Siyempre, kahit umuulan, summer pa rin.
Uso nanaman pala ang mga libreng tuli sa bawat barangay sa pilipinas.
Natatawa ko kada naiisip ko yung mga memories naming magpipinsan diyan sa tuli tuli na yan.
Lumaki kasi ako na close sa mga pinsan ko sa father’s side.. kasama na dun yung mga lalake.
Nung nagbibinata na sila, naisip na ng lola ko na nagpalaki sa amin na ipatuli na ang mga “big boys”. Haha. yun pa yung tawag sa kanila nun kaya nakakatawa. Ayun nga at dumating na ang pinakahihintay na panahon. Tatlo silang lalake nun na sinamahan naming mga babae kasama yung lola ko. Abah, biruin mo. Hindi ko talaga yun nalimutan. Kabado ang tatlo, tagaktak ang pawis at siyempre hinanda na din namin ang mga maluluwag nilang short, paboritong pagkain, at mga words of comfort. Para talaga silang bibitayin. Pumasok ang tatlo sa isang kuwarto sa hospital at naghintay din kami ng medyo matagal. Tinanong pa namin ng pinsan ko sa lola ko kung pati ba kami ay gaganunin. Siyempre, nagtawanan sila at sinabi na umalis na lang daw kami at bumili ng juice. Nakakainis talaga nun dahil pinagtawanan nila kami. Kasalanan ba naming uhaw ang aming mga utak nang panahon na iyon?…
Dumating na nga ang tamang time at lumabas sila na hirap na hirap sa paglalakad. Para silang mga penguin na may lobo sa pagitan ng binti. Gamitin mo ang imahinasyon mo ng mabuti. Kung hindi gumana, baka kailangan mong magpatingin sa opthalmologist. Pag hindi pa rin, uminom ka ng baygon at sure ako na maiimagine mo na yan. Kinomfort naming sila at nagbayad na ang lola ko sa isang babae dun na ewan ko kung buhay pa ngayon.
Ilang linggo silang ganun kaya nakakatuwa silang tignan. Hindi ko alam kung bakit kailangan silang ganunin. Ano ba ang dapat nilang patunayan?. Pero in some ways, swerte rin sila dahil isahan na ang lahat ng hirap nila. E kami, buwan buwan. Pero di ko yata kaya makita ang isang part ko na pinuputol, kahit na naipong dumi lang yun o balat. Agghh.. Ngayon, binata na sila. May mga nililigawan na at sabi nila proud sila at natuli na sila. Pero bakit may mga banyagang bansa na hindi agree dito. Biruin mo, akala ko dati lahat nagpapatuli. Hindi pala. Ano ba yan, bakit ba eto ang topic. Siguro kung nababasa toh ng mga pinsan ko e ipapahiya nila ko sa susunod na reunion ng pamilya na sa Sabado gaganapin. Naku po. Pag nabasa nila toh. Irereminisce nanaman ang mga kahihiyan na nangyari sa amin nung mga nakaraang taon. Iniisip ko pa lang eh nagingilabot na ko. Sige. Paalam!
Labels: Summer Thingees