The feeling that you are being left out…
The feeling that you are nothing and there is nobody who cares…
Alam naman siguro ng lahat na puro kami babae sa grupo namin. Siyempre pag ganun hindi naiiwasan ang comparison. Sa totoo lang ayoko na nacocompare sa iba dahil hindi naman ako sila at hindi sila ako. Pero siyempre, kahit isarado ko ang sarili ko sa mga comparisons, naaapektuhan rin ako. Siguro iniisip ng iba na napaka insecure ko naman, kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun kabilis mainsecure. Kuntento ako sa kung anong meron ako at sa kung ano ako pero minsan di maiiwasan na maaapektuhan din ng mga nasa paligid natin yung sarili nating paniniwala. Dumadating ako minsan sa point na iniisip ko na siguro ako na yung pinaka PANGET at pinaka USELESS sa aming magkakaibigan. Ewan ko ba. Ganun lang talaga yung pakiramdam ko. Kung nasa kalagayan kita at kaibigan mo ang isang grupo ng magaganda, talented at matatalino na babae, hindi mo maiiwasan na maging katulad ko.
Sa totoo lang, kahit na napakadami kong kaibigan at kahit lagi niyo kong nakikita na madaming kasama, hindi ako ganun kasaya. Sa totoo lang, malungkot ako. Kailan ko lang tinanggap toh. Kasi kung pwede talaga pinipilit ko na makibagay sa lahat. Kaso hindi eh. Pag sama sama kaming magkakaibigan, nagkakaroon ng grupo grupo. Hiwalay sila ganyan kila ganito. Hiwalay ng lakad sila ganyan kila ganito. Hiwalang ng topic sila ganyan kila ganito. Yung mga super close magsasama sama. Pagkatapos nun, maiiwan ako sa gitna. Hindi ko alam kung saan ako sasama. Hindi ko alam kung sinong lalapitan. Siguro nga ako lang yung may problema. Bakit naman silang lahat maayos? Oo. Ako nga lang yung may problema.
Hindi ko na alam minsan kung saan ko ilulugar yung sarili ko. Yung inaasahan kong mga tao na susuportahan ako in case na bumigay na ko eh mukhang nawala na rin. Ayoko naman na pinapamukha yung ginawa ko dating magagandang bagay sa iba kaya hindi talaga ko lumalapit sa iba pag sobrang bigat ng problema ko. Nag eexpect siguro ako masyado na mafifeel nila na may problema ako. MALI nanaman ako e. Hindi pala dapat nageexpect.
Minsan lang ako magpost ng ganito. Di ko kasi matiis. Pag may problema ako di ko alam kung saan pupunta. Pag masaya ako hindi ko alam kung kanino lalapit. Pag kailangan ko ng advice parang walang gustong tumulong. Siguro nga malungkot lang akong tao…
Kaya nga s blog n lang ako nag gaganito. Baka may umintindi pa.
Labels: don't-mind-me, dramas, errr, opinions