<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Friday, September 7, 2007

Nag usap kami kanina ng isa sa pinaka mabuti at masasabi ko na pinaka mapapagkatiwalaan ko na yatang tao sa buong mundo (bakit may yata?). Napag usapan namin yung mga nangyayari sa amin. Mga problema ko, problema niya, mga sama ng loob sa iba at kung ano ano pa. Ang tagal pala naming hindi nakapag usap ng ganun kalalim. Grabe. Madrama siguro para sa iba pero mahalaga para sa akin. Hindi ko naman kasi nalalabas yung problema ko. Laging nakatago. Natatakot kasi ko magtiwala.

Laging nakikita ng iba na ako yung nakakatakot. Iba daw kasi yung mata ko. May “something” daw dito na kinakatakot ng karamihan. Pag tumitingin ako sa salamin, hindi ko yun makita. Isang napakaka lungkot na mata lang ang nakikita ko na nakatingin sa akin. Sabi ng iba kong kaibigan dahil lang daw siguro sa kulay ng contact lense ko yun, tumatawa ko pag sinasabi nila yun pero sa loob loob ko alam kong malungkot lang talaga ko. Hanggang ngayon ganun pa rin yung pakiramdam ko. Ewan ko. Hindi talaga ko masaya. Nakakainis. Napakalungkot ko at hindi ko alam kung paano ko sasaya. Ngayon ko lang toh naramdaman e.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako ngayon. Lagi na lang malungkot yung nakasulat sa blog ko. Sana pagpasensyahan niyo. Pag nasa school lagi akong mukhang masaya. Tawa ng tawa. Nakangiti lagi. Pero ngayon alam na siguro ng iba. Yung mga taong takot sa akin, magiiba siguro yung pananaw pag nabasa toh.

Labels: ,