<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Wednesday, April 18, 2007

Each friend represents a world in us, a world possibly not born until they arrive, and it is only by this meeting that a new world is born.

Ang bilis talaga ng panahon. Kada taon, may umaalis na lang. May pumupunta sa ibang bansa, may panandaliang umaalis at meron ding pang habang buhay na. Masakit mawalan ng isang kaibigan na pinagkatiwalaan mo at naging importanteng parte ng buhay mo. Pinipigilan mo na umalis sila pero time na mismo ang nagsasabi na dapat na silang umalis.
May mga piling tao akong nakilala na nagpabago ng buhay ko. Sila yung mga taong sandali ko lang nakilala pero napakalaki naman ng epekto sa buhay ko. Hindi siguro nila alam toh dahil hindi ko naman kayang sabihin. Siguro nga duwag ako pagdating sa pag amin ng totoo kong nararamdaman. Ayoko lang siguro kasi na makasira nanaman ng isang maayos na relasyon. Baka magkamali nanaman ako. Baka may mawala nanaman. Tama na siguro yung mawalan ang isang tao ng isang importanteng importanteng parte ng buhay niya. Ika nga ni Joyce Carol Oates na isang writer…

“I used to think getting old was about vanity—but actually it's about losing people you love.”

Ganyan din yung paniniwala ko dati. Napaka babaw ko kasi. Akala ko madali lang ang ikot ng buhay. Pero sa tingin ko, noong mga panahong iyon ganun talaga yung takbo ng isip natin. Bata pa tayo nun. Hindi lang tayo bata pagdating sa age, pero pati sa experience. Parang yun yung first time natin na sumabak sa isang giyera na wala tayong armas. Ni hindi natin alam kung sino yung kakampi natin. Siguro dahil sa mga paniniwala ko noon kaya nangyari yung mga di ko inaasahang bagay. Dahil takot akong masaktan dati, ginagawa ko yung alam kong tama. Yun nga lang, sa isang iglap, mawawala ang isang importanteng bagay. Parang paggising mo na lang. Wala na pala yung dahilan ng lahat. Nakakalungkot isipin pero totoong nangyayari yan. Akala ko dati, sa mga teleserye lang yan. Hindi pala. Siguro kung may hihilingin man ako ngayon sa buhay ko, yun yung pag ayos ng lahat. Lahat ng nawala kahit maayos lang, kahit hindi na bumalik…

Labels: