<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttps://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Wednesday, July 11, 2007

Tagalog muna tayo mga kaibigan.
Ang tagal ko ding di nag update.
Ngayon lang kasi talaga ko nagkaroon ng oras.
Bukod kasi sa investigatory project, reports, homeworks, quizzes at kung ano ano pa, talagang may C.A.T. pa kami kaya di ko lubos maisip kung paano ko masisingit ang paguupdate sa aking mumunting blog. Dahil dito ay nakaisip ako ng dalawang solusyon. Una ay maguupdate ako kahit papaano. Kahit maiikli lang. Kahit one liner lang basta maparamdam ko sa inyo na buhay at humihinga pa ako. Pangalawa naman ay bisitahin niyo na lang ako sa
http://twitter.com/shengsheng Yan ay isang website na umiikot lamang sa isang tanong na dapat mong sagutin. “What are you doing right now?” ayun. Nakaadik siya. Subukan niyo rin. Iadd niyo na rin ako. Kung gusto niyo malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ako, bisitahin niyo lamang iyan.
Mula Lunes hanggang Sabado ay nasa school ako. Nakakapagod. Sobra. Pero ayos lang. Tiis tiis lang naman e.

Aminado talaga ko ngayon na napapagod ako pero sa tingin ko dapat ko pa tong ienjoy dahil siyempre huling hirit ko na toh sa mandsci. Grabe talaga. July pa lang pero parang ilang buwan na kaming pumapasok. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nakakbigla lang talaga. Ewan ko ba. Di na ko nasanay.

May form kami sa C.A.T. kada Tuesday at Thursday. Grabe noh. Nakakapagod yan. Pero sino ba naman ako para magreklamo. At kung magrereklamo naman ako, ano namang epekto nun di ba. Isa lamang akong simpleng kadete na kailangan sumunod sa mga utos.

Inaantok na talaga ko. Hindi ko na matiis. Unti unti nang pumipikit ang mga mata ko. Magtatanggal pa pala ko ng contacts. Haayyy. *yawn*

Labels: , , ,