Ang bilis dumilim. Nakakainis. Isa pa naman akong freak pagdating sa mga ganyan ganyan. Makita ko lang na madilim na ay nababaliw na ko. Ayoko kasi na nale-late ako. Ayoko din na ginagabi ako masyado dahil nawawalan ako ng tiwala sa mga tao pag kumagat na ang dilim. Sabi ko naman kasi sa inyo. FREAK talaga ako. Feeling ko nasasapian ako pag gabi. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ba ko nagpopost ng ganito.
Kakagising ko lang kasi. Balak ko dapat na matulog talaga ng 7 pm at gumising ng 9 pm dahil gusto ko mag ayos ng notes para sa Adv. Physics class ko. Pero, napanood ko kasi yung tyra banks show kaya namove ang 7 pm ko sa 8 pm. Natulog ako ng 8 pm. Kakapikit pa lang ng mata ko, ginising nanaman ako dahil dumating ang mommy ko at may gusto daw siyang ibigay sa akin. Dumilat ako sandali at tumungo tungo para mapakita na nakikinig ako sa kanya kahit gustong gusto ko na matulog uli. Umalis siya at bumalik ako sa pagtulog. Mahimbing naman yung pagtulog ko. Yun nga lang, after three hours ay ginising na din ako dahil nga daw sabi ko ay may gagawin ako. Tinatamad tamad pa ko dahil nakakatamad naman talaga bumangon. Ang sarap sarap matulog. Kaso, kailangan. Kaya naman bumangon na ko, nagkabit ng contacts at nanood ng PBB para hindi antukin muli. Pagkatapos kong manood ay nag online na ko dahil nga may mga dapat akong gawin tulad ng pagcheck ng mails, pagcheck ng friendster, pagsilip sa blog at kung anu-ano pa.
Ngayon ay kung anu-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko. Sana talaga ay half-day bukas. Uuwi ako ng maaga at matutulog ng matutulog. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin at bakit napaka antukin ko ngayon. Hindi naman ako ganito dati. Siguro dahil malapit na ang Christmas. Ang lamig na. Parang lagi akong hinahatak ng kwarto ko. Haayyy. Inaantok nanaman ako. Pero susubukan ko talaga maumpisahan yung dapat kong gawin. NAKU. Naalala ko. May homework pala sa English. Asar. Inaantok na ko eh. Sige, gagawin ko na nga. Para hindi na ko magahol bukas.
Ano pa bang gusto kong sabihin. Bilangin niyo kung ilang beses lumabas ang salitang antok at tulog sa post na toh. Isama niyo na rin ang lahat ng salitang related sa salitang “tulog”. Parang wala nang sense tong post na toh. Naman. May pasok bukas. Ang sarap kasi talaga matulog. Nag iipon na pala ko dahil malapit na ang Pasko. Proud ako dahil hindi ako gumagastos. Sabihan na ko ng kuripot, hindi talaga ko gagastos. Sayang eh. Naumpisahan ko na din, itutuloy tuloy ko na.
Sige dito na lang. Salamat nga pala sa Research II observers namin kanina. Nabusog kami sa binigay niyong pagkain. Salamat. Sa uulitin. Ang kapal di ba.
Labels: blah blahs