<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Monday, April 30, 2007

Pagkatapos ng isang mahabang pahinga ay nagbabalik ako.
Biruin mo. Ilang araw din akong hindi nagpost. Nagiisip kasi ako kung gagawa ako ng multiply account. Yun nga lang, tamad ako mag ayos ng iba’t ibang accounts ko sa internet. Blog at friendster lang talaga yung matino kong nagagamit. And may blog naman na ko kaya baka hindi na lang muna ko gagawa ng account dun. Masyado kasing nauuso ang multiply ngayon. Ayoko namang gumawa lang para makisali sa uso. Siguro pag unti na lang yung gumagamit dun na lang ako gagawa.

Napaka boring pa rin ng summer ko. Dapat pala pumayag na lang ako sa trabaho na binibigay sakin ng dad ko. E di sana ngayon may ginagawa ako kahit papaano at kumikita pa sana ko. Wala akong kamalay malay sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng mga kakilala ko. Nakakausap ko lang naman kasi yung iba dahil sa ym. Yung iba namang mahal talaga ko. Tinatawagan ako para kamustahin. Yun nga lang, mga pili lang sila. Laking pasasalamat ko nga sa mga nakakausap ko through cbox dito sa blog, ym, friendster [messages] and telephone. Wala naman kasi akong cellphone ngayon dahil alam niyo naman na napaka makakalimutin ko. Tsaka ngayon ko lang din narealize na pag wala kang cellphone, dun mo lang malalaman kung sino yung mga taong talagang concern sayo [kasi gagawa sila ng way para makausap ka]. Super drama. Grabe. Pero totoo yun. Si chescka! Ayan. Pag naabutan akong online nian lagi akong binabati nian. Kahit wala kaming mapagusapan basta mababati niya ko. Mabuhay ka. Hehe. Tapos yung mga fellow bloggers ko din na nakikipagusap sakin dito. Kaya medyo nababawasan ang pagka bored. Haayy.. buhay.. tsaka yung mga tao din sa ym na nagtitiyaga akong kausapin, hello sa inyo. [libre bati?]

Ayun, ei fave. Belated sayo. Binati na kita sa cbox mo. Hehe. Ayon sa aking blogspot dashboard, 111 na ang posts ko dito. So dapat magwish. Alam niyo ba yung kasabihan na pag straight 1.. dapat magwish. Mas effective nga daw yung 11:11 eh. Hehe. Ang corny ko di ba.

Madaming special na tao na magcecelebrate ng birthday nila ngayong May. Lola ko, pinakamamahal kong pinsan [ate! Debut na! Woohoo!] sino pa ba. Alam ko meron pa. Titignan ko na lang sa friendster, nalimutan ko e.

Sa totoo lang wala talaga ko sa mood ngayon. Nahihirapan lang ako ilagay kasi medyo touchy talaga yung dahilan and ayoko makipag away ngayon. Baka kasi may matamaan sa ipopost ko [baka mabasa] kaya baka sa super close friends ko na lang sabihin o dun sa alam ko na hindi ako pagiisipan ng kung ano. Gusto ko lang kasi ishare yung feelings ko tungkol sa isang bagay. Pero dahil nga baka may matamaan, wag na lang. Pwde bang piliin lang yung pwedeng makabasa ng post mo sa blogspot? Buti pa sa livejournal, pwedeng piliin lang. Bahala na. Ikwekwento ko na lang sa alam kong willing makinig.

Ayun lang. Wala nang topic. Tama si anne at kim. Nauubusan din ng mailalagay. Ayoko naman na mapuno ng bad vibes tong blog ko sa paglalagay ng mga bad words, sama ng loob at kung ano ano pang unnecessary stuffs na magpapa down lang sa mga readers. Kahit paano may readers ako noh. Hehe. Mga loyal na tao.

Ta ta!

Labels: , ,