Tuesday, May 29, 2007
Kakatapos lang ng enrollment last Friday. Ayos naman yung nangyari. Nakita ko ang mga bago at matatagal ko nang kaklase. Nagkabalitaan. Nabwisit sa natanggap na balita. Niloko ng mga dating teacher at kung ano ano pa. Enjoy naman yung enrollment pero hindi kami nakagala dahil may sari-sariling sched kami na dapat sundin. Hopefully, makaalis dapat kami nila Jean bago mag Monday. Siguro sa Thursday na lang dahil orientation naman nang first year at siyempre nandun si President. So… ang daming nagbago sa mga batchmates ko. Iba na ang kulay ng iba. Umitim talaga yung mga nagte-training. Mukhang enjoy naman sila eh. Belardo yung section ko ngayon. A B B B… Sosyal. Hehe. Dati lang iniisip ko kung ano kaya magiging record ng sections ko sa mandsci. Aba ngayon. Kumpleto ko na.
So may bago nanamang first year students na papasok sa school. Sana naman eh galangin nila yung mga nakakatandang students nila lalo na yung juniors and seniors nila. Lagi na lang kasing may away na nangyayari pag may bagong students. Hehe. Galang lang naman ang hinihingi ng mga mas matatatanda eh. Yun lang.
Gusto kong umalis. Waaa. Di pa talaga ko prepared para sa pasukan pero sabi ni martin dapat daw I-look forward na yun kasi huling year na rin naman daw. So bale imbes na magpakatamad ako, dapat nang umariba. Hehe.
Pwede na din kayong mag comment sa aking page. Salamat kay fave. Haha. Ayun lang. Masyadong random. Psshh.
Labels: blah blahs
The DIVA ♥
WISHLIST ♥
HER AUDIENCES ♥
THE JUDGES ♥