Kanina ay nagising ako ng 8 am. Medyo late na ito para sa lakad ko na pang 9:15. Sinabi ko kahapon sa sarili ko na "Ic, you need to wake up around 6 or 7 am tomorrow". Oo nga at nagising ako. Quarter to 6. Pero sabi ko sa sarili ko na napaka aga pa kaya bumalik ako sa aking mga panaginip. Hindi ko na nga maalala mga panaginip ko e. Balik tayo sa kwento ko. Nagising nga ako ng late at nagmamadali na rin ako kumilos dahil ayoko talaga na naleleyt ako. Nahihiya ako at ayoko naman pangatawanan yung sinasabi nila na "Filipino Time". Hindi naman kasi yun magandang ugali. Kaya ayun, nakaabot naman ako kahit papaano at sila pa nga yung nalate.
Pumunta kami ng La Salle para samahan ang isa kong kaibigan sa pagpasa ng form. Ang daming tao. May korean, may chinese, may pinoy. Iba iba talaga. Naisip ko tuloy bigla na pag labas ko pala ng mandsci, totoong mundo na yung kaharap ko. Iba na yung mga mangyayari. Umpisa na ng mga pagbabago. Ang tanong. Ready na kaya ako? Siguro naman ay oo. Kaya ng aako nagaaral diba? Para maging handa.
Ayun, pagkatapos pumunta ng La Salle (tamang tiyamba lang kami papunta dun), ay pumunta kami ng Greenhills para makapamili. May nabili na ang lahat ng kasama ko pero wala pa rin akong nabibili. Tinawag nga nila akong Queen of Cheapness dahil sa pagiging "kuripot" ko daw. Pag gusto ko kasi yung bagay at mahal, binibitiwan ko na. Pag kaya ko naman bilhin, ppilitn ko ng ibaba yung presyo hanggang sa maging mura na siya. Ewan ko ba pero ganun ako. Sa tingin ko eh mas mabuti naman yun kaysa sa gastos ako ng gastos na parang nagtatapon lang ako ng pera.
Ang saya ko ngayon. I'll give the details later. lol.
Labels: blah blahs, crush/ing, don't-mind-me, errr