<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Wednesday, April 18, 2007

I sought them far and found them,
The sure, the straight, the brave,
The hearts I lost my own to,
The souls I could not save
They braced their belts about them,
They crossed in ships the sea,
They sought and found six feet of ground,
And there they died for me.



Guy Friends...

Dalawang taon na pala ang lumilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Kanina, kausap ko si Paul at napag usapan naming dalawa yung mga nangyari sa nakaraang dalawang taon sa buhay namin. Sabi niya, yung kanya daw medyo boring. Nung turn ko na para magkwento, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gusto ko sana na isa-isahin sa kanya yung lahat ng napagdaanan ko nung umalis siya, yun nga lang… hindi ko alam kung saan. Nahihirapan ako mag kwento sa dahilan na hindi ko alam. Siguro hindi ako ganun kagaling mag express ng feelings ko. Minsan nga hinihiling ko na sana, isang phone call lang ang layo ni Paul sakin. Para at least, nakakausap ko siya. Sa totoo lang, dalawa lang naman kasi silang lalake na talagang alam yung lahat ng nangyayari sakin. Si joseph at siya. Sila yung mga taong nalalapitan ko pag alam ko na kahit mga closest friends ko na puro babae e hindi ako maiintindihan. Sila lang yung nagtitiyaga sa mga drama ko sa buhay. Kanina napag usapan din namin ni Paul yung isa niyang kaibigan na babae. Niloloko ko kasi sa kanya yung babae kaya medyo napag usapan namin. Sabi ko pa nga sa kanya eh nagseselos ako. Pero siyempre, hindi naman talaga. Alam kong alam niya yun. Gusto ko nga na maging masaya siya with another girl e. Yung tipong hindi lang sila friends. Ang saya siguro pag ganun. Si joseph naman, nagka crush sa kung kani-kaninong babae. Actually pili lang talaga sila dahil alam niyo naman siguro yun, medyo pihikan sa babae. Kada sinasabi niya yung mga gusto niya, talaga naming nagrereact ako. Binibigay ko yung opinion ko sa babae. Grabe no. Daig ko pa magulang niya, e crush pa lang naman yun. Siguro, ugali ko lang talaga na magpaka sigurado pagdating sa mga bagay na may koneksyon sa puso. Ayoko lang siguro na maramdaman nila yung naramdaman ko. Wala akong kaibigan na gusto kong maramdaman yun. Alam ko na darating lahat sa puntong yun pero sana wag naman agad.




I thank the Lord for friends. They can see you and your life so clear 'cause it's not their hearts all tangled up in it.

Labels: ,