Eleksyon na. Rock and Roll na. Bilangan na mamaya. May dayaan pa kaya.
Nagsimula ang umaga ko sa boses ng daddy ko na pumasok sa office niya para mag time in, umuwi uli para bumoto at bumalik uli sa trabaho. 9:30 na rin ng umaga kaya bumangon na ko. Pinilit ko alalahanin yung panaginip ko at himala dahil hindi ko siya matandaan. Sa totoo lang napakalaki talaga ng problema ko ngayon sa mga panaginip ko.
Una kasi, may isang mukha at pangalan na lumabas sa panaginip ko. Sa totoo lang kilala ko yung mukha nung lalake na nasa dream ko kasi nakausap ko na siya once or twice yata sa ym pero hindi ko siya personally talaga na kilala dahil una iba yung school niya and pangalawa hindi naman kami nagkikita pa sa personal. Iba din yung name na ginagamit nia sa friendster, ym and pati yata sa blog niya. Mga kaclose niya lang talaga sa pagkakaalam ko yung sinasabihan niya ng totoo niyang pangalan. Ang alam ko lang yung nickname niya na ayokong ilagay dito. Ang weird nung dream kasi nandun ung lalake na yun at buo pa yung pangalan niya dun. Hindi ko alam kung bakit siya yung napanaginipan ko dahil hindi naman kami close at wala naman kaming pakialam sa buhay ng isa’t isa. Baka may makakapag explain ng panaginip ko, mag tag na lang kayo [maghanap ba daw ng dream interpreter].
Iniisip ko pa lang na iinterpret yun nahihilo na ko. Well, back sa election. Ang tahimik dito samin ngayon. Tahimik talaga dito samin pero iba ngayon kasi parang mahal na araw. Wala masyadong tao sa kalye na naglalakad. Kakaiba talaga. Ganyan din ba sa inyo ngayon?
Hay. Tulungan niyo ko. Matatapos na ang bakasyon at eto pa rin ako na walang naaccomplish na matino ngayong summer. Buhay nga naman. Isang bagay lang talaga gusto kong magawa buong buhay ko. Mag travel. Yun lang. Wala ng iba. Pagkatapos ko mag aral gusto ko sana mag travel na lang ng mag travel. Sabi ng mommy ko kung yun naman daw ang gusto ko e di mag flight stewardess ako. Haller, hindi ako tatanggapin dun noh. Hay. Buhay. Sige. Ingat kayo.

Labels: blah blahs