<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Friday, May 11, 2007

Kamusta mga mabuting kaibigan. Ang tagal ko yatang di nakapag post dito. Puro mga something lang ng mga ka-blog natin yung mga nalalagay ko dito eh. Siyempre alam niyo naman na siguro ang dahilan kung bakit wala akong napopost tungkol sa buhay ko [boring nga kasi]. So dahil wala akong mapost, walang kwenta tong entry na toh. Mangingialam na lang ako sa buhay ng iba. Sasabihin ko lang naman kasi yung mga napapansin ko sa friendster na sobrang boring na talaga gamitin dahil napupuno na ito ng mga taong mapagpanggap tsaka wala kang masyadong magagawa sa friendster.

Una kong napansin eh yung mga posing ng mga babae dun pati na rin yung ibang mga lalake. Nakakatawa lang na nakakainis dahil parang halos lahat eh may stiff neck na sa mga pose nila. Lingon sa kanan o kaliwa, yuko dito yuko doon, isang gilid lang ng mukha nila yung nakikita. Aba teka, uso ba yan? Parang kakaiba naman yang uso na yan kasi nagmumukha kayang may problema sa leeg yung iba.

Pangalawa, bakit may mga hindi naman singkit na nagpipilit magpaka singkit? Iapply mo yung una kong dahilan dito sa pangalawa. Nakakatawa talaga yung epekto. Kung malaki mata mo, hindi mo naman kailangan magpaka singkit at bakit ka ba naghahangad na maging isang Korean, Chinese o kung ano mang lahi na singkit. Kung pinoy ka eh di magpaka pinoy ka. Aysus naman.

Pangatlo, what’s with the caption? May iba ang caption pa “Ganda/Pogi ko noh, inggit ka?” todo self confidence niyan, ang hangin eh. Meron namang iba na ganito “Ang panget ko talaga… huhu”, ano yan? Kung panget ka bakit ka pa nag post ng pic sa frndster mo? Hallor. Ok ka lang? Paano kaya pag may nagreply sa pic mo at nagsabi ng “Oo pangit ka nga” Ano kaya sasabihin mo? Dapat matuwa ka. At least pareho kayo ng taste di ba.

Pang apat, anong meron sa ganitong salita… “HeLLo dEr PuH/PoW/PuW…” Ano yan? Bagong language? At bakit naging “Mah” ang salitang “my”? Joosko, alam ba yan ng mga teacher niyo? Magiimbento na lang ng bagong salita, ang pangit pa sa tenga. Tsk.
Pang lima, ang daming papansin na flooder. Yung tipong magpopost tapos iisa lang ang nakalagay. Ang masama pa kung ang nakalagay eh para lang naman sa isang tao at hindi para sa lahat. Kung gusto mo siya sabihan, eh di mag usap kayo. Ano namang mahirap dun. Kailangan pa i-flood yung bulletin ng mga post na puno ng mga salita sa reason#4. Kainis talaga.


Ayan, ininis ko lang yung sarili ko. Wala naman akong magagawa kung yun na lang yung paraan ng iba para magpacute. Mas ok lang sana kung nagpapakatotoo di ba. Ayun lang! ;)

Labels: , ,