love.. dun mo naramdaman lahat ng saya, hirap, dun mo naranasan na magmahal for the first time ng isang tao na hindi parte ng pamilya mo, hindi parte ng nakasanayan mong buhay. Tapos, yung last love naman, yun yung makakasama mo habang buhay. Siya yung tao na mahal ka kahit ano ka pa. And sabi nga sa isang quote… lahat ng babae, gusto nila na sila yung maging last love ng isang lalake. Totoo naman yun eh. Hehe…

Wow… nakakapgod mgsgot.. pro tapos na! Salamat sa mga nagtanong! I love you all!

Labels: