<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/747318792821398024?origin\x3dhttp://zengkay.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
zengkay @blogspot.com ♥
Monday, April 30, 2007

Pagkatapos ng isang mahabang pahinga ay nagbabalik ako.
Biruin mo. Ilang araw din akong hindi nagpost. Nagiisip kasi ako kung gagawa ako ng multiply account. Yun nga lang, tamad ako mag ayos ng iba’t ibang accounts ko sa internet. Blog at friendster lang talaga yung matino kong nagagamit. And may blog naman na ko kaya baka hindi na lang muna ko gagawa ng account dun. Masyado kasing nauuso ang multiply ngayon. Ayoko namang gumawa lang para makisali sa uso. Siguro pag unti na lang yung gumagamit dun na lang ako gagawa.

Napaka boring pa rin ng summer ko. Dapat pala pumayag na lang ako sa trabaho na binibigay sakin ng dad ko. E di sana ngayon may ginagawa ako kahit papaano at kumikita pa sana ko. Wala akong kamalay malay sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng mga kakilala ko. Nakakausap ko lang naman kasi yung iba dahil sa ym. Yung iba namang mahal talaga ko. Tinatawagan ako para kamustahin. Yun nga lang, mga pili lang sila. Laking pasasalamat ko nga sa mga nakakausap ko through cbox dito sa blog, ym, friendster [messages] and telephone. Wala naman kasi akong cellphone ngayon dahil alam niyo naman na napaka makakalimutin ko. Tsaka ngayon ko lang din narealize na pag wala kang cellphone, dun mo lang malalaman kung sino yung mga taong talagang concern sayo [kasi gagawa sila ng way para makausap ka]. Super drama. Grabe. Pero totoo yun. Si chescka! Ayan. Pag naabutan akong online nian lagi akong binabati nian. Kahit wala kaming mapagusapan basta mababati niya ko. Mabuhay ka. Hehe. Tapos yung mga fellow bloggers ko din na nakikipagusap sakin dito. Kaya medyo nababawasan ang pagka bored. Haayy.. buhay.. tsaka yung mga tao din sa ym na nagtitiyaga akong kausapin, hello sa inyo. [libre bati?]

Ayun, ei fave. Belated sayo. Binati na kita sa cbox mo. Hehe. Ayon sa aking blogspot dashboard, 111 na ang posts ko dito. So dapat magwish. Alam niyo ba yung kasabihan na pag straight 1.. dapat magwish. Mas effective nga daw yung 11:11 eh. Hehe. Ang corny ko di ba.

Madaming special na tao na magcecelebrate ng birthday nila ngayong May. Lola ko, pinakamamahal kong pinsan [ate! Debut na! Woohoo!] sino pa ba. Alam ko meron pa. Titignan ko na lang sa friendster, nalimutan ko e.

Sa totoo lang wala talaga ko sa mood ngayon. Nahihirapan lang ako ilagay kasi medyo touchy talaga yung dahilan and ayoko makipag away ngayon. Baka kasi may matamaan sa ipopost ko [baka mabasa] kaya baka sa super close friends ko na lang sabihin o dun sa alam ko na hindi ako pagiisipan ng kung ano. Gusto ko lang kasi ishare yung feelings ko tungkol sa isang bagay. Pero dahil nga baka may matamaan, wag na lang. Pwde bang piliin lang yung pwedeng makabasa ng post mo sa blogspot? Buti pa sa livejournal, pwedeng piliin lang. Bahala na. Ikwekwento ko na lang sa alam kong willing makinig.

Ayun lang. Wala nang topic. Tama si anne at kim. Nauubusan din ng mailalagay. Ayoko naman na mapuno ng bad vibes tong blog ko sa paglalagay ng mga bad words, sama ng loob at kung ano ano pang unnecessary stuffs na magpapa down lang sa mga readers. Kahit paano may readers ako noh. Hehe. Mga loyal na tao.

Ta ta!

Labels: , ,

Monday, April 23, 2007

Random na ang pagaayos ng mga section sa mandsci.
Siguro ay mabuti din ito dahil at least, makakapag bond yung mga taong hindi close sa isa’t isa.
Nagkaroon kasi ng lamat dahil sa pag rarank. Naranasan namin yung pagiisip ng ibang nasa lower sections na mayayabang at snob ang nasa higher sections. Meron ding nasa higher sections na hindi naiintindihan ang ugali ng nasa lower sections.
Pero yun nga lang, may problema.
Merong iba na ayaw tanggapin na hindi na naka rank at random na ang pagsesection. Sabi nila, sayang daw yung pinaghirapan nila. No offense mga pare, pero yung pinaghirapan naman natin last school year ay hindi para sa pagsesection. Para yun sa college natin. Ano bang napakalaking effect ng section natin sa pagkatao natin? Wala naman di ba? Nasa pagiisip yan. Kung insecure ka at di mo matanggap na mapupunta ka sa ayaw mo na section dahil sa RANDOM na pagpili, well, walang may kasalanan niyan. Kaya nga random di ba. Besides, ano naman ba ang isang school year? Para namang papatayin ka ng magiging kaklase mo di ba. Just look at the bright side of it… at least magkakaroon tayo ng time na bigyan ng chance yung mga taong hindi natin masyadong napapansin and nakakasundo noong nakaraang 3 taon. Sa totoo lang, medyo naiinis ako dun sa mga masyadong paranoid diyan sa decision na ginawa ng school. Last year mo na toh, sisirain mo pa ba dahil lang sa ayaw mong isipin ng mga tao sa labas ng school na kaya ka napunta sa current section mo e dahil hindi ka nag aral ng mabuti? Du’uh pare.. what the hell.. shut up na pwede. Masyang reklamador. Buti nga nasa mandsci ka pa e. Buti nga last year na natin toh. Magreklamo ka kung first year ka pa lang dahil 4 na taon mong kakargahin yang random na pagsesection na yan.

Tanggapin na natin. Kung ano yung atin, yun yung atin. Yun na! Later! ;)

Labels: ,


Haloo people of the Philippines…
Nagpalit nanaman ang dakilang babaita ng layout
Sa totoo lang mas comfortable ako sa layout ko ngayon
Di masyadong dark, di masyadong light.
Ika nga nila, “mellow” lang..
Dahil jan may naisip akong joke
Anong pagkain ang mellow lang?..
E d marshMELLOW.. hihi.. korni di ba.. gawa ko yan..
Nakakapagod din magpalit palit ng layout pero kung ikaw ay nasa kalagayan ko, malamang eh magagawa mo rin toh.

Madami sigurong nakapansin na umariba yung iba sa nakaraang posts ko.
Isipin niyo… nagdrama ako.
Ang baho nga sa mata pag binabasa eh. [may ganun ba?]

Ang dami ko talagang iniisip ngayon.
Malamang eh masasapak nanaman ako ni jhemmy kung mababasa niya toh.
Nabwibwisit kasi siya sa mga tanong ko sa buhay. Di bale, ako din naman naiinis sa tanong ko sa buhay eh… eto yung iba…

Bakit nakabantay lagi sakin yng paperclip dito sa ms word? Tinitignan niya ba tong tinatayp ko? O baka naman tayp niya ko? Arrgghh
Bakit uso ang chain messages? Bakit tamad ako magpasa nito? Bakit hindi naman nagkakatotoo, lalo na yung isa na sabi magiging power ranger daw ako pag pinasa ko. Bakit ako pa rin si Rita, yung kalaban nung power rangers dati? [tignan mo.. fan ako niyan.. ahihi]
Bakit laging madaling araw na ko kung matulog? Sa tingin niyo ba, sakit ito?
Bakit ako naiinis dun sa mga taong nang api dun sa killer sa Virginia tech? Dahil ba inaapi siya kaya niya lang yun ginawa? Naaawa siguro ako…
Bakit ganun ang IBANG lalake na taga Malaysia.. ang pogi nila pag naka side view.. pag humarap.. medyo pumaling.. [no offense]
Bakit uso ang pose sa mga pics na naka harang ng todo yung bangs sa mukha? Bakit uso ngayon ang pag label… bakit ka ileleybel? Produkto ka ba?
Bakit umiikot ang mundo ng iba sa gf/bf nila? Ang korni kaya…
Bakit random ang pagseseksyon sa mandsci?
Bakit ka nagseselos.. sila ba?
Bakit pa ko online?
Bakit may mga lalake o babae na mahilig mangloko ng kapwa nila?
Bakit may manhid?
Bakit hindi ko makita yung mp3 ng when she cries? Tama ba yung title ko? Sino bang kumanta nun?
Bakit laging pinipilit pag awayin ang la salle at ateneo?
Eh ang la salle, ateneo, up?

Korni na.. uwian na. Sagutin niyo yan para enjoy. Bading daw si victor basa, asa ha. Pogi nun eh. Hihi. Taken na si Jake Cuenca. Waha. Umaariba nanaman ako. Yaan niyo lang yan. Sabi nga ng kamikazee.. “libre lang mangarap”.

Labels: , , ,

Thursday, April 19, 2007

Nabuhay ako dati sa isang praktikal na mundo. Lumaki ako na nahihirapan makipag kaibigan sa iba. Hindi kasi ako sigurado kung totoo ba sila sa akin. Ayoko kasi na masaktan at maiwanan.
Noong pumasok ako sa isang bagong parte ng aking buhay, iniwan ko ang mga di magagandang karanasan sa aking nakaraan. Inakala ko na magiging maayos ang lahat. Pero, mali NANAMAN pala ako. Dahil sa ngayon ay hindi lamang ito naging maayos… naging perpekto pa ito sa paningin ko….

Madami akong binago. Ang dating ako na mas gustong tumahimik sa isang tabi ay naging “vocal” at nagpakatotoo. Mas nagtiwala ako sa sarili ko at sa kapwa ko. Akala ko ay handa na ko sa pagharap sa bago kong buhay… pero.. mali ako dahil may nakaligtaan akong bantayan… ang puso ko.
Ika nga nila “Love comes unexpectedly”. Oo na, tama na yan. Hindi ko yun inaasahan. Bigla siyang dumating. Binago niya ko. Napakalaki ng impluwensiya niya sa buhay ko. Hindi niya ito alam at wala din naman akong balak na sabihin pa yun sa kanya. Mas mabuti pa siguro na dalhin ko na lang yung hanggang sa hukay ko. Bakit?. Ano pa bang magiging epekto sa buhay niya ng pag amin ko? Sasaya ba siya dun? Hindi naman eh. Baka nga layuan niya pa ko lalo pag nalaman niya. Alam ko naman kasi ngayon na may nagpapasaya at kumukumpleto ng buhay niya. Sa totoo lang, masaya talaga ko para sa kanya. Kasi hindi niya naranasan yung naranasan ko. Hindi ko alam kung ok pa rin sila ng gusto niya pero umaasa ako na maayos pa sila.

Alam kong wala akong maipagmamalaki masyado dahil bukod sa isa akong hindi “maputi” na babae ay panget pa ako. Minsan tuloy ay naitatanong ko sa sarili ko kung ako ang nawawalang anak o kamag anak ni aling bakekang or bakeks for short. Ahihi. Ayos na sana post ko e. Ginulo pa sa dulo. Wahihi. Salamat sa pagbabasa!

Labels:

Wednesday, April 18, 2007

Each friend represents a world in us, a world possibly not born until they arrive, and it is only by this meeting that a new world is born.

Ang bilis talaga ng panahon. Kada taon, may umaalis na lang. May pumupunta sa ibang bansa, may panandaliang umaalis at meron ding pang habang buhay na. Masakit mawalan ng isang kaibigan na pinagkatiwalaan mo at naging importanteng parte ng buhay mo. Pinipigilan mo na umalis sila pero time na mismo ang nagsasabi na dapat na silang umalis.
May mga piling tao akong nakilala na nagpabago ng buhay ko. Sila yung mga taong sandali ko lang nakilala pero napakalaki naman ng epekto sa buhay ko. Hindi siguro nila alam toh dahil hindi ko naman kayang sabihin. Siguro nga duwag ako pagdating sa pag amin ng totoo kong nararamdaman. Ayoko lang siguro kasi na makasira nanaman ng isang maayos na relasyon. Baka magkamali nanaman ako. Baka may mawala nanaman. Tama na siguro yung mawalan ang isang tao ng isang importanteng importanteng parte ng buhay niya. Ika nga ni Joyce Carol Oates na isang writer…

“I used to think getting old was about vanity—but actually it's about losing people you love.”

Ganyan din yung paniniwala ko dati. Napaka babaw ko kasi. Akala ko madali lang ang ikot ng buhay. Pero sa tingin ko, noong mga panahong iyon ganun talaga yung takbo ng isip natin. Bata pa tayo nun. Hindi lang tayo bata pagdating sa age, pero pati sa experience. Parang yun yung first time natin na sumabak sa isang giyera na wala tayong armas. Ni hindi natin alam kung sino yung kakampi natin. Siguro dahil sa mga paniniwala ko noon kaya nangyari yung mga di ko inaasahang bagay. Dahil takot akong masaktan dati, ginagawa ko yung alam kong tama. Yun nga lang, sa isang iglap, mawawala ang isang importanteng bagay. Parang paggising mo na lang. Wala na pala yung dahilan ng lahat. Nakakalungkot isipin pero totoong nangyayari yan. Akala ko dati, sa mga teleserye lang yan. Hindi pala. Siguro kung may hihilingin man ako ngayon sa buhay ko, yun yung pag ayos ng lahat. Lahat ng nawala kahit maayos lang, kahit hindi na bumalik…

Labels:


I sought them far and found them,
The sure, the straight, the brave,
The hearts I lost my own to,
The souls I could not save
They braced their belts about them,
They crossed in ships the sea,
They sought and found six feet of ground,
And there they died for me.



Guy Friends...

Dalawang taon na pala ang lumilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Kanina, kausap ko si Paul at napag usapan naming dalawa yung mga nangyari sa nakaraang dalawang taon sa buhay namin. Sabi niya, yung kanya daw medyo boring. Nung turn ko na para magkwento, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Gusto ko sana na isa-isahin sa kanya yung lahat ng napagdaanan ko nung umalis siya, yun nga lang… hindi ko alam kung saan. Nahihirapan ako mag kwento sa dahilan na hindi ko alam. Siguro hindi ako ganun kagaling mag express ng feelings ko. Minsan nga hinihiling ko na sana, isang phone call lang ang layo ni Paul sakin. Para at least, nakakausap ko siya. Sa totoo lang, dalawa lang naman kasi silang lalake na talagang alam yung lahat ng nangyayari sakin. Si joseph at siya. Sila yung mga taong nalalapitan ko pag alam ko na kahit mga closest friends ko na puro babae e hindi ako maiintindihan. Sila lang yung nagtitiyaga sa mga drama ko sa buhay. Kanina napag usapan din namin ni Paul yung isa niyang kaibigan na babae. Niloloko ko kasi sa kanya yung babae kaya medyo napag usapan namin. Sabi ko pa nga sa kanya eh nagseselos ako. Pero siyempre, hindi naman talaga. Alam kong alam niya yun. Gusto ko nga na maging masaya siya with another girl e. Yung tipong hindi lang sila friends. Ang saya siguro pag ganun. Si joseph naman, nagka crush sa kung kani-kaninong babae. Actually pili lang talaga sila dahil alam niyo naman siguro yun, medyo pihikan sa babae. Kada sinasabi niya yung mga gusto niya, talaga naming nagrereact ako. Binibigay ko yung opinion ko sa babae. Grabe no. Daig ko pa magulang niya, e crush pa lang naman yun. Siguro, ugali ko lang talaga na magpaka sigurado pagdating sa mga bagay na may koneksyon sa puso. Ayoko lang siguro na maramdaman nila yung naramdaman ko. Wala akong kaibigan na gusto kong maramdaman yun. Alam ko na darating lahat sa puntong yun pero sana wag naman agad.




I thank the Lord for friends. They can see you and your life so clear 'cause it's not their hearts all tangled up in it.

Labels: ,

Tuesday, April 17, 2007

Naku mga tao… Medyo concern na ko sa aking lumalalang habits ngayong summer. Isipin mo, napaka tindi talaga ng aking pagkaka bored kaya naman naghahanap ako ng mga bagay bagay na makakakuha ng aking atensyon. Sa ngayon, friendster, blog, at ym lang ang mga kaibigan ko. Sila lang ang mga nakakapagpasaya sa akin. Kung ako ang tatanungin, gusto ko talaga mag travel. Time travel pa nga kung pupwede, yun nga lang e hindi yung pwede kaya gusto ko na lang sana magtravel sa mga lugar lugar. Kahit diyan lang sana sa malapit lang naman na greenhills e ok na. Kaso ang pinaka malaking problema talaga eh wala naman akong pera. At kung may pera man ako, hindi pa ako ganun ka desperado na pupunta sa isang lugar mag isa. Ano ba. Uso ang kidnapping ngayon. Sa itsura kong toh, sigurado na kikidnapin nila ko. Kailangan kasi nila ng mananakot para mas dumami pa ang sumama sa kanilang mga kidnapper. Pero mga peepz, hindi na ko “kid” kaya mas mabuting teen-nappin na lang nila ako. At least, nirerecognize ang pagiging teenager ko. Tignan mo naman. Kung ano anong ideya na ang pumapasok sa aking mumunting isipan.

Oo nga pala. Niyaya pala ako ng kaibigan kong si Rickie na sumali sa pagsagot sa isang survey. Oo mga pare, pinapasok ko na rin ngayon ang mga ganoong propesyon. Ako ngayon ay magiging isang taga sagot ng survey. Aba hindi ito biro dahil ibig sabihin nito e importante ang aking opinion [imbento ko lang] at higit sa lahat… PERA TOH!. Oo, may bayad ang pagsagot. Sana ito yung 5oo survey. Ibig sabihin… 5oo ang ibabayad sa amin. Naku mga peepz, lalarga nanaman ako niyan at makikita niyo ko na pakalat kalat sa kung saan saan. Kung sino man sa inyo ang may lakad e kontakin niyo na ko dahil sasama ko sa inyo. Kahit sino ka pa. Basta kilala kita [ano daw?]. Kahit yung mga friendship ko diyan na dating taga mandsci, napaalis ng mandsci, umalis ng mandsci at feeling taga mandsci e welcome ako yayain. Basta nga kilala kita at ikaw ay hindi isang bandidong kawatan ng mga pirata. Ahihihi. Di ko alam ibig sabihin nun, pinagsama sama ko lang para kunwari makata ako.
Oh siya siya, kontakin niyo na lang ako kung may lakad. Inuulit ko. Kahit sino, basta kilala ko. Ahihi… cge.. enjoy… ta ta!

Labels:

Monday, April 16, 2007

Tagal matapos ng rounin ah...
manonood pa ko ng PBB..
ano ba!
ang tagal!
iboto niyo pala si Chiz sa darating na eleksyon, pero dahil sa hindi pa tayo bumoboto, sabihin niyo na lang yan sa magulang niyo. Haha. Bakit si Chiz?... bakit hindi? siya ang kumanta ng Hallelujah, Tatsulok, F.U... oh di ba,.. BAMBOO!


Ang tagal talaga matapos... huhu...
yung daddy ko na fan ng maging sino ka man.. aba.. nakatulog na kakahintay.. pero pngako... hhntayin ko talaga... naku! nalimutan ko manood ng house of carters.. ggrr..
ang dami kong nalimutan...
epekto ba ito ng pagtanda...
naghahanap pala ko ng guest writer para sa blog ko...
kahit sino...
pauso queen nanaman ako...
tsk.. paaalam muna..

*may alaga akong pig... si pinky.. girl siya.. wag niyo aawayin.. mabait yan.. medyo rough lang yung ugali kasi nga "piglet" siya... wag niyo siyang tatawaging baboy.. conyo kasi siya e.. tsaka sosyal... cge.. salamat.. mas cute pa rin yung alaga ni martin.. tignan niyo na lang.. si martin jr.! hahaha...

Labels:

Sunday, April 15, 2007


uuhmmm.. ang post na ito ay dala ng kalokohan ko @ ng may-ari ng blog na ito..Ü enjoi!

the world is such a stupid place..
sobrang dming bgai n nkakainis..
sobrang dming bgai n nkk2wa..
tpos meron pang love..
ohh dbah.. wla nang ms gugulo pa!
aun..recently mrming sumusira sa araw ko..
hndee lng pla araw.. linggo! wahaha..

sari-saring tao na ang nkplibot skn..
mai fC [feeling clows!] na ngbgai skn ng testee na prang gs2 kong sbihan ng oh-my-god-ur-so-sweet-ang-kpal-mo-nmn-bgyn-ako-ng-testi-eh-hndee-nmn-tau-close!! [woi sna mbsa mo toh..niahahahaha..]
@ meron dn nmng mg pkealamera..
@ higit sa lht.. ang isang misteryosong nilalang na ngttgo sa katauhan ni zarah [wahaha..xa ba un o hndee..malai nateeen!]
inggit xa sa manaiBOGZ..! un UN..
we suck dw?! huhh..? wahaha..

+++++++++++++++++++++++++++++++

cgeh..serious..wahaha..uhhmm..ive read this ‘article’ or whatever about evry girls dreams [dw].. aun.. i’ll write the things na ntndaan ko.. or should i say tumama…wahaha..

girls hearts getting kissed in the rainhave a guy that thinks you're the world..
[mnsn nlng kxe ung gni2ng guy.. some stupid guys thinks that girls are just like toys.. well FU.! there’s really much more to us than boobs and harlequins *next words are deleted*..!]
have a guy that holds on as long as possible when giving hugs..Ü
a guy that whispers he loves you in your ear ..Ü
have that moment where you just gaze into each other's eyes [sumtyms girls just love to be taciturn.. it doesn’t mean its senseless dbah?!]
when you cry, he kisses your tears away wearing his jacket or his sweatshirt ..and everytime you breath in, his scent surrounds you [more like of a hug..ehehe..dpt mbngo! ehehe..]
a guy who will watch any movie with you, no matter how teary eyed you may get [and won’t think ur a jerk crying over a stupid movie!]
a guy that says he loves you and means it a guy that will play her favorite song outside her window ^^
a guy that will sing to you no matter how bad he is at it [hahaha..mai naalala ako..wahaha..chareeng! iris!]
a guy that will kiss you on the forehead…[it’s sweet..Ü]
a guy that will call you beautiful or adorable...not hot, fine, or sexy [a guy who would call u the sexiest girl on earth even If u gained a freaking 1o pounds]
a guy that says cheesy stuff to you just to make u smile…Ü
a guy that is the same when he is with you and when he’s with friends [meron pa kaia ne2?!]
a guy that tells you everything honestly…[yeah..bad things are better if told..Ü might even share..ahaha]
a guy that is good with your family and introduces you to his family

a guy that will always let you win [sa asaran and stuffs… a guy who would make you win in a basketball game even if he’s the mvp or whatever..]
a guy who will sit on the phone with you when you're sad, even if you're quiet [a guy who wouldn’t bug you with ano-ka-ba-magsalita-ka-naman stuffs..and knows when u need his voice..]

a guy who runs his fingers through your hair, like he's washing your worries/troubles awayand lastly…
a guy who would love you forever no matter the circumstance [amff..] {owner’s note: huhu… mushy…}

Ginawa ito ng kaibigan kong si Venus. Lahat ng ito ay sa kanya galing at wala akong kasalanan sa kung ano mang mapupuna ninyo dito. Salamat!

Labels:


test ng mga ngshashadang @ baliw sa rum! [with matching side comments..Ü]

[x]Nagcutting ka na.. [oo, 2nd yr plng ako ngcutting nq! wahahaha..geom un eh!]

[x]Ginagawang Basketball/ Volleyball
or kahit anong sports ang klasroom nio [mnsn lng ako mpsali sa liga s rum eh, wahaha.. pero ngwa ko na.!]

[x] Palabas labas ka ng rum pag
nababagot [@ xmpre!! wahaha.. suki ako ni sir san juan sa 'sir may i go out?!' scenario! wahaha..]

[x] Sumisigaw ka at ginagawang
playground ang rum pag wlang teacher [oo.! muntikan pq mguidance ulet.! wahaha.. take note: ulet!]

[x] Hindi ka nakikinig sa
mga sermon nila at madalas ay nakikipag sign language ka pa sa classmate mo ...[@ cnong aning aning ang mkkng sa sermon hahh?!]

[x] nangongopya ka o NAGPAPAKOPYA ka
kahit short quiz lamang [lamang?! oie quiz un! wahaha..xmpre lalo na sa PRECAL!]

[x]nahuli ka na pero hindi ka pa rin
tumitigil sa pangongopya

[x] Tinataasan mo ng boses ang iyong
titser [tentenenenenen! c mam hesyel! wahaha..]

[x] Nakikinig ka sa ipod/mp3 mo habang
naglelesson ang iyong titser [partners in crime: bliwlia, cheng @ eunice! wahaha.. it's either one of them]

[x] Nangdoktor ka na ng mga test
paper [uu..uhhmm..sa precal..wahaha..! wla n kxeng score kaia kwawa nmn..wahahaha]

[x] Pinagtatawanan mo ang
teacher mo at khit anong simpleng bgay
n mppansin mo sa clasrum

[x] Nagsusulatan kayo ng mga kaklase mo
habang nagtuturo ang inyong guro [uu..wahaha..chat2!]

[ ] Kapag umalis ang inyong guro ay
tinitingnan mo ang kanyang lesson
plan

[x] Kumakain kayo habang
nagtuturo ang inyong guro [yez..! wahaha.. most probably physics, english @ uhhmm.. precal tym! wahahaha..]

[x] nagtetext ka habang nagtuturo ang
inyong guro [xmpre..wahaha.!]

[x] Tumatayo ka sa klase kahit hindi
ka sinasabihang tumayo [oo! surveyor dw ako sbi ni mam hesyel! wahaha..]

[ ] nagsusulat ka sa blackboard para
asarin ang adviser sa pagkaubos ng
chalk [pesteng chalk d nmn maubos ubos!]

[x] Pag wlang kwenta ang subject at
ang teacher sadyang masarap m2log [fee6 @ precal! wooohoo..freetym!]

[x] Idinodrowing mo sa
notebook mo kung ano ang itsura ng titser nio pag magalit [uu! ahaha.. andmi ko ng artworx! pero expert c chescka d2!]

[x] dinadaldal mo ang mga tahimik sa
rum pra 2luyan ng umingay ang klase [oo! c rona ang nvictim ko..mwahaha]


[last will and testament ko dn toh qng ska skaling mai epal na mkbsa at iprint at ibigai sa mga teachers ko..ahaha..o kaia nmn teachers ko mismo mkbsa..]

[ang mga datos tulad ng asignatura o pangalan ay pawang kathang icp lamanag..!! chareeng! wahahhaa..!!]

[ito ay isang lame at lumang survey lamang.. wahahaha.. ero cute nmn dba..
ito ay kwento ng bwat isa sa atin.. ngayon bukas @ magpakailanman.. wahahaha..!]



Post po ito ng isa sa aking kaibigan na si venus... ako ay walang kinalaman sa kanyang post at kung ano mang mali ang inyong mapupuna ay wala akong kasalanan. Lahat ng nilagay niya dito ay base sa kanyang opinyon. Gusto mo ba siya makilala?... I-add na siya sa iyong ym... eto ang kanyang email address... forever_blue_08@yahoo.com

Labels:


Hook talaga ko ngayon sa PBB Season 2…
Ewan ko ba… siguro dahil sa boredom… dahil wala nang mapanood.. nagtitiyaga na lamang sa kung ano anong bagay.
12:00 na ng umaga at buhay na buhay pa talaga ko, ewan ko ba kung ano ang dahilan. Hindi ako inaantok ngayon. Siguro dahil bored ako. Tama ba namang sisihin daw ang pagiging bored. Haha.

Kain din ako ng kain ngayon. Salad, cookies, mcdo, chocolates, mcdo, mcdo, mcdo.. haha.. parang fast food yung tiyan ko.

Sa totoo lang ang sarap talagang gumimik ngayon, yun nga lang, broke ako. Wala na kong pera. Ang fruits of my labor e matagal nang naubos. Ang mahal kong stipend ay inanod ng dagat. Napaka bilis talaga. Ano bang nabili ko dun? Damit lang… magkano ang natira? 200.. napakamahal kasi ng bilihin ngayon. Dapat sa darating na eleksyon eh may kakandidato na mga teenager. Alam nila ang mga kinakailangan namin. Pero back to the topic kung may topic man, gusto ko talagang gumimik ngayon. Baka gusto niyo ko ilibre, willing naman ako. Yun nga lang, kung ikaw ay lalake… no strings attached nga ito ika nga nila. Habol ko lang talaga ang pang lilibre. Kita niyo naman, kumakapit na ako sa matatag. Wahaha. Sa greenhills, gusto kong pumunta dun dahil malapit lang. Tinatamad ako bumiyahe sa malayo dahil ang init. Pero kung may kotse ka dahil mayaman ka… OR BETTER… kung may driver ka, aba… tara na pare! MoA na… hihi… ang lantod ko di ba… ganyan talaga pag walang magawa, kumakapit sa patalim. Pero alam ko naman na unti lang ang makakabasa nito dahil unti pa lang ang readers ko, karamihan pa sa kanila eh mga kaibigan ko din kaya alam kong hindi sila mabibigla sa mga post ko. Baka mamaya mapuno tong ym ko ng offline messages ha… pag nangyri yun magugulat na ko… teka teka… wala ng sense yung post ko, dapat kasi ang topic ko e tungkol sa mga reality show, pero tignan mo, napunta sa wala. Hay naku talaga. Naalis si Kian sa PBB kanina, nakakainis, c dionne dapat. Crush ko pa naman si Kian. Grbe, weakness ko talaga ang mga suplado type na lalake. Ewan ko ba. I find them hot. Eeeww irish, tunog maniac ka. Haha! Teka, kung gusto mo ko iinvite na umalis. Aba aba, mag pm na lang sa ym ko.. or better.. sunduin mo ko sa bahay! Surprise kunwari. [pero malamang masusurpresa ko dahil hindi kita kilala.. STRANGER!]

Sige… bye sexy people… [eeww ka talaga irish…]

Labels: ,

Saturday, April 14, 2007

Hey hey hey mga pips…
Eto na ang hinihintay ng iba…
Ang aking mahiwagang pang-100 na post!
Matagal na rin pala ang pagbablog ko…
Dati rati kasi… ilang araw o linggo lang, di ko na tinutuloy.
Ngayon.. eto na..
Ang mga tanong niyo sa akin na alam kong bumabagabag sa inyo…
So.. eto na..

Bakit ka corny?
napaka in demand ng tanong na yan. Hindi lang yan ngayon natanong, madaming beses na rin. Nung isang araw nga ay tinawagan pa ko ni dakilang joseph para I-explain sa kanya ang isang joke na galing sa akin na hindi niya gets. At eto na ang sagot ko.
Mahilig ako sa joke tulad ng pagkakahilig niyo sa chocolate, pagba blog, paggamit ng ym at pakikinig ng musika. Kung isusuma total, parang ito ang nagpapasaya at nagpapaikot ng aking korny na mundo. Masaya ko sa pag imbento at paghahanap ng jokes. Naniniwala kasi ako na yun na lang ang mapagmamalaki ko kung saan nagagamit ko sa tama ang utak ko. Hindi naman ako katalinuhan kaya yun na lamang siguro. At least, lamang ako sa iba. Napaka korni ng sagot ko. Tignan mo naman di ba. Kahit sagot ko korni. Ganoon yun. Isa pa pala, mahilig akong kumain ng mais, tignan niyo ang epekto di ba. Malupit. Oo nga pala.. mas mabuti na ang corny na joke kesa sa sarcastic na joke… tama ba?

Bakit Zengkay?
Bilib it ur nat mga pips dahil yan sa aking lihim na pagkabata. Oh, anong iniisip niyo. Hmm.. talaga naman.. ibig sabihin ko kasi ganito. Nung bata ako, kahit na korni aaminin ko na naging fan ako nung pesteng hit na hit na anime na zenki. Putek, kabisado ko pa yung mga technique technique dun. Nakakahiya mang aminin, ganun talaga ko dati. Kaya nga nung lumaki ako at nireplay ang zenki, hindi na ko nanood uli dahil tiyak na kahihiyan lang ang katapat ko. Dahil nga sa pagiging fan ko nung bata pa ko, tinawag ako ng loka loka kong tita ng seng seng, yun nga lang ang bigkas niya eh “zeng” dahil nga daw siya ay “sleng”[slang]. Nakakainis talaga, dumikit na yung tawag sakin hanggang sa minanipulate ito ng pinsan kong lalake at ginawang zengkay. Ngayon tuloy, kahit na mag pipiptin na ko, zeng zeng pa rin tawag sa akin. Huhu. Nakakahiya pero ayos lang. Tanda daw yun ng pagmamahal.

Irish ngayong pilay at nilalagnat si nikko, kung saka sakali na nasa tabi ka niya, ano ang gagawin mo?
Huwaw! Ang tindi ng tanong! Malamang e maraming curious sa isasagot ko. Siyempre tatagalan ko ang pagsagot para mabitin kayo. Haha. Sige na nga, korni na eh. Siyempre, dahil mabuti akong kaibigan at dahil naging mabuting kaibigan din si nikko. Susuportahan ko siya sa hinaharap niyang pagsubok. Kung sakaling ako man ang nasa tabi niya, hindi na niya aalalahanin ang pilay niya dahil sisiguraduhin ko na wala na yung pilay agad. Wow. Ang tindi ng pagmamahal ko di ba? Pano ko yun sisiguraduhin? Aba.. siyempre.. puputulin ko na ang kung ano mang parte ng katawan niya na may pilay. Tignan natin kung mapilay pa siya uli. Wahahahaha. Tapos may lagnat siya? Hindi na siya lalagnatin uli dahil ipapalaklak ko sa kanya araw araw ang 50 biogesic at 50 alaxan. Kung kulang pa, 20 bote ng tempra syrup ang iinumin niya. Hindi na siya magkakasakit dahil addict na siya. Wahaha. Peace tayong lahat. Haha. Joke lang yun. Naman… hehe

Magkwento ka naman tungkol sa love life mo? Sino ba ang 1st love mo? 1st crush mo? Ano ang katangiang hinahanap mo sa lalake?
Wow… may isang uto uto na nagpauto. Ang tindi ng tanong mo neng. Pang miss universe yan ah. Pwede bang pass ang sagot? Mukhang mababatak ang tinatago kong reasoning skill jan ah. Hmmm.. teka.. sino ba ang 1st love ko? Siyempre si God.. huwaw! Showbiz ang sagot di ba. Oh siya sige na nga. Ang first love ko eh si… halata naman na di ba. Nakakaloko yata toh eh. Tsk.. nahihiya na ko.. hihi.. shy type? Next kuwestiyon, 1st crush? Haha.. nung kinder yata ako nun. Hindi ko alam na crush tawag dun. Binata na rin yung lalake. Ariel yung first name. Hayoop… haha… Katangiang hinahanap sa lalake? Wow naman, bakit interesado sa lablyf ko? Basta dapat kamukha ni brad pitt, Johnny depp, tom cruise, chad murray o james lafferty. Yun na yun! Pasado na! Haha…

Single ka?

Aba… hindi! Double ako! Tsskkk… Ano ba iyan…

Cell no. mo?

Pare… siguro naman may sarili kang no. di ba? Bakit kailangang hanapin mo yung akin? Tsk tsk.. kawawa ka naman…

Bakit laging dark yung layout ng blog mo?

Ewan ko… enjoy eh.. tsaka dun lang bumabagay yung mga font color ng mga post ko.. nakakatamad naman mag edit di ba.. mukha ba kong masipag? Tsk..

Miss… what’s your name?

Eto na yata ang pinaka mind twisting question na natanggap ko. Napakahirap sagutin kaya hindi ko sasagutin.

Naniniwala ka ba sa serendipity?… eh sa love at first sight?…

Naku mukhang pinapraktis ako sa pagsagot ng matino ah.. tsk.. ano ba.. serendipity… Aktuwali, nag reserts pa ko sa Microsoft Encarta dictionary para sa meaning niyan. Kasi ang alam nating lahat, yun yung sitwasyon kung saan kahit anong iwas mo, nangyayari o nakikita mo ang isang tao o isang bagay.. Ika nga ng iba, destiny daw. Soulmate daw. Kismet daw. Pero, kung iisipin natin at kung icocontradict natin, may possibility na ang serendipity ay isang good luck lang. Maaaring aksidente lang. Pero di ba, pag sinabing aksidente, minsan lang mangyayari. Pero ang serendipity, paulit ulit daw. Sa tingin ko… hmmm… may part ng sarili ko na naniniwala dito. Bakit hindi? Lahat ng tao may soulmate. Nanood ba kayo ng MMK? Tungkol yun dun. Nanood talaga ko nun kasi nacurious ako, sabi dun, hindi naman porke soulmate kayo e kayo na. Teka nga, lumalayo tayo. Siguro, medyo naniniwala ako dun. Pero hindi naman pwede na iasa na natin sa serendipity ang lahat, tayo pa rin naman kasi yung gumagawa ng sarili nating kapalaran and hindi ako masyadong naniniwala na hintayin lang dapat natin yung para sa atin. Isipin mo, pano kung siya din naghihintay? Naghihintayan lang kayo… hindi kayo magkikita… hehehe

Love at first sight? HINDI YAN TOTOO…
Hindi mo pwedeng sabihin na porke nakita mo na ang isang tao at nakapalagayang loob mo na siya agad e mahal mo na siya. Aminin niyo na dumarating tayo sa point kung saan kahit na matagal na nating kilala ang isang tao eh hindi natin alam kung mahal natin siya. Paano pa kaya kung kakakilala pa lang natin di ba? Nakapa kumplikado ng love… bakit yan ang tinanong niyo.. huhu… *wink*

First love never dies sabi nila, totoo ba yan para sayo? and, what's more special for u, frst love or last love??

First love dies… mahirap nga lang kalimutan.. huwaw! Ang tino! Haha.. pero sa tingin ko… namamatay din naman si first love… [si?.. tao? Haha]… ung memories lang naman kasi yung laging mahirap kalimutan kaya nagmumukhang mahal mo pa ang isang tao kahit na hindi na… next.. mas special.. hmm.. cguro… pareho silang special pero magkaiba lang ng level… kasi sa first love.. dun mo naramdaman lahat ng saya, hirap, dun mo naranasan na magmahal for the first time ng isang tao na hindi parte ng pamilya mo, hindi parte ng nakasanayan mong buhay. Tapos, yung last love naman, yun yung makakasama mo habang buhay. Siya yung tao na mahal ka kahit ano ka pa. And sabi nga sa isang quote… lahat ng babae, gusto nila na sila yung maging last love ng isang lalake. Totoo naman yun eh. Hehe…

Wow… nakakapgod mgsgot.. pro tapos na! Salamat sa mga nagtanong! I love you all!

Labels:

Wednesday, April 11, 2007

Oo nga pala at summer na
Siyempre, kahit umuulan, summer pa rin.
Uso nanaman pala ang mga libreng tuli sa bawat barangay sa pilipinas.
Natatawa ko kada naiisip ko yung mga memories naming magpipinsan diyan sa tuli tuli na yan.
Lumaki kasi ako na close sa mga pinsan ko sa father’s side.. kasama na dun yung mga lalake.
Nung nagbibinata na sila, naisip na ng lola ko na nagpalaki sa amin na ipatuli na ang mga “big boys”. Haha. yun pa yung tawag sa kanila nun kaya nakakatawa. Ayun nga at dumating na ang pinakahihintay na panahon. Tatlo silang lalake nun na sinamahan naming mga babae kasama yung lola ko. Abah, biruin mo. Hindi ko talaga yun nalimutan. Kabado ang tatlo, tagaktak ang pawis at siyempre hinanda na din namin ang mga maluluwag nilang short, paboritong pagkain, at mga words of comfort. Para talaga silang bibitayin. Pumasok ang tatlo sa isang kuwarto sa hospital at naghintay din kami ng medyo matagal. Tinanong pa namin ng pinsan ko sa lola ko kung pati ba kami ay gaganunin. Siyempre, nagtawanan sila at sinabi na umalis na lang daw kami at bumili ng juice. Nakakainis talaga nun dahil pinagtawanan nila kami. Kasalanan ba naming uhaw ang aming mga utak nang panahon na iyon?…
Dumating na nga ang tamang time at lumabas sila na hirap na hirap sa paglalakad. Para silang mga penguin na may lobo sa pagitan ng binti. Gamitin mo ang imahinasyon mo ng mabuti. Kung hindi gumana, baka kailangan mong magpatingin sa opthalmologist. Pag hindi pa rin, uminom ka ng baygon at sure ako na maiimagine mo na yan. Kinomfort naming sila at nagbayad na ang lola ko sa isang babae dun na ewan ko kung buhay pa ngayon.

Ilang linggo silang ganun kaya nakakatuwa silang tignan. Hindi ko alam kung bakit kailangan silang ganunin. Ano ba ang dapat nilang patunayan?. Pero in some ways, swerte rin sila dahil isahan na ang lahat ng hirap nila. E kami, buwan buwan. Pero di ko yata kaya makita ang isang part ko na pinuputol, kahit na naipong dumi lang yun o balat. Agghh.. Ngayon, binata na sila. May mga nililigawan na at sabi nila proud sila at natuli na sila. Pero bakit may mga banyagang bansa na hindi agree dito. Biruin mo, akala ko dati lahat nagpapatuli. Hindi pala. Ano ba yan, bakit ba eto ang topic. Siguro kung nababasa toh ng mga pinsan ko e ipapahiya nila ko sa susunod na reunion ng pamilya na sa Sabado gaganapin. Naku po. Pag nabasa nila toh. Irereminisce nanaman ang mga kahihiyan na nangyari sa amin nung mga nakaraang taon. Iniisip ko pa lang eh nagingilabot na ko. Sige. Paalam!

Labels:


Hay. Ano Ba Namang Buhay toh.
Tignan niyo, kakagising ko lang kaninang 1 pm.
Buhay batugan talaga oh.
Wala naman kasi akong ginagawa dito sa bahay.
Hindi kami mayaman na nakakapunta sa ibang bansa pag bakasyon.
Buti pa yung nililigawan na kapatid ko.
Nasa States. Nagbabakasyon. Eh kung tumira na lang siya dun di ba.
Haha. Ang sama eh noh.
Pero sayang kasi pera niya, concern lang ako.

So ayun nga, kagabi, pinipilit nanaman ako ng magulang ko na mag isip na nag course ko for college.
Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko muna mag isip kahit na kailangan na.
Kasi ilang taon pa lang ako, tsaka naman noh… mag fifteen pa lang ako! Mag fofourth year pa lang ako! Ayoko pa mag college!!! Waaaa…

Pero tama din ang parents ko… kailangan ko na isipin yung future ko.
Haayyy… parang kelan lang, gusgusin pa ko.. huhu…
Ang tagal ko na pala sa Mandsci.
Kasabay ko ng tumanda si Sir Septimo…
Huhu.. ang tanda tanda niya na… hahaha.. ang sama noh.. pag nabasa niya toh baka di ko pa matapos huling taon ko s hs.. haha
Ano bang magandang course.. sa totoo lang nagpromise ako sa sarili ko na magiisip ako ngaung summer vacation para paghandaan yung college life ko. Kaso, siyempre, ako pa! Kelan ba ko nag isip ng matino…
Walang kwenta tong post na toh.. puro random lang..
Di toh katulad ng kinatuwaan ng iba na Life of a singleton
Nagsusulat lang naman ako ng ganun pag sinisipag ako e

Aalis ako sa Pilipinas.
Pero babalik ako.
Papatunayan ko muna sa mga walang bilib sakin na hindi lang ako “ganito”
Na lahat ng sinabi nila sakin na mali eh mali talaga..
Babalik talaga ko.
Lahat ng tao na dinadaan daanan lang ako at minaliit ako.
Magugulat kayo.
Magugulat talaga kayo.. kasi siyempre gugulatin ko kayo.. ahihi
Ok na sana.. seryoso na eh.. humirit pa..
Pero siyempre, hindi naman totoo na aalis ako.
Mamaya may tsismis na kumalat, sabihin pa aalis na ko.Hehe. Dito muna.

Labels:

Tuesday, April 10, 2007

Dahil katapusan na ngayon ng princess hours...
Ilalabas ko na ang mga tinatago kong alas...
Mga picture na never before seen...
At ewan ko kung ipapakita..
Cute sila kaya ipapakita ko na...


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang cute ng pic na yan...
Ang simple lang tignan..
Parang hindi sila naging part ng royal family di ba...


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Royal Son! cute ha.. hehe

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Congrats! haha...

Labels:


You woke up. Got up from your bed. Faced the mirror and combed your hair. You started to hum this cute cute song that is stuck on your mind right now. You're trying to remember where you heard that song. Then. Wham! yeah... you and your bf's favorite love song. Then. Wham again! Shoot! You just broke up..


Well.. Welcome To The Life of A Singleton!

Yeah.. problema sa iba ang pagiging single
Aminin na natin yan, may mga taong judgemental.
Pag sinabi mong single ka.. iisipin nila agad na loser ka.
Or worst, wala kang social life. Double Ack!
Du’uh! Napaka cruel naman yata ng social scene ngayon ng mundo di ba.

Honestly… being single is no big deal. Promise! Aminin niyo mga readers! Haha
Yeah.. oo.. masarap yung may kasama ka na nasasabihan mo ng daily ramblings mo, opinions mo, and the usual stuffs. Pero di ba.. may mga friends naman tayo para diyan. I can’t see the point kung bakit nagpapaka judgemental ang ibang tao. Porke ba single ka you’re an ugly duckling na?… ugghh… sobra naman yun… me? I’m single! And I am SO not ready para sa isang commitment. May best best best guy friend ako na nasasabihan ko ng mga problema, so… ano pang kailangan ko?… I’m surrounded by these wonderful and gorgeous people na ready akong tulungan lagi. Kahit walang guy ngayon na nagpapatibok talaga sa heart ko… may wonderful and uber handsome crushes naman ako na hindi lang advantage ang itsura. Exciting na adventure din yung makita sila unexpectedly during your worst moment. Haha. Yun yung masaya.

No commitment. No Jealousy. No Scandals. No Fights. No GIRLS getting angry at you. No Tsismis. No Everything.

Enjoy your single life! Cause I am SURELY enjoying mine… teehee…
Later!

Somewhere along the line, I started hurting the people I care most about, and I can't figure out how to stop. – Dan Scott, One Tree Hill

Labels:


Kakadating ko lang galing sa “science”.
Siyempre nakuha ko na yung card ko at nagawa ko nang maka catch up sa social life ng mga tao tao.
At napansin ko din na uso ang stripes.
Pumunta ko dun na nahihirapan magdesisyon kung ano ba ang tamang suotin.
Kung ikaw ay taga mandsci at gusto mo pa ng maayos na social life,
Kailangan na angkop sa pupuntahan mo at okasyon ang susuotin mo.
Madaming mapanuring mata dito at talaga naming tititigan ka nila mula ulo hanggang paa.
Yun nga lang, ngayon, batch na namin ang nagpapanuring mata.
Madaming nang okray, madaming nambati.
Kaya bago umalis, inipon ko na ang buong self esteem ko at rumampa palabas ng bahay.
Siyempre suot ko yung black and white stripe dress na garterized… mahirap siyang idescribe pero pag sinabing garterized… pwede mo siyang gawing off-shoulder, off ang isang shoulder, o isang simpleng blouse. Siyempre simpleng blouse lang ang ginawa ko. Under ng damit na yun, nag skinny jeans na lang ako para safe. Then wedge shoes na color pink. Ayun, inakala ko na out talaga at panget ang suot ko. Pagdating ko.. tentenenen… aun.. may nasulyapan na kong stripes… sabi ko na nga ba.. ang dami kong makakagaya. Pero ok lang, ako lang naman kasi yung timang na nakaisip mag skinny jeans.. *wheeww*
Siyempre ang “babaw” ng entry ko di ba… damit lang yung knwento ko. Eh ano ba naming dapat kong ikwento? Nakikita nman kasi ang personality ng tao sa pananamit niya di ba. OK lang yan. Haha

Sige.. ano bang pwedeng pag usapan. Ahhmm… wala eh.. ayoko naman maglagay ng seryosong topic dito dahil una, hindi ako seryosong tao at pangalawa, hindi talaga ko mahilig mag seryoso. Kanina nga pala ay nakita ko si Dakilang Joseph at.. nanghampas pa.. haha, sino pa ba, siyempre yung MB nakita ko din, at pinakuha pa ng bruhildang angee ang kanyang card sa aking mother dear. Hehe. Sinusulyap sulyapan ko din sa james lafferty look-alike pero mukhang wala siya. Tsaka naalala ko na off muna pala ko sa boys. Hehe.

Pinagiisip na ko ng magulang ko ng course na gusto ko. Eto lang naman ang gusto ko sa buhay eh : UMALIS!.. I mean.. mag travel, pumunta sa iba’t ibang lugar… iexplore yung mundo. Yun lang.. naku secret yan ha.. Bigyan niyo naman ako ng suggestion ng course na bagay sakin at pwede kong kunin. Malay niyo, kayo pala ang susi sa aking tagumpay. Haha! tayo ang pag asa ng bayan! Mabuhay!!!

When I fell to the floor tonight, I was so scared, I was so terrified. Then I saw you, and I promised myself that if I could just get up, I'd walk over to you... I'd tell you how much I need you and how much I want you... and how nothing else matters. – Nathan Scott, One Tree Hill

Labels:

Monday, April 9, 2007

I deeply apologize for my previous post in this blog…
Alam ko na sobrang panget nung nabasa niyo…
But.. In my opinion.. yun na lang yung way para malabas ko lahat ng bottled up feelings ko…
Vocal ako sa mga opinions ko.. pero sa feelings ko.. hindi talaga…
Haayy.. yaan niyo yun..
Hihi…

Soo.. umpisahan na natin…
Bukas ay ang pinakaaabangang bigayan ng ugghh.. cards!…
Gusto ko sanang itanong kung pwede na kami na lang ang kumuha..
Una kasi.. masisira ang sched ng aming pinakamamahal na prents…
Pangalawa.. Pano pag nagkayayaan di ba…
Pangatlo.. acckkk… yung grades ko!
So.. ayun.. actually hindi toh seryoso na post..
Nilagay ko lang talaga toh dahil bored na bored na ko..
Alam kong dapat naguumpisa na ko sa pag iisip ng balak ko sa college…
Siyempre.. kailangan na talaga…
Yun nga lang.. nakakatamad!!!
Waaa…

Sa totoo lang.. madami akong pangarap sa buhay… kahit hindi halata.. madami talaga…
Tara na at isa isahin natin… [parang nagporpromote noh…]

Yumaman…
- sinong baliw ang hindi yan pangarap? Ang marinig ko lang na kamag anak ko at kaparte ako ng yaman ng mga ayala o cojuangco ay isa nang musika sa aking tenga paano pa kaya pag si bill gates pala ang nawawala kong ama… wow pare.. rock and roll toh…

Henyo
- Kahit isang araw lang.. pangarap ko yan.. ang mapunta sa akin ang katalinuhan ni einstein, Newton, descartes, Aristotle at kung sino sino pa diyan na magagaling na tao.. masaya na ko nun… pero siyempre.. isang araw ko lang yan hiling.. ibabalik ko din ang mga utak nila.. mahirap na.. ayoko mahuli ng mga pulis sa kasong pagnanakaw…

Sikat
- Siyempre.. with great looks comes great responsibility.. walang konek yun dahil inimbento ko yun pero gusto ko talagang maging sikat. Kahit sa anong paraan… pwera siyempre sa pagbebenta ng laman dahil mukhang malulugi ako dun. Pero gusto ko talagang sumikat… buti pa si cofibean, sa pagiging masama niya at mapang api.. sumikat siya.

Model
- ewan ko ba… naiinggit ako kila piolo at sam. Ang lalaki ng mukha nila sa EDSA, akala mo naman sobrang sikat na talaga sila. Nakakainis, puro na lang mapuputi yung nakikita ko. Bakit di nila ilagay yung mga kayumanggi dun. Mga morena at Moreno… tulad ng kuya germs.. German Moreno.. corny di ba.. tawa ka na lang.. si alma Moreno din pwede.. haha..

LOOKS
- Bakit? Makakamtan ko ba ang pagiging model kung panget ako? Siyempre hindi. Ano bang mapapagmalaki ko? Yung mata kong peke? Naman ha! Kailangan ko ng looks… I need the height… the bod [BOD!! Yeah! Haha], the complexion, the face.. in short.. EXTREME MAKEOVER! Wahaha.. pero may isa naman akong mapapagmalaki e.. my oozing sex appeal.. nakakadiri di ba.. sabi sayo e.. kung ibebenta ko yung laman ko dun sa circle.. luging lugi ung mamasang ko.. tsk tsk..
Yan muna.. enjoy!… haha.. later!

Labels: ,


Yaan niyo ko ilabas ang sama ng loob ko...
Ako si Irish...
Alam ng lahat ng nakakakilala sa akin kung gaano kagulo ung ugali ko...
Nanakit ako.. oo.. aminado ako..
prangka ako.. oo.. totoo yun..
pero siguro.. alam niyo naman kung pano ko maging kaibigan...
ipaglalaban ko hangga't kaya ko...
pero bakit ganun... lagi na lang namimisinterpret ng ibang tao yung ugali ko...
kesyo maldita daw ako, manhid daw ako, eto pa yung masakit... "mababaw" daw ako...
akala ng iba.. physical appearance lang yung tinitignan ko...
hindi naman ako ganun e...
bakit naman ganun sila mag isip...
di ba tao naman ako...
may mga kaibigan ako at may mga kasundo akong tao na hindi perfect...
kahit naman ako hindi perfect...
wala naman kasing perfect na tao sa mundo...
pero bakit ganun...
may mga tao na hindi siguro nila namamalayan.. pero.. sa mga sinasabi nila tungkol sakin... nagmumukha akong mababaw...
hindi.ako.mababaw
marunong naman ako magmahal ha..
bakit.. pag nagmamahal ba ako ano bang tinitignan ko?
ung mukha niya lang ba?
ung pagiging sikat niya lang ba?
hindi naman ah!
tinanggap ko lahat ng ugali nia.. masama man or mabuti..
pero bakit iniisp ng iba..
physical apperance lang lagi yung napapansin ko?
malalim din ako na tao..
hindi halata.. pero totoo..
wala na kong pake ngaun kahit mabasa pa toh ng kung sino
alam ko pagsisisihan ko toh.. pero.. ang sama lang talaga ng loob ko...
aarrgghh... wag niyo naman ako ijudge ng ganun ganun lang..
oo na.. panget na ko.. shheesshhh...

Labels:

Sunday, April 8, 2007

Wish wish wish...
wish wish wish...
hihi...
don't you just love wishes?
the magic wherein we believed that those stuffs that we want the most could be reached.
Me?.. yeah.. i love wishes...
i love them soo much
that I am practically living in a world full of wishes... broken promises... and deception...
I am stupid to believe that wishes are ALWAYS reachable...
That they ALWAYS exist...
haayyy.. now? Am I sorry for those wishes that I wished for?
nope... coz those things made me believed that sometimes... yes.. sometimes... wishes do come true.. not today.. but maybe tomorrow...

Labels:

Thursday, April 5, 2007

Siyempre naglalabasan na ang mga sari-sariling pakulo ng bawat tao...
Umpisa nanaman ng pagpapadugo ng mga tao sa kanilang katawan...
Ewan ko ba kung bakit kailangan gumanun...
Hindi ba sila nasasaktan?...
Hindi naman sa sinasabi ko na mali siya...
Pero hindi ba sila nahihirapan dun?...
Besides... si Jesus nga nagpapako na sa krus para sa kasalanan natin e...
Sana pala lahat na lang ng tao nagpa pako sa krus...


Bukas ay pupunta pala kami sa aming probinsya...
malamang kung aning aning na bagay nanaman ang makikita ko dun
di bale...
kayo ang una kong kwekwentuhan kung saka-sakali...
haha...
teka... maglalaro muna ako at mangangarir sa malupit kong laro...
haha.. cge..
ta ta!

Labels:

Monday, April 2, 2007

Dahil bored na bored ako ngayong bakasyon...
Napagdesisyunan ko na maglaro na lamang...
Pumunta yung pinsan kong lalake dito kanina
at nag install ng kung ano anong corning laro sa pc...
hihi.. alam niyo naman na mababaw ako...
tapatan mo lang ako ng isang bagay na ikakasaya ko..
ok na... wala nang problema..
kaya eto ako... nagpapakaadik sa pagbabantay sa aking virtual village..
masakit ang kamay dahil sa diner dash 2...
masakit din ang kamay dahil sa shop mania...
at siyempre dahil sa impluwensiya ni dakilang joseph..
naglalaro nanaman ako ng pokemon...
magkasundong magkasundo nga kami ng kklse ko dati e...
take note.. lalake un..
haha.. pano.. yung mga nilalaro niya na akala niya siya na lang ang naglalaro...
ehem.. nilalaro ko din...
hehe...
gnyan tlga.. bored e..
geh.. dito muna.. ang daming online.. ang saya... hehe...

Labels:

Sunday, April 1, 2007

Nung January, pumunta ang aking tito/pinsan [kasi asawa siya ng pinsan ko talaga]/friend/ewan.. blablah... sa Australia...
Dapat talaga ay pupunta sila dun ng pinsan ko [na asawa niya] kasama ang anak nila. Pero dahil sa unting problema, hindi nakasama ang pinsan ko at pamangkin ko.
Napag kwentuhan kanina ng aming "angkan" sa father's side ang pag alis ng asawa ng pinsan ko. Sa totoo lang, kung ako yung tatanungin, hindi muna ko babalik sa pinas. Biruin mo, weekly ang sweldo mo... at pag kinonvert daw ang sahod niya, aabot ng *drumroll muna* 150,000 a month yung sweldo niya. Alam kong di yun biro, sa isang ordinaryong Pilipino, sweldo niya na yun sa buong taon.. o kaya naman.. hindi man lamang umaabot ang sweldo ng isang Pinoy taunan sa halagang iyon. Eto pa... manager ang pinsan ko ng Jollibbee... kaya isipin mo... naguumapaw ang pera nila. Kahit bigyan ng pinsan ko ang angkan namin ng tig 5,ooo., wala lang yun sa kanya dahil bawing bawi naman. Isa lang ang anak nila at sa January 2008, susunod na ang pinsan ko at pamangkin ko.
Kung iisipin natin, ang sarap ng buhay nila. Ako nga rin nabigla nang malaman ko yun. Hindi na rin kailangan gumastos ng todo ng asawa ng pinsan ko dun sa Australia dahil lahat ay sagot ng kumpanya niya kasama na ang *show money* na dahilan kadalasan ng di pag alis ng isang Pinoy. Wala na rin siyang problema sa pagkuha sa pamilya niya dahil sagot ito ng kumpanya. Ayos na sana ang lahat, yun nga lang, todo pala ang discrimination sa Australia.
Hindi naman sa masama ang tingin ko o mababa ang tingin ko sa mga taga doon. Sinasabi ko lamang ang isang katotohanan. Hindi naman siguro lahat ng "aussie" ay ganun, pero sabi ng asawa ng pinsan ko, karamihan daw ang ganoon. Sa mag aapat na buwan na pamamalagi niya sa bansang iyon, naranasan niya na daw na kumain sa labas... hindi yung iniisip mo na sa restaurant.. labas na literal ang ibig sabihin ko... eto pa... silang mga pinoy daw ay kumain sa labas... sa tabi ng kanal ba yun o ilog... parang napakasama naman yata nun dahil tao naman tayong lahat di ba... pag pumupunta ba sila dito ginaganun natin sila? hindi naman... yan kasi ang problema sa atin... winewelcome natin sila [dahil siyempre... mahirap lang ang bansa natin... pera ang dala nila] tapos yung mga pinoy na tumutulong sa pag asenso ng bansa nila.. binabastos nila...
Nakakainis talaga yun... hindi ko tuloy alam kung ano ang itatrato nila sa pamangkin ko... nasabi ko naman siguro o nabasa niyo naman siguro sa profile ko dito na napapagkamalan akong Indian minsan dahil sa kulay ko.. at oo.. nasa lahi namin yun... yun nga lang yung pamangkin ko... ehem.. medyo mas malala.. ehem ehem.. kulay african lang naman siya... o sige.. masyado naman yun... kulay uling na lang.. naku masama din.. basta isipin mo... MAITIM.. pero hindi siya kulay tsokolate... napag isip isip tuloy namin na gawan ng paraan ang pagka itim nia... [sa totoo lang... 2 years old pa lang siya] eto ang mga tips ng aming angkan...
1. Magpa Belo siya dahil mayaman naman siya... yun nga lang.. may kutob kami na hindi yun eepekto... kung eepekto man.. siguro for 24 hours lang...
2. Magpakuskos siya ng balat 24/7.. yun nga lang.. kawawa naman ang eskobang gagamitin pati na rin ang sangkatutak na sabon...
3. Galing toh sa daddy ko... Ibabad daw sa flour.. hindi lang ibabad.. pagulung gulungin pa.. pero siyempre.. mahirap... pano pag naligo siya... tsaka mamaya maiprito siya.. kawawa naman...
4. Buhusan ng pintura... yan talaga ang matindi.. medyo kakapit ang kulay.. yun nga lang.. medyo magastos..
5. Hayaan na siya.. sus... pag dating niya dun mamumula naman siya... sabihin niya na lang na nasobraan siya sa "tan", baka sumikat pa siya dun.
Ayan... babalitaan ko kayo kung aalis na sila.. haha!

Labels: