Hayy maloloka yata ako! Ang isa sa unting pinagkukuhaan ko ng saya hindi ko man lang napanood. Nakakainis talaga. Malapit na yun matapos eh. Naku talaga. Inaatake nanaman ako ng kababawan ko. Ewan ko ba. Siguro eto lang talaga ang epekto pag nalaman mo na malapit ng matapos ang summer at ibig sabihin nun eh malapit na ang pasukan. Maloloka nanaman ako niyan.
So ano bang mga ginagawa niyo ngayon? Sana naman eh nasusulit ninyo ang huling lagapak ng summer. Matatapos na ang ating masasayang pahinga at maglalabasan nanaman ang ating eye bags, mawawala na din ang naipon nating taba ngayong summer dahil umpisa na ng pagtulog ng kulang sa oras, at siyempre umpisa na rin ng paborito nating gawain.. ang cramming. Anyhoo, wag nating sirain ang ating kasiyahan sa kakaisip. Magkita kita na lang tayo sa enrollment mga repapipz.
Kilala niyo ba si Ken Hirai? Yung singer na Japanese [anne at kim.. kilala nyo?] ang cute niya.. wala lang. Hindi siya mukhang hapon. Matagal ko na siyang nakikita ngayon ko lang natanong. Tamad kasi ko magpost eh.
Napanood ko kanina sa Tyra yung tungkol sa iniisip ng ibang race sa hindi nila ka-race. Grabe pala yun noh. Pag may kulay buhok mo tapos Asian ka, ang tingin sayo fake. I mean, ako kahit kunwari nasa ibang bansa na, hindi ako magpapalit ng hair color pero bakit kaya ayaw respetuhin ng iba yung kapwa nila. Hmm.. weird.. tagain ko sila eh.. hihi…
Toh na lang muna. Random lang. May ikwekwento yata ako sa next post ko. [di xur?]
Labels: random thoughts
Here's the 411:
Write about how much addicted you are towards something.
1. Don't forget to include the percentage of 'addictedness' towards that thing.
2. All with one condition, the total of percentage much reach 100%.
3. You MUST tag others and continue tagging but please don't forget to explain the rules and please notify that person so that they know that they had been tagged.
[60% addicted to books…]
Books books books… this summer wala na siguro akong inatupag kundi ang pagbabasa ng libro at pagba blog. Kahit children’s book pinapatulan ko makapagbasa lang. Sa sobrang hilig ko nga sa pagbabasa eh lumabo na rin yung mata ko. Sa totoo lang, wala naman akong pinagsisisihan kasi it’s worth it naman. Hindi ko nga maintindihan yung iba kung bakit ayaw nilang magbasa. Hindi nila alam na ang dami nilang namimiss sa buhay nila.
[20% addicted to chocolates without the nuts]
Yum yum. Naniniwala talaga ko na nakakapagpasaya ang chocolates. Kapag malungkot kasi ko ngunguya lang ako ng chocolates na gusto ko tapos voila! Wala na yung lungkot. Kaya ko din umubos ng isang malaking bag ng kisses or mnm’s. Hindi naman siya nakakataba eh. Yung may nuts lang siguro.
[10% addicted to Koreanovelas]
Simple but touching story. Ewan ko ba pero mahilig talaga ko ngayon sa mga koreanovela. Siguro isang reason eh dahil ang cute ng mga actors and actresses nila. Alam niyo ba yung bagong koreanovela ng abscbn? Yung which star are you from? Ayoko ispill yung story basta yung makikilala nung lalakeng bida na kamukha ng namatay niyang ex eh may kuneksyon dun sa ex ng lalake. Hindi reincarnation, hindi rin totoo yung hindi naman daw namatay. Basta may kuneksyon sila. Mahabang storya pero kung iisipin mo naman ng mabuti madali lang malaman kung ano yung konek nila. Aww whatever..
[10% addicted to blogging]
Wala nang explanation. Yun na. Alam niyo na yun.
I'm tagging Venus... aun.. hehe..
Labels: something ng mga bloggers
Eleksyon na. Rock and Roll na. Bilangan na mamaya. May dayaan pa kaya.
Nagsimula ang umaga ko sa boses ng daddy ko na pumasok sa office niya para mag time in, umuwi uli para bumoto at bumalik uli sa trabaho. 9:30 na rin ng umaga kaya bumangon na ko. Pinilit ko alalahanin yung panaginip ko at himala dahil hindi ko siya matandaan. Sa totoo lang napakalaki talaga ng problema ko ngayon sa mga panaginip ko.
Una kasi, may isang mukha at pangalan na lumabas sa panaginip ko. Sa totoo lang kilala ko yung mukha nung lalake na nasa dream ko kasi nakausap ko na siya once or twice yata sa ym pero hindi ko siya personally talaga na kilala dahil una iba yung school niya and pangalawa hindi naman kami nagkikita pa sa personal. Iba din yung name na ginagamit nia sa friendster, ym and pati yata sa blog niya. Mga kaclose niya lang talaga sa pagkakaalam ko yung sinasabihan niya ng totoo niyang pangalan. Ang alam ko lang yung nickname niya na ayokong ilagay dito. Ang weird nung dream kasi nandun ung lalake na yun at buo pa yung pangalan niya dun. Hindi ko alam kung bakit siya yung napanaginipan ko dahil hindi naman kami close at wala naman kaming pakialam sa buhay ng isa’t isa. Baka may makakapag explain ng panaginip ko, mag tag na lang kayo [maghanap ba daw ng dream interpreter].
Iniisip ko pa lang na iinterpret yun nahihilo na ko. Well, back sa election. Ang tahimik dito samin ngayon. Tahimik talaga dito samin pero iba ngayon kasi parang mahal na araw. Wala masyadong tao sa kalye na naglalakad. Kakaiba talaga. Ganyan din ba sa inyo ngayon?
Hay. Tulungan niyo ko. Matatapos na ang bakasyon at eto pa rin ako na walang naaccomplish na matino ngayong summer. Buhay nga naman. Isang bagay lang talaga gusto kong magawa buong buhay ko. Mag travel. Yun lang. Wala ng iba. Pagkatapos ko mag aral gusto ko sana mag travel na lang ng mag travel. Sabi ng mommy ko kung yun naman daw ang gusto ko e di mag flight stewardess ako. Haller, hindi ako tatanggapin dun noh. Hay. Buhay. Sige. Ingat kayo.
Labels: blah blahs
Ayon sa Kzone at sa aking daddy, May 14 talaga ang Mother’s Day pero dahil nga sumabay ito sa botohan ay nailipat ang Mother’s Day sa May 13. Wala lang, ngayon lang kasi ako gagawa ng post patungkol sa Mother’s Day. So… umpisahan na natin.
Sa totoo lang wala naman talaga kong masasabi tungkol sa mga mommies natin. Kung meron man, siguro yung salitang “the best” na yun. Minsan may misunderstandings kami ng mama ko. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sakin. Pag inisa isa ko parang hindi naman Mother’s Day eh. Hehe.
Sabi nga kahapon sa sermon ng pari, ang babae daw marami talagang niririsk para sa mga taong mahal nila. Sa panganganak pa lang, buhay na daw yung niririsk [wag na kaya ako mag asawa… ;)] Tapos after manganak, di pa tapos ang hirap. Sunod sunod pa yun. Grabe talaga mga sacrifices nila. Kaya di ako nagtataka kung minsan eh daig pa ng mama ko si “Annabelle Rama” sa pagiging strict.
Pero napapansin ko parang masyadong emosyonal pag Mother’s Day. Halos lahat ng napapanood ko sa tv eh umiiyak. Dahil kaya talagang nafifeel nila ang araw na ito o dahil malapit na ang tag ulan at sumasabay lang ang luha nila o dahil nakikisimpatya sila kay Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Wahahaha. Natawa ko nung sinabi sakin ng pinsan ko na may naosptial daw na fan dahil diyan sa kaguluhan na yan. Kamusta naman yun di ba. Super apektado.
Sa totoo lang napaka walang saysay ng huling part ng summer na toh. Parang napaka unti ng kaibigan ko. Yung mga inaasahan ko na kakamustahin at kakausapin ako once in a while eh naglaho na bigla. Yung mga unexpected na tao pa yung lagi kong nakakausap at lagi akong kinakamusta. Hay buhay. Bukod sa pagbisita ni NZ sa California [nakakausap ko na siya uli eh] at sa nalalapit niyang pagbisita dito sa Philippines eh wala nang iba pang todo nakakasurprise na pangyayari sa aking buhay. Malulungkot siguro meron pa. Aalis na ang aking napakabait na pinsan kasama ang kanyang unica hija at susunod na sa kanyang asawa sa Australia. Yung tita ko naman na kaclose ko eh nasa HongKong ngayon at God Knows kung ano nang ginagawa niya dun. Bakit kaya ang daming umaalis..“Ang anak kayang kayang saktan ang magulang. Pero ang magulang, hindi kayang saktan ang sariling anak."Labels: let's celebrate, poof, Summer Thingees
Kamusta mga mabuting kaibigan. Ang tagal ko yatang di nakapag post dito. Puro mga something lang ng mga ka-blog natin yung mga nalalagay ko dito eh. Siyempre alam niyo naman na siguro ang dahilan kung bakit wala akong napopost tungkol sa buhay ko [boring nga kasi]. So dahil wala akong mapost, walang kwenta tong entry na toh. Mangingialam na lang ako sa buhay ng iba. Sasabihin ko lang naman kasi yung mga napapansin ko sa friendster na sobrang boring na talaga gamitin dahil napupuno na ito ng mga taong mapagpanggap tsaka wala kang masyadong magagawa sa friendster.
Una kong napansin eh yung mga posing ng mga babae dun pati na rin yung ibang mga lalake. Nakakatawa lang na nakakainis dahil parang halos lahat eh may stiff neck na sa mga pose nila. Lingon sa kanan o kaliwa, yuko dito yuko doon, isang gilid lang ng mukha nila yung nakikita. Aba teka, uso ba yan? Parang kakaiba naman yang uso na yan kasi nagmumukha kayang may problema sa leeg yung iba.
Pangalawa, bakit may mga hindi naman singkit na nagpipilit magpaka singkit? Iapply mo yung una kong dahilan dito sa pangalawa. Nakakatawa talaga yung epekto. Kung malaki mata mo, hindi mo naman kailangan magpaka singkit at bakit ka ba naghahangad na maging isang Korean, Chinese o kung ano mang lahi na singkit. Kung pinoy ka eh di magpaka pinoy ka. Aysus naman.
Pangatlo, what’s with the caption? May iba ang caption pa “Ganda/Pogi ko noh, inggit ka?” todo self confidence niyan, ang hangin eh. Meron namang iba na ganito “Ang panget ko talaga… huhu”, ano yan? Kung panget ka bakit ka pa nag post ng pic sa frndster mo? Hallor. Ok ka lang? Paano kaya pag may nagreply sa pic mo at nagsabi ng “Oo pangit ka nga” Ano kaya sasabihin mo? Dapat matuwa ka. At least pareho kayo ng taste di ba.
Pang apat, anong meron sa ganitong salita… “HeLLo dEr PuH/PoW/PuW…” Ano yan? Bagong language? At bakit naging “Mah” ang salitang “my”? Joosko, alam ba yan ng mga teacher niyo? Magiimbento na lang ng bagong salita, ang pangit pa sa tenga. Tsk.
Pang lima, ang daming papansin na flooder. Yung tipong magpopost tapos iisa lang ang nakalagay. Ang masama pa kung ang nakalagay eh para lang naman sa isang tao at hindi para sa lahat. Kung gusto mo siya sabihan, eh di mag usap kayo. Ano namang mahirap dun. Kailangan pa i-flood yung bulletin ng mga post na puno ng mga salita sa reason#4. Kainis talaga.
Ayan, ininis ko lang yung sarili ko. Wala naman akong magagawa kung yun na lang yung paraan ng iba para magpacute. Mas ok lang sana kung nagpapakatotoo di ba. Ayun lang! ;)
Labels: blah blahs, don't-mind-me, opinions
masayang surbeii -- pagkatapos sagutan ay ipasa sa limang tao
[from anne..] ++anong sasabihin mo pag sinabi sayo to ng taong inis sayo:01. ang arte mo!
- lahat naman ng babae eh...
02. mas matalino naman ako sayo!
-oo na.. joosko.. big deal?
03. crush ako ng crush mo!
- crush lang yun.. kasal na kami.. wahaha...
04. ang bobo mo pala sa math!
-
ever.. bakit? naging teacher mo na ba si mam *1st year teacher sa math ng
mandsci?*? talagang mabobobo ka sa takot.. wahihi.. joke!
05. bilisan mo naman!
- hinahabol ng sampung toro?
06. ang taray mo!
-forever naman e..
07. gusto mo ng away?
- ayoko.. gusto ko war.. ahihi..
08. takot ka ata sakin eh?
- salamin nga takot sayo eh.. pano pa ko?
09. mas mahal niya ko!
- so? gsuto ko mura.. haha.. korni
10. ang bababa na naman ng mga grades mo!
- oo.. kaia nga kick out na ko ng mndsci e.. hihi *yabang factor*++anong sasabihin mo pag sinabi sayo to ng crush mo:01. crush kita.
- so? mainit eh.. gusto mo maging crushed ice?
02. hindi kita mahal.
- ano naman? kaw lang ba tao sa mundo? *sabay sigaw ng KAWALAN MO YAN!* haha..
joke.. parang may hard feelings e.. hihi
03. mahal na kita.
- patunayan mo.. ipagpatayo mo ko ng bahay, bigyan mo pamilya ko ng 1 milyon buwan
buwan, bigyan mo ko limousine.. ayan.. mahal mo pala ko ha.. gawin mo nga yan..
hihi
04. pakopya naman ng assignment.
- mangongopya pa nga lang ako eh.. [linya since 1st year yta.. haha]
05. crush ko 'yung friend mo.
- ganun? so?
06. pwedeng patabi sa upuan?
- cge tabi kayo.. enjoy!
07. pwede ba kitang isayaw?
- bakit di mo isayaw sarili mo.. haha
08. feeling ko may crush ka sakin.
- oo... crushed ice.. haha.. magiging ganyan ka.. hangin mo..
09. ang cute mong
mag-smile.
-ganun.. mas cute yung aso mag smile kesa sayo eh..
10. bakit ang bait mo sakin?
- hindi... mabait lang talaga ko sa mga mukhang "pets". wahaha++anong sasabihin mo pag sinabi sayo to ng magulang mo:01. umuwi ka ng
maaga.
- opo... [seryosong boses... takot e..]
02. buti pa yang kapatid mo ang sipag mag-aral.
- ma/pa naman kasi eh... *sabay explain ng mga nararanasang hirap sa mandsci..
pagdating sa dulo ng explanation.. sabay sabi..* siya nga pag aralin niyo dun..
cge nga..
03. matulog ka ng maaga.
- ok...
05. ok na ba sau ang P 30.00 na baon?
- kulang yan! lunch pa nga lang kulang na yan eh.. wala pang juice yan.. haha
06. maglinis ka ng bahay, maghugas ka ng pinggan at magdilig ka ng halaman.
- pwede one at a time?
07. mag-aral ka ng mabuti ha?
- opo.. mula nursery yata sinabi niyo na yan.. hihi.. [joke]
08. nung kasing tanda mo ko ang baon ko piso lang!
- opo.. mula nursery din ako sinabi niyo na yan sakin.. tapos sabi niyo pa ang
dami niyong nang nabibili sa piso.. eh.. naman.. mataas ang presyo ng likido
ngayon.. tsaka.. . ilang years na po ang nakakalipas.. *sabay compute*
09. dapat ganto ka, katulad niya.
- ayoko nga.. panget siya maganda ko.. hahahaha.. joke lang.. ang yabang ko naman
pag sinabi ko yan.. hindi yan half meant.. ehem..
10. pag sinabi kong hindi pwede..hindi pwede..
- ok... [bakit pag llban.. talo na ko eh..]++anong sasabihin mo pag sinabi sayo to ng teacher mo:01. bagsak ka na naman!
- opo.. hirap ng test e.. dalian mo.. papasa ko.. hihi
02. ibabagsak kita sa major subject mo!
- bakit naman?
03. sasampalin kita eh!
- tatadyakan kita.. subukan mo.. nakumpilan na ko.. bakit mo ko sasampalin?
04. late ka na naman!
-
malayo pluto e...
05. magaling ka pa lang sumayaw.
- nge? konek nun? haha
06. hindi ka na pwedeng pumasok sa klase ko.
- ok.. *nakasimangot pag labas ng room* pag nasa labas na *ngiti!* haha
07. Kakausapin ko ang mga magulang mo.
- kabado na ko nian.. hihi..
08. ang makita kong mangopya 60 na ha?
- okie.. haha
09. buti pa ang kabilang section nanalo.
- ano naman?
10. hindi ka nakikinig kaya wala kang alam.
- mas masarap matulog at dumaldal.. tanong mo pa sila mam.. haha
---> at ito ay ipinapasa q kela:
1. venus
2. laura
3. joyse
4. nory
5. cecilia [kapatid ni lau]
Labels: something ng mga bloggers
Rules: Each player of this game starts off with 15 weird things/habits/little known facts about yourself. People who get tagged need to write a blog of their own 15 weird things/habits/little known facts as well as state this rule clearly. At the end, you need to choose 10 people to be tagged and list their names. No tag backs. [galing kay Ate Jam yung instructions.. kinuha ko na lang.. thanks ate jam! hehe ;)]
Here it goes...
1. Bookworm
Books are my bestest friend ever! I mean… when all of your friends leave you and you want to talk to someone, why not talk to your book? [not the textbooks ;)]. You can learn tons of things if you read. And this is an unknown fact to many… the first thing that I read was an Archie Comic Book and an old “civics and culture” book.. uugghh..
2. I don’t eat the nuts of chocolates with nuts [get it?]
I don’t know. I’m not really a picky eater or something but when it comes to chocolates with nuts I just hate ‘em. I can’t eat it. Maybe because of the fact that it can make you fat… ;)
3. I hate dirty fingernails
When I see my fingernails getting a little dirty, the first thing that I will do is get those “instruments” needed to clean those icky fingernails. I’m really a freak when my fingernails are involved. Dunno why…
4. Too tall for my age?
I have encountered lots of embarrassing moments wherein my age and height were involved. People always mistook me as a sixteen+ year old girl. Gosh. I’m only 15 this june. I don’t know if my height is a pro or a con.
5. I’m really shy
Believe it or not but I am actually a shy person. I’m not a good talker when it comes to strangers. When it’s my first time to meet a person, they must find me very very BORING. I can’t think of good enough topics to talk about. But, when that person becomes pretty close to me, I can be pretty talkative.
6. Candy Mag asked me something…
This will be one of the last time that I’m going to talk about this thingee. See, a woman from Candy Magazine approached me once [I’m only 13 years old at that time and I am at a certain mall] and asked me what my age was. I told her that I am only 13 and she was like… “Too bad, you’re too young!”. She then explained that she’s looking for someone to be on the cover of one of their issues that’s why she asked me what my age was. Well, no big deal. ;)
7. Some jokes are half meant…
I’m really a moody person and there are times when I get pissed off to some people who crack jokes such as “I am very contented on what I have because I am pretty, talented, well off in life… bla bla bla..” after that, that certain person would put the word “joke” at the end of his/her statement. Agghh… jokes are half meant and I find people like that pretty “self-centered”. Jokes are supposed to be funny and not… conceited.
8. I love to take pics of myself
Click click click, choose the best and you can post it on your friendster, myspace or whatever accounts in the internet. Haha. Right girls?
9. Most of my shoes are wedged or has high heels.
Out of all my shoes, only one is flat [not counting the beaded flipflops]. And the heels of my shoes are like 3 inches or 4 or whatever. My dad always tells me that I look like a giant coz I keep on wearing high heels even though I am already tall. Well.. that’s life dad… ;)
10. I SOMETIMES believe that my horoscope is true…
Come on people. Lagi tayong nageexpect ng magandang horoscope lalo na pag kakagaling lang natin sa isang masamang araw. Kahit na alam ko na those things won’t come true it is still fun to believe noh.
11. I ask for signs
As in! Yung mga tipong… “if this bla bla will happen.. I will bla bla bla” alam niyo na yun. Naniniwala ako sa ganyan. Sounds weird pero wala namang mawawala if you will believe di ba?
12. Ryan Seacrest
I really don’t have a good taste when it comes to guys. I mean.. ryan seacrest is not that hot but… crush ko siya. Haha. It’s just a tiny bit of crush but dunno… it’s really weird.
13. mini skirts
I’m not a big fan of those stuffs. Hindi ko lang kaya talaga na magsuot ng mini skirt. Ewan ko ba. Alam kong hindi na uso yung “Maria Clara” style but may mga tao kasi na nag te-take advantage pag nakasuot ka ng mini skirt. Alam ko na nasa nagdadala yun, pero… bahala na. Hehe. :)
14. I consider my little brother as my best friend
He knows my secrets. He knows my crushes. He knows everything about me. And what’s cool is that he is NOT a blabbermouth. Yun nga lang, masyado siyang protective. He don’t like it when guys approach me or when guys look at me.
15. PROUD to be a MANDSCI student
Kahit ano pang sabihin nila. Kahit ano pang reklamo ko sa school. I love it mucho mucho. Sa sobrang love ko parang hindi pa ko prepared to leave the school and spread my wings to the outside world. Di bale, there’s still a year left and I’m going to make the most of it. *Tinatag ko si.. Anne, Kim, Joyse... Labels: bloggers something something...