<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttp://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Monday, May 14, 2007

Ayon sa Kzone at sa aking daddy, May 14 talaga ang Mother’s Day pero dahil nga sumabay ito sa botohan ay nailipat ang Mother’s Day sa May 13. Wala lang, ngayon lang kasi ako gagawa ng post patungkol sa Mother’s Day. So… umpisahan na natin.

Sa totoo lang wala naman talaga kong masasabi tungkol sa mga mommies natin. Kung meron man, siguro yung salitang “the best” na yun. Minsan may misunderstandings kami ng mama ko. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sakin. Pag inisa isa ko parang hindi naman Mother’s Day eh. Hehe.

Sabi nga kahapon sa sermon ng pari, ang babae daw marami talagang niririsk para sa mga taong mahal nila. Sa panganganak pa lang, buhay na daw yung niririsk [wag na kaya ako mag asawa… ;)] Tapos after manganak, di pa tapos ang hirap. Sunod sunod pa yun. Grabe talaga mga sacrifices nila. Kaya di ako nagtataka kung minsan eh daig pa ng mama ko si “Annabelle Rama” sa pagiging strict.

Pero napapansin ko parang masyadong emosyonal pag Mother’s Day. Halos lahat ng napapanood ko sa tv eh umiiyak. Dahil kaya talagang nafifeel nila ang araw na ito o dahil malapit na ang tag ulan at sumasabay lang ang luha nila o dahil nakikisimpatya sila kay Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Wahahaha. Natawa ko nung sinabi sakin ng pinsan ko na may naosptial daw na fan dahil diyan sa kaguluhan na yan. Kamusta naman yun di ba. Super apektado.

Sa totoo lang napaka walang saysay ng huling part ng summer na toh. Parang napaka unti ng kaibigan ko. Yung mga inaasahan ko na kakamustahin at kakausapin ako once in a while eh naglaho na bigla. Yung mga unexpected na tao pa yung lagi kong nakakausap at lagi akong kinakamusta. Hay buhay. Bukod sa pagbisita ni NZ sa California [nakakausap ko na siya uli eh] at sa nalalapit niyang pagbisita dito sa Philippines eh wala nang iba pang todo nakakasurprise na pangyayari sa aking buhay. Malulungkot siguro meron pa. Aalis na ang aking napakabait na pinsan kasama ang kanyang unica hija at susunod na sa kanyang asawa sa Australia. Yung tita ko naman na kaclose ko eh nasa HongKong ngayon at God Knows kung ano nang ginagawa niya dun. Bakit kaya ang daming umaalis..


“Ang anak kayang kayang saktan ang magulang. Pero ang magulang, hindi kayang saktan ang sariling anak."

Labels: , ,

Monday, April 30, 2007

Pagkatapos ng isang mahabang pahinga ay nagbabalik ako.
Biruin mo. Ilang araw din akong hindi nagpost. Nagiisip kasi ako kung gagawa ako ng multiply account. Yun nga lang, tamad ako mag ayos ng iba’t ibang accounts ko sa internet. Blog at friendster lang talaga yung matino kong nagagamit. And may blog naman na ko kaya baka hindi na lang muna ko gagawa ng account dun. Masyado kasing nauuso ang multiply ngayon. Ayoko namang gumawa lang para makisali sa uso. Siguro pag unti na lang yung gumagamit dun na lang ako gagawa.

Napaka boring pa rin ng summer ko. Dapat pala pumayag na lang ako sa trabaho na binibigay sakin ng dad ko. E di sana ngayon may ginagawa ako kahit papaano at kumikita pa sana ko. Wala akong kamalay malay sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng mga kakilala ko. Nakakausap ko lang naman kasi yung iba dahil sa ym. Yung iba namang mahal talaga ko. Tinatawagan ako para kamustahin. Yun nga lang, mga pili lang sila. Laking pasasalamat ko nga sa mga nakakausap ko through cbox dito sa blog, ym, friendster [messages] and telephone. Wala naman kasi akong cellphone ngayon dahil alam niyo naman na napaka makakalimutin ko. Tsaka ngayon ko lang din narealize na pag wala kang cellphone, dun mo lang malalaman kung sino yung mga taong talagang concern sayo [kasi gagawa sila ng way para makausap ka]. Super drama. Grabe. Pero totoo yun. Si chescka! Ayan. Pag naabutan akong online nian lagi akong binabati nian. Kahit wala kaming mapagusapan basta mababati niya ko. Mabuhay ka. Hehe. Tapos yung mga fellow bloggers ko din na nakikipagusap sakin dito. Kaya medyo nababawasan ang pagka bored. Haayy.. buhay.. tsaka yung mga tao din sa ym na nagtitiyaga akong kausapin, hello sa inyo. [libre bati?]

Ayun, ei fave. Belated sayo. Binati na kita sa cbox mo. Hehe. Ayon sa aking blogspot dashboard, 111 na ang posts ko dito. So dapat magwish. Alam niyo ba yung kasabihan na pag straight 1.. dapat magwish. Mas effective nga daw yung 11:11 eh. Hehe. Ang corny ko di ba.

Madaming special na tao na magcecelebrate ng birthday nila ngayong May. Lola ko, pinakamamahal kong pinsan [ate! Debut na! Woohoo!] sino pa ba. Alam ko meron pa. Titignan ko na lang sa friendster, nalimutan ko e.

Sa totoo lang wala talaga ko sa mood ngayon. Nahihirapan lang ako ilagay kasi medyo touchy talaga yung dahilan and ayoko makipag away ngayon. Baka kasi may matamaan sa ipopost ko [baka mabasa] kaya baka sa super close friends ko na lang sabihin o dun sa alam ko na hindi ako pagiisipan ng kung ano. Gusto ko lang kasi ishare yung feelings ko tungkol sa isang bagay. Pero dahil nga baka may matamaan, wag na lang. Pwde bang piliin lang yung pwedeng makabasa ng post mo sa blogspot? Buti pa sa livejournal, pwedeng piliin lang. Bahala na. Ikwekwento ko na lang sa alam kong willing makinig.

Ayun lang. Wala nang topic. Tama si anne at kim. Nauubusan din ng mailalagay. Ayoko naman na mapuno ng bad vibes tong blog ko sa paglalagay ng mga bad words, sama ng loob at kung ano ano pang unnecessary stuffs na magpapa down lang sa mga readers. Kahit paano may readers ako noh. Hehe. Mga loyal na tao.

Ta ta!

Labels: , ,

Tuesday, April 17, 2007

Naku mga tao… Medyo concern na ko sa aking lumalalang habits ngayong summer. Isipin mo, napaka tindi talaga ng aking pagkaka bored kaya naman naghahanap ako ng mga bagay bagay na makakakuha ng aking atensyon. Sa ngayon, friendster, blog, at ym lang ang mga kaibigan ko. Sila lang ang mga nakakapagpasaya sa akin. Kung ako ang tatanungin, gusto ko talaga mag travel. Time travel pa nga kung pupwede, yun nga lang e hindi yung pwede kaya gusto ko na lang sana magtravel sa mga lugar lugar. Kahit diyan lang sana sa malapit lang naman na greenhills e ok na. Kaso ang pinaka malaking problema talaga eh wala naman akong pera. At kung may pera man ako, hindi pa ako ganun ka desperado na pupunta sa isang lugar mag isa. Ano ba. Uso ang kidnapping ngayon. Sa itsura kong toh, sigurado na kikidnapin nila ko. Kailangan kasi nila ng mananakot para mas dumami pa ang sumama sa kanilang mga kidnapper. Pero mga peepz, hindi na ko “kid” kaya mas mabuting teen-nappin na lang nila ako. At least, nirerecognize ang pagiging teenager ko. Tignan mo naman. Kung ano anong ideya na ang pumapasok sa aking mumunting isipan.

Oo nga pala. Niyaya pala ako ng kaibigan kong si Rickie na sumali sa pagsagot sa isang survey. Oo mga pare, pinapasok ko na rin ngayon ang mga ganoong propesyon. Ako ngayon ay magiging isang taga sagot ng survey. Aba hindi ito biro dahil ibig sabihin nito e importante ang aking opinion [imbento ko lang] at higit sa lahat… PERA TOH!. Oo, may bayad ang pagsagot. Sana ito yung 5oo survey. Ibig sabihin… 5oo ang ibabayad sa amin. Naku mga peepz, lalarga nanaman ako niyan at makikita niyo ko na pakalat kalat sa kung saan saan. Kung sino man sa inyo ang may lakad e kontakin niyo na ko dahil sasama ko sa inyo. Kahit sino ka pa. Basta kilala kita [ano daw?]. Kahit yung mga friendship ko diyan na dating taga mandsci, napaalis ng mandsci, umalis ng mandsci at feeling taga mandsci e welcome ako yayain. Basta nga kilala kita at ikaw ay hindi isang bandidong kawatan ng mga pirata. Ahihihi. Di ko alam ibig sabihin nun, pinagsama sama ko lang para kunwari makata ako.
Oh siya siya, kontakin niyo na lang ako kung may lakad. Inuulit ko. Kahit sino, basta kilala ko. Ahihi… cge.. enjoy… ta ta!

Labels:

Wednesday, April 11, 2007

Oo nga pala at summer na
Siyempre, kahit umuulan, summer pa rin.
Uso nanaman pala ang mga libreng tuli sa bawat barangay sa pilipinas.
Natatawa ko kada naiisip ko yung mga memories naming magpipinsan diyan sa tuli tuli na yan.
Lumaki kasi ako na close sa mga pinsan ko sa father’s side.. kasama na dun yung mga lalake.
Nung nagbibinata na sila, naisip na ng lola ko na nagpalaki sa amin na ipatuli na ang mga “big boys”. Haha. yun pa yung tawag sa kanila nun kaya nakakatawa. Ayun nga at dumating na ang pinakahihintay na panahon. Tatlo silang lalake nun na sinamahan naming mga babae kasama yung lola ko. Abah, biruin mo. Hindi ko talaga yun nalimutan. Kabado ang tatlo, tagaktak ang pawis at siyempre hinanda na din namin ang mga maluluwag nilang short, paboritong pagkain, at mga words of comfort. Para talaga silang bibitayin. Pumasok ang tatlo sa isang kuwarto sa hospital at naghintay din kami ng medyo matagal. Tinanong pa namin ng pinsan ko sa lola ko kung pati ba kami ay gaganunin. Siyempre, nagtawanan sila at sinabi na umalis na lang daw kami at bumili ng juice. Nakakainis talaga nun dahil pinagtawanan nila kami. Kasalanan ba naming uhaw ang aming mga utak nang panahon na iyon?…
Dumating na nga ang tamang time at lumabas sila na hirap na hirap sa paglalakad. Para silang mga penguin na may lobo sa pagitan ng binti. Gamitin mo ang imahinasyon mo ng mabuti. Kung hindi gumana, baka kailangan mong magpatingin sa opthalmologist. Pag hindi pa rin, uminom ka ng baygon at sure ako na maiimagine mo na yan. Kinomfort naming sila at nagbayad na ang lola ko sa isang babae dun na ewan ko kung buhay pa ngayon.

Ilang linggo silang ganun kaya nakakatuwa silang tignan. Hindi ko alam kung bakit kailangan silang ganunin. Ano ba ang dapat nilang patunayan?. Pero in some ways, swerte rin sila dahil isahan na ang lahat ng hirap nila. E kami, buwan buwan. Pero di ko yata kaya makita ang isang part ko na pinuputol, kahit na naipong dumi lang yun o balat. Agghh.. Ngayon, binata na sila. May mga nililigawan na at sabi nila proud sila at natuli na sila. Pero bakit may mga banyagang bansa na hindi agree dito. Biruin mo, akala ko dati lahat nagpapatuli. Hindi pala. Ano ba yan, bakit ba eto ang topic. Siguro kung nababasa toh ng mga pinsan ko e ipapahiya nila ko sa susunod na reunion ng pamilya na sa Sabado gaganapin. Naku po. Pag nabasa nila toh. Irereminisce nanaman ang mga kahihiyan na nangyari sa amin nung mga nakaraang taon. Iniisip ko pa lang eh nagingilabot na ko. Sige. Paalam!

Labels:

Thursday, April 5, 2007

Siyempre naglalabasan na ang mga sari-sariling pakulo ng bawat tao...
Umpisa nanaman ng pagpapadugo ng mga tao sa kanilang katawan...
Ewan ko ba kung bakit kailangan gumanun...
Hindi ba sila nasasaktan?...
Hindi naman sa sinasabi ko na mali siya...
Pero hindi ba sila nahihirapan dun?...
Besides... si Jesus nga nagpapako na sa krus para sa kasalanan natin e...
Sana pala lahat na lang ng tao nagpa pako sa krus...


Bukas ay pupunta pala kami sa aming probinsya...
malamang kung aning aning na bagay nanaman ang makikita ko dun
di bale...
kayo ang una kong kwekwentuhan kung saka-sakali...
haha...
teka... maglalaro muna ako at mangangarir sa malupit kong laro...
haha.. cge..
ta ta!

Labels:

Saturday, March 31, 2007

Waa..
what's the temperature outside?
soo freakin hot...
I've been going to greenhills since thursday and it's soo hot there!
arrgghh...
Vacation just began
and tons.. I MEAN TONS of people [especially mandsci students] are telling me that
they are so bored... [who's not?]
I miss my classroom...
I miss my classmates...
I miss my friends...
I miss the rubber tree...
I miss the benches in the lane...
I miss the garden benches...
I even miss the [empty?] aquarium... *sob*
I even miss the classes [slight...]
Boring.. boring.. boring..
what a life...
We're going to Bulacan for the holy week.. and I can now feel the heat of the sun... arrghh..
lucky paul who's in canada right now... lucky j.o. who's in states right now.. luck aeon who's in new zealand right now..
huhu.. what a life...

Labels: ,

Tuesday, March 27, 2007

Isang bagong tapos na school year...
fresh na fresh pa siguro sa isip ng lahat yung mga nangyari...
Kelan lang... bagong pasok lang...
Medyo di pa close...
Layo Layo pa...
Pero tignan mo nga naman ang panahon...
After 1o looonnngggg months of studying... cramming... laughing... crying... fighting... talking and the stuffs...
Here we are... closer than ever... those 1o long months also added a few years to our inner age... we became more mature... we think first before we talk... we care about the feelings of others... we value other people's opinion... in short... we're now a better person... we learned from our past mistakes... and we're ready to leave those thorns that had once stabbed our young hearts and minds...
We are know ready to face the world... better than ever... stronger than before...
Lots of things happened in the past... stuffs that we don't want to remember... still... before erasing those sorrowful memories.. let's not forget that those things are the reason why we are here... why we are like this.. and why we still exist...
Thank You To Everybody Who Had Been A Part Of This Memorable Experience...
Thank You So Much... Thank You!...
*senior year... here we come!
*thanks sa lahat ng teachers and tao na tumulong sa section namin and sa batch namin... we really appreciated your help... tapos na kami ngayon sa pinaka mahirap na year sa mandsci... tapos na ang third year... ngayon marami na kaming alam... at mas ready na kami na harapin yung mga bagay na naghihintay samin.. thank you everyone! lalo na sa mga teachers na naging part ng 1o months namin... actually... hindi lang for 1o months ang stay niyo sa buhay namin.. it will be forever.. ang dami niyong naturo... hindi lang mga variables, hindi lang chi square test, hindi lang angle teta, hindi lang molar mass, hindi lang mga bone and bone marking, hindi lang electricity, hindi lang si Richard Cory, hindi lang sila Voltaire, hindi lang drugs.. hand signals sa volleyball at basketball.. si Vincent Van Gogh..., hindi lang mga teorya sa filipino... Alam niyo kung ano pa?... mga lessons sa buhay... maging matapang, maging ready sa lahat, mag aral at maniwala sa sarili... bakit kaya tayo laging tinatanong ng mga teachers?... dahil gusto nilang malaman kung may alam na tayo... kung tiwala tayo sa sagot natin... kung ready ba tayo...
Thanks ha!
It's one of the greatest ironies of human existence that the more you love someone, the more you make yourself vulnerable in the pain of losing them. And the more people you love, the more you increase your chances of getting hurt. Yes, love makes you strong. But at the same time it leaves you defenseless.
It's not wrong to give it all when you love. It's not wrong to love a person so much. Because sometimes, the only wrong thing is the person you love.

Labels: , ,

Friday, March 23, 2007

Wow... pagkatapos ng matagal tagal na panahon ng pagba blog...
matapos ang mahabang panahon ng pagtitiyaga ninyo magbasa...
matapos ang mahabang panahon ng pakikisama sa akin at sa aking mga weirdong posts...
eto na ang aking pang 79 na post...
hindi ko talaga ugali ang mag keep ng isang journal...
pero dahil na rin sa gusto ko namang mashare ang mga thoughts ko sa cyberspace...
nagtiyaga ako...
ginawa ko ang blog na ito noong umpisa ng aking 3rd year sa hs...
bakasyon na... at 4th year na ko...
salamat sa lahat.. sobrang salamat...
naging mahabang daan tong school year na toh...
lahat ng emosyon naramdaman ko...
nachallenge ako ndi lng physically pero emotionally... spiritually... socially... financially na din... haha
eto pala yung mga taong gusto kong pasalamatan... mga naging parte ng aking makulay na school year... hehe...


God [salamat Po... sa lahat...]
Jhemmy [isa ka sa mga masugid na mambabasa ko... salamat ng marami!]
Venus [ikaw din... salamat...]
Chescka [ang iyong angking "kabutihan" ay hinding hindi ko malilimutan.. mabuhay ka!]
Ally, Rhazel at Cheng [ang tawa at jokes... salamat! pag nalulungkot ako nakakatulong yun..]
Angee [sa matagal na samahan... TANDUAY! haha...]
Janine [sa jeep at kung ano ano pang kalokohan...]
Alilia [sa drama, advice at buhay pag ibig.. salamat...]
Jean [sa pagiging summer phone pal... sa pagiging mabuting kaibigan...]
Lala [ang iyong tawa at boses na maliit... salamat sa pagbigay ng dahilan sa pagtawa]
Rona [ang iyong natatanging mukha na lagi kaming nginingitian...]
Zean [ang nakakatawa mong ugali... salamat sa lahat!]
Joseph [sa pagiging *nandiyan* palagi... sa pagiging *ikaw*... salamat... ng marami...]
Paul [kahit nasa Canada ka man alam kong hindi mo ko iniwan.. salamat sa mga advice]
Scyld at Jayvee [sa pagiging mabait, nakakatawa, maloko.. salamat! napasaya niyo ang ibang parte ng malungkot nating buhay...]
Jerome [sa pagiging isang mabuting partner... salamat! wala yung palaka natin kung wala ka...]
Enzo at Danny [sa pang aasar... pambabara at pagiging mabait... salamat ng marami...]
Sa mga lalake ng iii-bell [salamat sa tawa, lungkot, asar at kung ano ano pa... tinulungan niyo ko ng marami...]
Nikka [sa pagpapatawa...]
Ate Ruby, Grace at Isha [sa kalokohan... sa pagtatago ng gamit ko kasama si nikka.. salamat.. mabuhay kayo...]
Laura [sa pagdadrama... karamay kita.. sa tawa at lungkot.. online ka lagi! salamat!]
Ate Vega, Meh at Me-ann [salamat sa tulong.. suporta.. kwento.. at sa lahat lahat...]
sa iba pang iii-bell girls [salamat mga kaibigan... salamat talaga...]
Nikko [sa naturo mo saking mga bagay bagay... salamat.. hindi kita makakalimutan... sa kalokohan at kadramahan... salamat... sayo lang ako magiging ganito... promise yun.. tsk tsk.. sana wag mo toh mabasa noh...]
Martin [kahit di na tayo masyado naguusap.. salamat sa friendship.. salamat..]
Giannine [sa pagpapakilala sa *kanya* sa aking buhay... salamat... miss na kita...]
Mga kabatch nila nikko, martin at giannine na natuwa, nainis, nagalit at naawa sa akin.. salamat...
Cofibean [sa nakakatuwa mong blog]
Sa mga tao sa likod ng aking DARlinks... salamat...
sa magulang ko... [kahit na minsan matigas ang ulo ko...]
Kay J.L. Look-a-like [inspirasyon kita... sana makita na uli kita.. sa pasukan na yata uli yun mangyayari... haha]
R [kelan b kita makikita uli?... bakit ka ngumiti sakin?... alam mo bang natuwa ako nun... haha]
Papa Mi [ang bait mo sakin.. sobra.. pasensya ka na hindi kita natulungan dun sa problema mo... i tried my best naman e... di lang talaga kaya... salamat ng marami sa lahat!]
Markee [salamat sa advice.. pag nakakasabay mo ko nililbre mo ko.. salamat!]
Abeley [salamat din sa mga advice at kalokohan.. sobra]
j.o. [thanks sa pang aasar at pakikinig sa mga knock knock at corny jokes ko.. thanks talaga!]
*sa designer ng skin ng blog ko.. salamat ng marami.. walang bibisita sa blog ko kung di dahil sa iyo...
renz [sa kalokohan... from grade 1 up to now... kilala pa rin kita.. tsk tsk.. tatag! salamat sa mga tulong! stay gwapo!]
david [ako na lang tumatawag sayo ng ganyan.. prang kay cedric/renz/lee or whatever... 1 up to now ha.. salamat! pag may problema nndiyan ka]
joyse [may mga instances na ikaw ang nagsasalba sa buhay ko.. lalo na pag gabi na at wla pa kong hw.. salamat ha! lam ko na di mo toh alam... haha...]
Ronald De Leon! [salamat sa mga pagpapatawa... sa mga pics na cute.. sa pagdadrama gamit ang webcam mo.. lagi kang nandiyan.. and look! remember the last name?... haha.. sabi mo pa mas gwapo ka...]
teachers ko [thanks po sa lahat! sa knowledge... sa patience... sa lahat...]
erick [ang aking numero unong kamessage lagi sa friendster.. goodluck sa love life!]
MM [bakit mas close na kami ni Ronald? tsk tsk.. goodluck sa tekken mo! haha... salamat sa lahat!]
N.Z. [oo ikaw... i know na hindi mo naiintindihan toh dahil baluktot ang dila mo... eto na lang.. Thanks! You've been soo good to me... I've known you for 3 years... and.. you've been there from the start...]
Callalily [your songs... ROCK!]
R[ again?.. stay gwapo! haha...]
Bianca G. [naiinspire ako sayo.. you're so smart... so pretty.. so.. everything! haha]
Christian B. [sooo gwapo!]
May kasunod pa toh.. inaantok ako e.. haha
SALAMAT SA LAHAT!
naging masaya ang school year na toh!...
salamat talaga!

Labels: , , ,

Monday, March 19, 2007

Yeah! haha! it's finally oveeeerrrr!
wahoo!
TGIO [thank God it's over!]

hell week.. a.k.a. The Final Exams are officially over and it's time to say hello to mr. summer! haha!
Shades, sunblocks, beaches [with b*tches], out of town trips, flip flops, ice creams and the usual summer stuffs are now back!
Notebooks, heavy textbooks, school bags, ballpens and school stuffs are now SOoo OUT!
See you all when I see you all!
ta ta!

Labels: