<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Sunday, September 16, 2007

You can’t please everybody.

Kahit anong gawin mo, makakahanap sila ng FLAW sa lahat ng ginagawa mo. Hindi sila mga perpektong tao pero kasiyahan nila ang paghahanap ng mali sayo. Kung ikukumpara mo minsan ang sarili mo sa kanila, hindi mo maintindihan kung ano bang meron sa kanila at ano bang meron sayo. Bakit ka nila ginaganito. Sabi ng mga kakilala ko, INSECURITY lang daw yun. Meron daw sigurong something sayo kaya ka nila pinipilit ibaba or pinipilit sirain.

Ako? Oo. Madaming inis sa akin. Ayaw nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman kasi akong “something”. Simple lang ako. Hindi ako galing sa isang “rich family”. Hindi ako kumpleto sa kung anong “in” ngayon. Isa lang naman yung maipagmamalaki ko eh. Yun yung pagiging TOTOO ko. Alam ko na kung ano anong problema na yung nabigay sa akin ng ugali kong toh pero wala akong pinagsisisihan. Mas gusto ko maging totoo kaysa magpaka plastic. People will learn to love me naman sa kung sino talaga ako. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para lang matuwa sa akin ang mga tao.

“I’d rather be hated for who I am than be loved for who I am not.”

Labels: