Another year, another brand new start.
The year 2007 -as far as I am concern – was very very unforgettable. The year was filled with laughter, tears, and other new emotions that I can’t seem to identify. It was not my best year yet I bid goodbye to 2007 like it was an old friend who had tried and tested me for 12 short months. Short but very meaningful. Short but very wonderful. Short yet I know from the bottom of my heart that I learned lots of new lessons which can improve my worth as a friend, as a daughter, as a sister, as a Christian and as a person. Now that year 2008 is finally here, I know that another epoch in my life will be unfolded. This is the year wherein I need to say see you soon (not goodbye) and bunch of thanks to those who are very very important to me. I will be leaving the people who had helped me for four long years of studying, hoping, cramming, waiting and discovering.
I am looking forward to the new adventures that will arise now that 2008 is here. May it be easy or difficult, I know that I can handle it as long as there is trust, faith and love for nothing is impossible in the eyes of God.
God Bless You All and Have a Fruitful 2008.
Thank you to everybody who made me smile, laugh, cry, and me feel very very special. THANK YOU SO SO MUCH.
Labels: let's celebrate
“This day marks one of the few moments in my life where I feel that I am so blessed, so happy and so at peace with the whole world.”
This was my first time to go caroling. I once remembered my cousins telling me that we once did it when I was still young but I cannot remember a thing. This is a big thing for me because I really am looking forward to this day. I never expected this day or should I say this night to be so fabulous. My classmates and I experienced lots of bizarre happenings but that didn’t spoil our eagerness to show what we have to our families and to others. We went to Sta. Mesa where we walked and walked and walked till we arrived at one of our classmate’s house. After a few songs, her mom took a snapshot of us, gave us the money then we went to San Juan where some of us, including me, lives. We decided to walk from Sta. Mesa to San Juan since we were all game and we don’t want to spend the money that we already had. But honestly, it was very very tiring. I thought that some would just go and return to their houses but nobody even thought of doing that. No one can ruin our day. We finished around 10 pm and we were all dead tired. Since we were at Wilson’s, my house isn’t that far so it’s not a big deal to me. But some lives in Mandaluyong so we decided to call it a day plus it was pretty late and no one was interested in listening to us. So the twenty of us (with bodies aching) called it a day and went home. *yawn* I’m sooo tired! But as my dad had said when I arrived, it’s the experience and the thought that really counts.
Thank you to those who took part in this very wonderful event that we could all treasure forever. A Happy Christmas to all. See you guys on Monday.
Labels: Irish Stuffs, let's celebrate, School
Tagalog muna tayo mga kaibigan.
Ang tagal ko ding di nag update.
Ngayon lang kasi talaga ko nagkaroon ng oras.
Bukod kasi sa investigatory project, reports, homeworks, quizzes at kung ano ano pa, talagang may C.A.T. pa kami kaya di ko lubos maisip kung paano ko masisingit ang paguupdate sa aking mumunting blog. Dahil dito ay nakaisip ako ng dalawang solusyon. Una ay maguupdate ako kahit papaano. Kahit maiikli lang. Kahit one liner lang basta maparamdam ko sa inyo na buhay at humihinga pa ako. Pangalawa naman ay bisitahin niyo na lang ako sa http://twitter.com/shengsheng Yan ay isang website na umiikot lamang sa isang tanong na dapat mong sagutin. “What are you doing right now?” ayun. Nakaadik siya. Subukan niyo rin. Iadd niyo na rin ako. Kung gusto niyo malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ako, bisitahin niyo lamang iyan.
Mula Lunes hanggang Sabado ay nasa school ako. Nakakapagod. Sobra. Pero ayos lang. Tiis tiis lang naman e.
Aminado talaga ko ngayon na napapagod ako pero sa tingin ko dapat ko pa tong ienjoy dahil siyempre huling hirit ko na toh sa mandsci. Grabe talaga. July pa lang pero parang ilang buwan na kaming pumapasok. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nakakbigla lang talaga. Ewan ko ba. Di na ko nasanay.
May form kami sa C.A.T. kada Tuesday at Thursday. Grabe noh. Nakakapagod yan. Pero sino ba naman ako para magreklamo. At kung magrereklamo naman ako, ano namang epekto nun di ba. Isa lamang akong simpleng kadete na kailangan sumunod sa mga utos.
Inaantok na talaga ko. Hindi ko na matiis. Unti unti nang pumipikit ang mga mata ko. Magtatanggal pa pala ko ng contacts. Haayyy. *yawn* Labels: blah blahs, let's celebrate, pardon me, poof
Ayon sa Kzone at sa aking daddy, May 14 talaga ang Mother’s Day pero dahil nga sumabay ito sa botohan ay nailipat ang Mother’s Day sa May 13. Wala lang, ngayon lang kasi ako gagawa ng post patungkol sa Mother’s Day. So… umpisahan na natin.
Sa totoo lang wala naman talaga kong masasabi tungkol sa mga mommies natin. Kung meron man, siguro yung salitang “the best” na yun. Minsan may misunderstandings kami ng mama ko. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sakin. Pag inisa isa ko parang hindi naman Mother’s Day eh. Hehe.
Sabi nga kahapon sa sermon ng pari, ang babae daw marami talagang niririsk para sa mga taong mahal nila. Sa panganganak pa lang, buhay na daw yung niririsk [wag na kaya ako mag asawa… ;)] Tapos after manganak, di pa tapos ang hirap. Sunod sunod pa yun. Grabe talaga mga sacrifices nila. Kaya di ako nagtataka kung minsan eh daig pa ng mama ko si “Annabelle Rama” sa pagiging strict.
Pero napapansin ko parang masyadong emosyonal pag Mother’s Day. Halos lahat ng napapanood ko sa tv eh umiiyak. Dahil kaya talagang nafifeel nila ang araw na ito o dahil malapit na ang tag ulan at sumasabay lang ang luha nila o dahil nakikisimpatya sila kay Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Wahahaha. Natawa ko nung sinabi sakin ng pinsan ko na may naosptial daw na fan dahil diyan sa kaguluhan na yan. Kamusta naman yun di ba. Super apektado.
Sa totoo lang napaka walang saysay ng huling part ng summer na toh. Parang napaka unti ng kaibigan ko. Yung mga inaasahan ko na kakamustahin at kakausapin ako once in a while eh naglaho na bigla. Yung mga unexpected na tao pa yung lagi kong nakakausap at lagi akong kinakamusta. Hay buhay. Bukod sa pagbisita ni NZ sa California [nakakausap ko na siya uli eh] at sa nalalapit niyang pagbisita dito sa Philippines eh wala nang iba pang todo nakakasurprise na pangyayari sa aking buhay. Malulungkot siguro meron pa. Aalis na ang aking napakabait na pinsan kasama ang kanyang unica hija at susunod na sa kanyang asawa sa Australia. Yung tita ko naman na kaclose ko eh nasa HongKong ngayon at God Knows kung ano nang ginagawa niya dun. Bakit kaya ang daming umaalis..“Ang anak kayang kayang saktan ang magulang. Pero ang magulang, hindi kayang saktan ang sariling anak."Labels: let's celebrate, poof, Summer Thingees
Hey hey hey mga pips…
Eto na ang hinihintay ng iba…
Ang aking mahiwagang pang-100 na post!
Matagal na rin pala ang pagbablog ko…
Dati rati kasi… ilang araw o linggo lang, di ko na tinutuloy.
Ngayon.. eto na..
Ang mga tanong niyo sa akin na alam kong bumabagabag sa inyo…
So.. eto na..
Bakit ka corny?
napaka in demand ng tanong na yan. Hindi lang yan ngayon natanong, madaming beses na rin. Nung isang araw nga ay tinawagan pa ko ni dakilang joseph para I-explain sa kanya ang isang joke na galing sa akin na hindi niya gets. At eto na ang sagot ko.
Mahilig ako sa joke tulad ng pagkakahilig niyo sa chocolate, pagba blog, paggamit ng ym at pakikinig ng musika. Kung isusuma total, parang ito ang nagpapasaya at nagpapaikot ng aking korny na mundo. Masaya ko sa pag imbento at paghahanap ng jokes. Naniniwala kasi ako na yun na lang ang mapagmamalaki ko kung saan nagagamit ko sa tama ang utak ko. Hindi naman ako katalinuhan kaya yun na lamang siguro. At least, lamang ako sa iba. Napaka korni ng sagot ko. Tignan mo naman di ba. Kahit sagot ko korni. Ganoon yun. Isa pa pala, mahilig akong kumain ng mais, tignan niyo ang epekto di ba. Malupit. Oo nga pala.. mas mabuti na ang corny na joke kesa sa sarcastic na joke… tama ba?
Bakit Zengkay?
Bilib it ur nat mga pips dahil yan sa aking lihim na pagkabata. Oh, anong iniisip niyo. Hmm.. talaga naman.. ibig sabihin ko kasi ganito. Nung bata ako, kahit na korni aaminin ko na naging fan ako nung pesteng hit na hit na anime na zenki. Putek, kabisado ko pa yung mga technique technique dun. Nakakahiya mang aminin, ganun talaga ko dati. Kaya nga nung lumaki ako at nireplay ang zenki, hindi na ko nanood uli dahil tiyak na kahihiyan lang ang katapat ko. Dahil nga sa pagiging fan ko nung bata pa ko, tinawag ako ng loka loka kong tita ng seng seng, yun nga lang ang bigkas niya eh “zeng” dahil nga daw siya ay “sleng”[slang]. Nakakainis talaga, dumikit na yung tawag sakin hanggang sa minanipulate ito ng pinsan kong lalake at ginawang zengkay. Ngayon tuloy, kahit na mag pipiptin na ko, zeng zeng pa rin tawag sa akin. Huhu. Nakakahiya pero ayos lang. Tanda daw yun ng pagmamahal.
Irish ngayong pilay at nilalagnat si nikko, kung saka sakali na nasa tabi ka niya, ano ang gagawin mo?
Huwaw! Ang tindi ng tanong! Malamang e maraming curious sa isasagot ko. Siyempre tatagalan ko ang pagsagot para mabitin kayo. Haha. Sige na nga, korni na eh. Siyempre, dahil mabuti akong kaibigan at dahil naging mabuting kaibigan din si nikko. Susuportahan ko siya sa hinaharap niyang pagsubok. Kung sakaling ako man ang nasa tabi niya, hindi na niya aalalahanin ang pilay niya dahil sisiguraduhin ko na wala na yung pilay agad. Wow. Ang tindi ng pagmamahal ko di ba? Pano ko yun sisiguraduhin? Aba.. siyempre.. puputulin ko na ang kung ano mang parte ng katawan niya na may pilay. Tignan natin kung mapilay pa siya uli. Wahahahaha. Tapos may lagnat siya? Hindi na siya lalagnatin uli dahil ipapalaklak ko sa kanya araw araw ang 50 biogesic at 50 alaxan. Kung kulang pa, 20 bote ng tempra syrup ang iinumin niya. Hindi na siya magkakasakit dahil addict na siya. Wahaha. Peace tayong lahat. Haha. Joke lang yun. Naman… hehe
Magkwento ka naman tungkol sa love life mo? Sino ba ang 1st love mo? 1st crush mo? Ano ang katangiang hinahanap mo sa lalake?
Wow… may isang uto uto na nagpauto. Ang tindi ng tanong mo neng. Pang miss universe yan ah. Pwede bang pass ang sagot? Mukhang mababatak ang tinatago kong reasoning skill jan ah. Hmmm.. teka.. sino ba ang 1st love ko? Siyempre si God.. huwaw! Showbiz ang sagot di ba. Oh siya sige na nga. Ang first love ko eh si… halata naman na di ba. Nakakaloko yata toh eh. Tsk.. nahihiya na ko.. hihi.. shy type? Next kuwestiyon, 1st crush? Haha.. nung kinder yata ako nun. Hindi ko alam na crush tawag dun. Binata na rin yung lalake. Ariel yung first name. Hayoop… haha… Katangiang hinahanap sa lalake? Wow naman, bakit interesado sa lablyf ko? Basta dapat kamukha ni brad pitt, Johnny depp, tom cruise, chad murray o james lafferty. Yun na yun! Pasado na! Haha…
Single ka?
Aba… hindi! Double ako! Tsskkk… Ano ba iyan…
Cell no. mo?
Pare… siguro naman may sarili kang no. di ba? Bakit kailangang hanapin mo yung akin? Tsk tsk.. kawawa ka naman…
Bakit laging dark yung layout ng blog mo?
Ewan ko… enjoy eh.. tsaka dun lang bumabagay yung mga font color ng mga post ko.. nakakatamad naman mag edit di ba.. mukha ba kong masipag? Tsk..
Miss… what’s your name?
Eto na yata ang pinaka mind twisting question na natanggap ko. Napakahirap sagutin kaya hindi ko sasagutin.
Naniniwala ka ba sa serendipity?… eh sa love at first sight?…
Naku mukhang pinapraktis ako sa pagsagot ng matino ah.. tsk.. ano ba.. serendipity… Aktuwali, nag reserts pa ko sa Microsoft Encarta dictionary para sa meaning niyan. Kasi ang alam nating lahat, yun yung sitwasyon kung saan kahit anong iwas mo, nangyayari o nakikita mo ang isang tao o isang bagay.. Ika nga ng iba, destiny daw. Soulmate daw. Kismet daw. Pero, kung iisipin natin at kung icocontradict natin, may possibility na ang serendipity ay isang good luck lang. Maaaring aksidente lang. Pero di ba, pag sinabing aksidente, minsan lang mangyayari. Pero ang serendipity, paulit ulit daw. Sa tingin ko… hmmm… may part ng sarili ko na naniniwala dito. Bakit hindi? Lahat ng tao may soulmate. Nanood ba kayo ng MMK? Tungkol yun dun. Nanood talaga ko nun kasi nacurious ako, sabi dun, hindi naman porke soulmate kayo e kayo na. Teka nga, lumalayo tayo. Siguro, medyo naniniwala ako dun. Pero hindi naman pwede na iasa na natin sa serendipity ang lahat, tayo pa rin naman kasi yung gumagawa ng sarili nating kapalaran and hindi ako masyadong naniniwala na hintayin lang dapat natin yung para sa atin. Isipin mo, pano kung siya din naghihintay? Naghihintayan lang kayo… hindi kayo magkikita… hehehe
Love at first sight? HINDI YAN TOTOO…
Hindi mo pwedeng sabihin na porke nakita mo na ang isang tao at nakapalagayang loob mo na siya agad e mahal mo na siya. Aminin niyo na dumarating tayo sa point kung saan kahit na matagal na nating kilala ang isang tao eh hindi natin alam kung mahal natin siya. Paano pa kaya kung kakakilala pa lang natin di ba? Nakapa kumplikado ng love… bakit yan ang tinanong niyo.. huhu… *wink*
First love never dies sabi nila, totoo ba yan para sayo? and, what's more special for u, frst love or last love??
First love dies… mahirap nga lang kalimutan.. huwaw! Ang tino! Haha.. pero sa tingin ko… namamatay din naman si first love… [si?.. tao? Haha]… ung memories lang naman kasi yung laging mahirap kalimutan kaya nagmumukhang mahal mo pa ang isang tao kahit na hindi na… next.. mas special.. hmm.. cguro… pareho silang special pero magkaiba lang ng level… kasi sa first love.. dun mo naramdaman lahat ng saya, hirap, dun mo naranasan na magmahal for the first time ng isang tao na hindi parte ng pamilya mo, hindi parte ng nakasanayan mong buhay. Tapos, yung last love naman, yun yung makakasama mo habang buhay. Siya yung tao na mahal ka kahit ano ka pa. And sabi nga sa isang quote… lahat ng babae, gusto nila na sila yung maging last love ng isang lalake. Totoo naman yun eh. Hehe…
Wow… nakakapgod mgsgot.. pro tapos na! Salamat sa mga nagtanong! I love you all!
Labels: let's celebrate