<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttp://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Monday, May 14, 2007

Ayon sa Kzone at sa aking daddy, May 14 talaga ang Mother’s Day pero dahil nga sumabay ito sa botohan ay nailipat ang Mother’s Day sa May 13. Wala lang, ngayon lang kasi ako gagawa ng post patungkol sa Mother’s Day. So… umpisahan na natin.

Sa totoo lang wala naman talaga kong masasabi tungkol sa mga mommies natin. Kung meron man, siguro yung salitang “the best” na yun. Minsan may misunderstandings kami ng mama ko. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sakin. Pag inisa isa ko parang hindi naman Mother’s Day eh. Hehe.

Sabi nga kahapon sa sermon ng pari, ang babae daw marami talagang niririsk para sa mga taong mahal nila. Sa panganganak pa lang, buhay na daw yung niririsk [wag na kaya ako mag asawa… ;)] Tapos after manganak, di pa tapos ang hirap. Sunod sunod pa yun. Grabe talaga mga sacrifices nila. Kaya di ako nagtataka kung minsan eh daig pa ng mama ko si “Annabelle Rama” sa pagiging strict.

Pero napapansin ko parang masyadong emosyonal pag Mother’s Day. Halos lahat ng napapanood ko sa tv eh umiiyak. Dahil kaya talagang nafifeel nila ang araw na ito o dahil malapit na ang tag ulan at sumasabay lang ang luha nila o dahil nakikisimpatya sila kay Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Wahahaha. Natawa ko nung sinabi sakin ng pinsan ko na may naosptial daw na fan dahil diyan sa kaguluhan na yan. Kamusta naman yun di ba. Super apektado.

Sa totoo lang napaka walang saysay ng huling part ng summer na toh. Parang napaka unti ng kaibigan ko. Yung mga inaasahan ko na kakamustahin at kakausapin ako once in a while eh naglaho na bigla. Yung mga unexpected na tao pa yung lagi kong nakakausap at lagi akong kinakamusta. Hay buhay. Bukod sa pagbisita ni NZ sa California [nakakausap ko na siya uli eh] at sa nalalapit niyang pagbisita dito sa Philippines eh wala nang iba pang todo nakakasurprise na pangyayari sa aking buhay. Malulungkot siguro meron pa. Aalis na ang aking napakabait na pinsan kasama ang kanyang unica hija at susunod na sa kanyang asawa sa Australia. Yung tita ko naman na kaclose ko eh nasa HongKong ngayon at God Knows kung ano nang ginagawa niya dun. Bakit kaya ang daming umaalis..


“Ang anak kayang kayang saktan ang magulang. Pero ang magulang, hindi kayang saktan ang sariling anak."

Labels: , ,