Sunday, September 23, 2007
Hmmm. Maikli lang toh. Ilalagay ko lang yung mga gagawin ko ngayong araw na toh.
Umuulan at nakakainis dahil sumasakit ang ulo ko pag umuulan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro abnormal lang talaga ako.
Gumagawa din ako ngayon ng project sa english dahil ayoko nang mag cram. Nakakasawa din minsan. Lagi na lang kulang sa tulog. Lagi pang nagkakasakit.
Hindi pa ko tapos sa mga notes na forever ko na yatang hindi matatapos. Di bale, malapit na umalis sa high school. Medyo mababawasan tong mga notes notes na toh.
Naalala ko din na hindi pa ayos yung form ko sa La Salle. Hindi ko pa nafifillup-an lahat. Asar. Kailangan ko na toh ayusin.
Magpapasa na rin ako ng form sa UST. Para isahan na lang. Pasa or Bagsak lang naman yan e. Pero siyempre masaya kung pasado di ba. Tapos Scholarship pa. Ahihi.
Hindi pa ko naliligo at gutom pa rin ako. Paalam na nga. Maliligo muna ko. haha.
Labels: blah blahs, School
Friday, September 21, 2007
Nasa cai room ako ngayon at nanonood ng mga pinaghirapan naming project sa Filipino. Anong oras na kami natapos kahapon at absent ngayon si Jhemmy dahil kulang siya sa tulog at siya ang nag tuloy ng di namin natapos na project.
Habang nanonood sila, nandito ako sa harap ng computer at nagtatayp ng entry para dito sa blog ko. Sana hindi ako mahuli. Mukhang hindi naman dahil busy silang lahat sa panonood. Hindi na nga nila kami nafifeel. Katabi ko ngayon si Scyld at gumagawa siya ng entry para sa yearbook namin. Ako naman, eto nga. Nagba blog na lang.
Business Management na ang next subject ko at dito din kami sa CAI room magkaklase. Malay natin, baka wala kaming teacher. Basta for sure, wala atang research. Uber busy kasi yung teacher namin sa research II.
May virus ata ung usb namin. May something kasi. Nagloloko lahat ng pc na pinagkakabitan.
Shux. Ako pala gagawa ng description para sa mga kaklse ko... pano ba toh.
bye na. bm na.
Wednesday, September 19, 2007
PROMISE! Tatapusin ko talaga tong mga notes na hindi ko nagagawa at naaayos. Nakakainis na. Ang daming ginagawa. Tumatambak sila. After talaga ng Filipino Project, tatapusin ko na mga notes ko.
FOCUS FOCUS FOCUS
Super Cramming na ko kahit hindi pa dapat. Baka mag hiatus mode muna ko dito sa blog and pati na rin siguro sa cyberspace. Pero try ko din mag update once in a while. Haayyy.
OH SHOOT! Where’s my ballpen!!! Arggghh. I’m going to be insane! He-elp. LOL.
LATER!
Labels: blah blahs
Tuesday, September 18, 2007
Let there be peace on Earth…
Itigil na natin ang mga nangyayaring gulo at away. Matuto tayong magpatawad. Tama na. Ako ay nahihilo sa mga nangyayaring iringan at awayan. Hindi magkakaroon ng world peace kung di natin kaya umpisahan ang lahat sa sarili natin. Tama na ito. Yun lang naman e. Puro gulo kasi. Tigilan na lang. Kasi habang magsasalita ng magsasalita, lalong lalala. Kung gusto ng lahat na maayos, huwag na lang patulan ang isa’t isa. Isa lamang itong friendly reminder galing sa akin. Hehe.
Labels: opinions
Sunday, September 16, 2007
You can’t please everybody.
Kahit anong gawin mo, makakahanap sila ng FLAW sa lahat ng ginagawa mo. Hindi sila mga perpektong tao pero kasiyahan nila ang paghahanap ng mali sayo. Kung ikukumpara mo minsan ang sarili mo sa kanila, hindi mo maintindihan kung ano bang meron sa kanila at ano bang meron sayo. Bakit ka nila ginaganito. Sabi ng mga kakilala ko, INSECURITY lang daw yun. Meron daw sigurong something sayo kaya ka nila pinipilit ibaba or pinipilit sirain.
Ako? Oo. Madaming inis sa akin. Ayaw nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman kasi akong “something”. Simple lang ako. Hindi ako galing sa isang “rich family”. Hindi ako kumpleto sa kung anong “in” ngayon. Isa lang naman yung maipagmamalaki ko eh. Yun yung pagiging TOTOO ko. Alam ko na kung ano anong problema na yung nabigay sa akin ng ugali kong toh pero wala akong pinagsisisihan. Mas gusto ko maging totoo kaysa magpaka plastic. People will learn to love me naman sa kung sino talaga ako. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para lang matuwa sa akin ang mga tao.
“I’d rather be hated for who I am than be loved for who I am not.”
Labels: blah blahs
Thursday, September 13, 2007
Naiinis ako! Madami akong kinaiinisan ngayon. Alam mo yung feeling na parang lahat ng bagay eh nangyayari against your will? Lahat na lang ng nangyayari parang mali. Ika nga ni roseann dati “Is the world conspiring to irritate me again?”. Sabi naman ni Mrs. Tirones (one the best teachers in the entire world), hindi naman daw totoo yang conspiracy na yan. Nasa takbo lang daw yan ng isip ng tao. At oo, tama siya. Pero hindi naman maiiwasan minsan yung maapektuhan ka din ng nasa paligid mo.
Ang dami daming nangyayari ngayon na sobrang nakakainis na. Puro away. Puro gulo. Pwede bang mag bakasyon muna kahit sandali lang? Ang sakit na kasi sa ulo. Kahit hindi ako yung mismong involve sa mga nangyayari, hindi maiiwasan na hindi ako maapektuhan. Hindi lang ako. Pati yung mga kaklase ko. Problema sa pagitan ng dalawang tao, nagiging problema na rin ng mga hindi naman kasali. Yun yung nakakainis di ba? Yung alam mo na dalawa lang kayo na dapat mag ayos ng problema niyo, tapos biglang may sisingit. Kung ano ano sasabihin eh in the first place, they don’t even know the whole happenings. They don’t even know the other side of the story. And THAT really sucks. They’re judging others based on what THEIR friend/s had told them. Kahit na hindi mo kilala ang isang tao, hindi mo siya pwedeng husgahan dahil HINDI MO NGA SIYA KILALA DI BA? How absurd. Alam ko na hindi dapat ako nagpapaapekto pero ang nakakainis dito are the ff :
1. The conflict that is happening right now is open EXCLUSIVELY to ONLY and I mean ONLY the members of our class including our teachers. The problem? Madaming sumasali.2. Hindi alam ng iba yung totoo. So why make “pakialam”?3. Oo nagkaka insultuhan nga pero kung may nangyaring ganun, pwede bang hayaan niyo na yung mga may problema lang ang mag usap? Kung kaibigan niyo yung nasaktan, oo naiintindihan ko kayo pero sana di ba. Malaki na yang kaibigan niyo and I THINK na kaya niya nang harapin yung mga problema niya.4. PLEASE LEARN TO ACCEPT YOUR MISTAKES. Ikaw ang gumawa niyan so pangatawanan mo. Every action has its own consequences.5. This is not the end of the world. Kung ano man ang nangyayari, isa yang lesson na dapat tandaan hindi lang ng mga taong involved kundi ng lahat.
Yun lang. Nilabas lang ang inis.
P.S. This is MY blog and this is my OPINION. Sa tagalog : Blog ko ito at opinyon ko ito. Wala kang pakialam sa kung ano mang ilalagay ko.
Para sa mga makakabasa nito na bloggers na friends ko din, huwag niyo na lang sabihin na may ganito akong post sa ibang tao dahil gusto ko sana na private toh. Para lang sa atin toh. Hayaan natin na yung mga involved ang mismong mkkpunta dito. Thanks! :)Labels: opinions
Tuesday, September 11, 2007
You are eating your favorite chocolate bar. Minsan ka lang makakain nun and hapit na hapit ka na talaga *sorry for the term*. Biglang may lumapit sayo asking for your favorite chocolate bar. Lagi mo naman siyang pinagbibigyan. Minsan ka lang makakain nito ang paubos na rin. Pwede ka namang bumawi sa susunod di ba? So... ibibigay mo ba or sasabihin mong hindi talaga pwede?
Me?... it depends. If I really really love that chocolate bar you can say bye bye to it because I am NOT going to give it to you. Ok. I admit it. There are times when I am really really possessive. I don't want to share my favorite stuffs or even my favorite PEOPLE with others. I hate it. I know that it's not nice but is there someone who never experienced this kind of attitude? We're human. This is normal. We are not perfect and we are never going to be one. Sasabihin siguro ng iba na hindi maganda yung ganung attitude pero kung iisipin mo, pag may chance ka naman, lagi mong tinutulungan yung iba. You always share. Minsan nga lang, hindi maiiwasan yang mga special cases na katulad niyan.
Minsan dumadating ako sa point na kahit mga paborito kong tao, ayokong nashishare. Pag narealize ko naman yung mali ko, bumabawi ako. Hindi naman pwede na iyo lang ang isang tao di ba? Kaya kahit na naiinis na ko and everything, I'll just shut my big mouth and forget about everything. Mahirap itago yung feelings natin pero what's the point din naman kung alam na nating mali tayo? I sometimes find it hard to open up to others because there's this thing in me na laging takot. Takot din ako sa iniisip ng tao. Lagi na lang kasi akong najujudge ng basta basta and sino bang may gusto nun?
p.s. malas magiging bf ko. lol. kidding. ;)
Labels: blah blahs
Saturday, September 8, 2007
Kanina ay nagising ako ng 8 am. Medyo late na ito para sa lakad ko na pang 9:15. Sinabi ko kahapon sa sarili ko na "Ic, you need to wake up around 6 or 7 am tomorrow". Oo nga at nagising ako. Quarter to 6. Pero sabi ko sa sarili ko na napaka aga pa kaya bumalik ako sa aking mga panaginip. Hindi ko na nga maalala mga panaginip ko e. Balik tayo sa kwento ko. Nagising nga ako ng late at nagmamadali na rin ako kumilos dahil ayoko talaga na naleleyt ako. Nahihiya ako at ayoko naman pangatawanan yung sinasabi nila na "Filipino Time". Hindi naman kasi yun magandang ugali. Kaya ayun, nakaabot naman ako kahit papaano at sila pa nga yung nalate.
Pumunta kami ng La Salle para samahan ang isa kong kaibigan sa pagpasa ng form. Ang daming tao. May korean, may chinese, may pinoy. Iba iba talaga. Naisip ko tuloy bigla na pag labas ko pala ng mandsci, totoong mundo na yung kaharap ko. Iba na yung mga mangyayari. Umpisa na ng mga pagbabago. Ang tanong. Ready na kaya ako? Siguro naman ay oo. Kaya ng aako nagaaral diba? Para maging handa.
Ayun, pagkatapos pumunta ng La Salle (tamang tiyamba lang kami papunta dun), ay pumunta kami ng Greenhills para makapamili. May nabili na ang lahat ng kasama ko pero wala pa rin akong nabibili. Tinawag nga nila akong Queen of Cheapness dahil sa pagiging "kuripot" ko daw. Pag gusto ko kasi yung bagay at mahal, binibitiwan ko na. Pag kaya ko naman bilhin, ppilitn ko ng ibaba yung presyo hanggang sa maging mura na siya. Ewan ko ba pero ganun ako. Sa tingin ko eh mas mabuti naman yun kaysa sa gastos ako ng gastos na parang nagtatapon lang ako ng pera.
Ang saya ko ngayon. I'll give the details later. lol.
Labels: blah blahs, crush/ing, don't-mind-me, errr
Friday, September 7, 2007
I was tagged by RC.What I should do is post 8 random facts about myself and then tag 8 other people to do the same.1. Dasal ako ng dasal na sana makapasa ko sa entrance exam ko sa mga universities na pinag testan ko. I want the scholarship! Gusto kong iprove sa sarili ko na kaya ko.2. Kung binabasa mo ang mga post ko ay mapapansin mo na sobrang lungkot ko ngayon.3. Books are my best friends.4. Isa akong taong hindi makontrol ang sarili ko pag alam kong may dapat akong sabihin lalo na kung totoo iyon. Kahit gaano kasakit ay sasabihin ko yun dahil totoo e.5. Tulad ni Rc, mababaw din ang luha ko. SOBRA6. Kahit sandali, gusto ko makapag aral sa abroad. Gusto ko maging independent dun. 7. Pag naghuhulaan ng isang bagay, hinahayaan ko na isipin ng iba na hindi ko gets kahit na alam ko na yung sagot. 8. Strong at nakakatakot daw ang dating ko sa mga lalake. Kaya naman bilib ako at natutuwa ako sa taong kaya akong lapitan ng MAAYOS.Tinatag ko si anne, joyse, kim, otep, fave, ate jam, lau, at venus.Labels: something ng mga bloggers
Nag usap kami kanina ng isa sa pinaka mabuti at masasabi ko na pinaka mapapagkatiwalaan ko na yatang tao sa buong mundo (bakit may yata?). Napag usapan namin yung mga nangyayari sa amin. Mga problema ko, problema niya, mga sama ng loob sa iba at kung ano ano pa. Ang tagal pala naming hindi nakapag usap ng ganun kalalim. Grabe. Madrama siguro para sa iba pero mahalaga para sa akin. Hindi ko naman kasi nalalabas yung problema ko. Laging nakatago. Natatakot kasi ko magtiwala.
Laging nakikita ng iba na ako yung nakakatakot. Iba daw kasi yung mata ko. May “something” daw dito na kinakatakot ng karamihan. Pag tumitingin ako sa salamin, hindi ko yun makita. Isang napakaka lungkot na mata lang ang nakikita ko na nakatingin sa akin. Sabi ng iba kong kaibigan dahil lang daw siguro sa kulay ng contact lense ko yun, tumatawa ko pag sinasabi nila yun pero sa loob loob ko alam kong malungkot lang talaga ko. Hanggang ngayon ganun pa rin yung pakiramdam ko. Ewan ko. Hindi talaga ko masaya. Nakakainis. Napakalungkot ko at hindi ko alam kung paano ko sasaya. Ngayon ko lang toh naramdaman e.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako ngayon. Lagi na lang malungkot yung nakasulat sa blog ko. Sana pagpasensyahan niyo. Pag nasa school lagi akong mukhang masaya. Tawa ng tawa. Nakangiti lagi. Pero ngayon alam na siguro ng iba. Yung mga taong takot sa akin, magiiba siguro yung pananaw pag nabasa toh.
Labels: don't-mind-me, dramas